Hindi ko mawari
Kung ano nga ba talaga ang tunay na nangyayari
Sapagkat mayroon akong naaaninag
Na animo'y hindi ko ito maipaliwanagIto'y aking nilapitan
At sabay ko na ring tinignan
Tama nga ang aking punto
Sapagkat ako'y nakakita ng isang multoAko'y hindi makaimik
Kaluluwa naman niya'y hindi matahimik
Lugar ma'y napakadilim
Ngunit mas pinili ko paring magdasal ng taimtimPagkamulat ko ng aking mga mata
Ang di matahimik na kaluluwa ay tuluyan ko nang hindi nakita
Naglaho na rin ata ito ng tuluyan?
Kaya't dapat ko na rin itong kalimutan at tuluyan ng maialis sa aking isipanAko'y mayroong sasabihin sa iyo
Na sayo'y aking maipapayo
Na huwag kang matakot sa patay
Kundi mas matakot ka sa buhayParte na rin talaga sa ating tradisyon
Ang mga nakakatakot na mga kwento
Na pinapangunahan ng mga multo
At tuluyan ng papatok ang mga kwentong iyon=x
Author's note:
Once again sana nasulit ninyo ang mahaba habang semestral break ninyo, nawa'y huwag nating kalimutang bisitahin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na 😅☺ at happy 6k reads sa MTNJ 🎉 HAPPY HALLOWEEN by the way 👻
-OrangeLover18
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Jilz
PoetryHighest Rank Achieved: 2016 #1 in Poetry as of October 6, 2016 2019 #12 in Spoken Poetry as of January 2, 2019 #21 in Poem as of January 2, 2019 2020 #78 in Poem as of April 18, 2020 #12 in Mga Tula as of April 18, 2020 #11 in Spoken Poetry as of Ap...