Mga Pusa

268 20 2
                                    

Hindi ko malaman
Kung bakit ko sila kinatatakutan
Ang kanilang mapupungay na mga mata
Ang siyang nakapagbibigay sa akin ng kaba

Sa tuwing sila'y aking makikita
Na nakakalat lang sa daanan
Hindi ko sila matignan
Sapagkat ako'y nangangamba

Baka ako'y kanilang kalmutin
Weirdo mang pakinggan o basahin
Simula nung ako'y bata pa talaga
Takot na takot na ako sa mga pusa

Mga Tula ni JilzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon