***THE COMING***

340 16 0
                                    

Pagkatapos ng ilang taon, ilang buwan, ilang linggo, at araw na lumipas, heto ako nagbabasa ng mga messages nya. May luhang tumulo saking mga mata. Luha ng pagka-awa sa aking sarili, sa pagmamahal sa isang taong walang ginawa kundi balewalain lang ako. Ni minsan ba naisip nyang nasasaktan ako? Naiisip nya ba kayang nawawasak yung puso ko? Pero hindi nato yung panahon para isipin ko pa yun, kasi wala na sya. Wala na sya. Wala na sya. Ang tanging meron nalang ako ay yung sakit, yung sakit na iniwan nya.

I should be fine. I have to.

Babalik nako ng Philippines nyan. Sa pagbalik ko, magkahalong kaba at saya yung nararamdaman ko. Saya na makikita at makakasama ko na ulit yung mga pamilya ko at mga kaibigan na nagmamahal sakin, mga kaibigan na tumulong sakin nung mga panahong sobrang lugmok ako. Kaba, sapagkat hindi pa ko handang makita sya, hindi pa talaga. Maybe someday.

Touch down NAIA. Alright I'm finally home. Sinundo ako nina mama, ng mga kapatid ko, saka si lola. Woaaahh! I missed them so much.

"Na miss ko tong apo ko." sabay yakap sakin ni lola na mejo naluluha pa. Halatang sobrang namiss ako netong lola ko.

"Ate yung laptop ko?" Excited talaga tong kapatid ko sa mga pasalubong.

Pumunta muna kami kaming Mall of Asia para kumain. Gutom na tong mga to sa kakahintay sakin eh. Nakakahiya naman sakanila diba? hahaha

"Kamusta ka naman dun anak?" tanong sakin ni mama habang hinihintay ang pagkain.

"Okay lang naman ako ma. Masaya akong nakabalik nako." nakangiti kong sagot.

"Mag aaral ka ba talaga ulit?" biglang tanog ni papa.

"Opo pa. Gusto ko talagang ma pursue yung pagiging CPA. I'm planning to take a refresher course first this coming semester."

"Panu yung trabaho mo sa London?" Kasunod na tanong ni papa.

"May babalikan naman akong work dun pa. Saka nagpaalam naman ako ng maayos and another advantage din po yun pag nagging CPA nako."

"Tama na yang kakatanong na yan. Matanda na yang anak mo, alam na nya yung ginagawa nya. Kumaen na muna tayo. Mukhang ang sasarap ng mga pagkain ohh." Biglag sabat ni mama na halatang gutom na.

Pagtapos naming kumain, namili muna kami ng mga damit at ng kung anu anu pa. Masayang nagshopping tong mga kasama ko. Bumili sila ng mga sapatos, damit, at bag. Pero ako, di nako bumili ng kahit ano. Madami nadin naman akong dalang pampasalubong.

Masaya ako ngayong kasama ko na ulit ang pamilya ko. Masaya akong nakikita silang masaya. I can say na worth it naman yung pinagtrabauhan ko sa London kasi nabigyan ko sila ng masaya at maginhawang buhay.

Byahe na kaming pauwi ng bahay. Napagod ako, pakiramdam ko may jetlag pako. Saka alas onse na din ng gabi kaya nakatulog nako sa byahe. Paggising ko nasa mansion nako. Charot lang di naman yung mansion. Pero malaking bahay para sa pamilya ko. Hindi namin kasama dito sina lola kasi gusto pa din ni lolo dun sa bahay nila kahit pwede naman sila dito.

Pinasok na sa kwarto ko yung mga gamit ko. Andito na din yung dalawang balik bayan box na pinadala ko. Sakin yung may pinakamalaking kwarto, ayoko kasing masikip lalo na madami akong gamit. Sakin din yung may sariling sofa at tv, mahilig kasi akong magsolo para pag may scene na ano, pwedeng pwede. (insert evil smile here xD)

Nagising ako sa mga maiingay na katok ng mga bata sa labas. Pasko na ba? Bumangon nako at pagbukas ko sa pinto bumugad sakin ang mga pinsan kong bubwit pa sabay buhat pa kay Ken ang aking baby. Hahaha :) :) :)

One Dream (GxG) - SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon