Sila ang magiging panibagong pamilya ko
Na makakasama ko magmula Hunyo hanggang Marso
Sa umpisa ako'y nahihirapan
Sapagkat hindi ko alam kung paano ko sila pakikisamahanSa lahat ng kanilang gagawin
Ngunit kailangan ko silang pakisamahan
Sapagkat ako'y nabibilang sa pamilya ng Tenwan
Sa umpisa'y nagkahiyainHabang tumatagal ang panahon
Mas naging matatag ang aming pagkakaibigan
Ang salitang kompetisyon
Ay siyang magiging hadlang sa aminPero pagkakaibigan parin ang siyang aming paiiralin
Sa tuwing may mga magaganap na paligsahan?
Ang aming adviser na si Ginoong Jerald Pangan
Ay laging andiyan upang kami ay suportahanSa lahat ng aming nasasalihan
Gusto namin kami ang tanghaling kampeon
Sapagkat ayaw na naming maging matulanan
At tagumpay lamang ang gusto naming makamtanKami ma'y nagpaplastikan
Sumobra na sa mga asaran
May maganap na pikunan
At hanggang sa may magsuntukanPero sa kahuli-huli ay kami ay nagmamahalan
Ganun lang kami magmahalan
Kaya't nagagawa namin ang lahat ng yun
Sa Junior High, ito na ang huling taon natinKaya't habang maaga pa aba'y atin ng sulitin
Habang mayroon pang pagkakataon
Ang tulang ito ay iniaalay ko sa lahat ng Tenwan
Sympre hinding hindi ko makakalimutan si Sir Pangan
Na lubusan kong pinasasalamatan
Sapagkat siya'y naging mabuting guro/tatay sa atin
Guys mahal na mahal ko kayo
Kaya't nagawa ko ang tula na ito para sa inyo
Nawa'y nagustuhan ninyoAlam niyo?
Habang sinusulat ko ito
Lahat ay nanggaling sa aking puso
Puso na kailanma'y hindi magiging batoPero char lang yun!
Aking uulitin
Mahal na mahal ko kayo yan lang ang lagi niyong tatandaan
Mga minamahal kong tenwan
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Jilz
PoetryHighest Rank Achieved: 2016 #1 in Poetry as of October 6, 2016 2019 #12 in Spoken Poetry as of January 2, 2019 #21 in Poem as of January 2, 2019 2020 #78 in Poem as of April 18, 2020 #12 in Mga Tula as of April 18, 2020 #11 in Spoken Poetry as of Ap...