Hiwalay na Tayo

301 22 5
                                    

Ayaw ko na
Pagod na pagod na ako
Ang mabuti pa
Maghiwalay na tayo

Huwag mo na akong kakausapin pa
Ayaw ko ng makita pa ang iyong pagmumukha
Lumisan kana sa harapan ko
At ako na'y iwan mo

Pumunta kana doon sa bago mo
Doon sa bago mong syota
Na siyang ipinagpalit mo sa akin
Kaya't ano pang hinihintay mo?
Puntahan mo na siya!
Nakakahiya naman baka naghihintay na siya roon sa inyong tagpuan

Kalimutan mo na rin sana ang araw na ito
Na kung saan ay naghiwalay na tayo
Huwag mo na rin akong alalahanin
Sa kung ano ang mangyayari sa akin rito
Baka kasi makadagdag lang ako sa iyong iisipin

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon