ARIANELLE'S POV
Kay ganda ng gising ko ngayon. Napanaginipan ko kasi si Kelly eh. Ang ganda ganda kasi nya kaya sobrang saya ko ngayong pag gising ko na kahit sa pagtulog ko pakiramdam ko kasama ko sya. Its Saturday and its audit day. Tumataginting na 6 hours lang naman ang audit class namin ngayon. Nakakasuper duper drain. Pero masaya kasi makikita ko ang aking binibini. Hihi!
Magkatext kami ni Kelly habang papasok ako hanggang nasa room nako. Magkatext kami habang nagkukwento si Bevs na magkasama daw sila kagabi ni Sir Ferdy, isang Chinese na prof namin sa audit. Kasama daw nila si TanTan. Yun lang ang naiintindihan ko kasi focus akong katext si Kelly ko.
"Alis nako. Wag na muna siguro tayo mag usap." Sabi nya. Nakuha naman nya ang atensyon ko sa sinabi nya.
"Anu? Bakit? Napanu? " sunod sunod kong tanong.
"Para magwork ang sa inyo ni Kelly." Yun lang at umalis na sya. I tried to run to her but she didn't talk to me anymore.
Tinext ko si Kelly na mamaya nalang kami mag usap coz I have something urgent, yun nga yung kay Bevs.
Kinakausap ko sya, tinitext ko sya, pero wala e di nya ko pinapansin. Ayoko yung ganito, ayoko yung pakiramdam na ganito. Nag lunch break at nagklasi na ulit kami pero wala e, di padin nya ko pinapansin at nirereplyan.
Maaga ang dismissal namin ngayon, masaya sana pero heto ako umiiyak.
"Huhuhu Cindy." Pag iyak ko kay Cindy. Pero tahimik lang sya.
"Cindy naman e. Pinaiyak ako ni Bevs ohh. Dahil sakanya umiiyak ako. Huhuhuhu" Humihikbi kong sabi kay Cindy. Syempre noh napalapit nako sakanya tapos bigla nalang F.O. (Friendship Over)? Ganun nalang yun?
"Makareklamo ka jan parang ikaw lang ang umiyak aah? Kung alam mo lang dami mo ng beses pinaiyak si Bevs noh." Seryoso nyang sabi.
"Cindy ganun nalang ba talaga ako kadaling itapon? Ganun nalang ba ko kawalang kwenta?"
"Pabayaan mo nalang muna sya, makakapag isip din yun." saad ni Cindy
Pababa na kami ng hagdan palabas kaso naluluha pa din ako. Nakita tuloy ako ni Kelly na magabels (namamaga) ang aking nakakahumaling na mata. Di naman sya naturn off sakin, kinomfort nya pa nga ako e.
Malungkot akong umuwi kaya tuloy heto ako nagutom sa pag iyak at sa pagkain ko nalang tinuon yung kalungkutan ko.
"anu yang kinakain mo?" text sakin ni Kelly
"aah hindi ko alam e, pero masarap." Reply ko habang punong puno yung bibig ko.
"ngee anu waring meron jan sa kinakain mo?" tanong nya na di ko naman na gets kasi bisiness ako sa pagkain.
"ha? Ano?"
"haha sabi ko ano waring sangkap nyang kinakain mo?" paglilinaw nya ng tanong nya.
"merong manok, saging, cabbage, and beans :)"
"aah pochero tawag jan. haha"
"haha pochero pala ang sarap." Sabi ko sabay isip na siguro sya masarap din maging jowa. Hihi
Natapos ang araw ko na kausap ko sya. Palagi ko syang katext, almost everytime. Isang araw inis na inis sya sa mga kaklasi nya sa Filipino. Dahil student assistant sya at may mga times na nagduduty sya kaya hindi sya nakakapag full time sa pag aaral kaya naman irregular din ang schedule nya. Meaning, merong mga subjects na natitake ng mga kaklasi nya na di muna nya mati take kasi nga kailangan nyang mabuo yung required time of duty nya. At dahil nga isa syang irregular students tiga ibang department yung mga kaklasi nya sa Filipino, worst is mga criminology pa. 90% boys yung 10% semi boys. Wala silang pakikiisa, matitigas ang ulo at magugulo. Ang hirap nga namang pakisamahan ng mga yun. Bwisit na bwisit yung Kelly baby ko, e kasi naman ayaw makipag cooperate ng mga kaklasi nyang mga maton sa kanilang activity. Pinaghahampas nya daw yung pader sa inis nya. Concern ako sakanya kaya sabi ko magagalit ako pag di pa nya tinigilan yung pag hampas nya. Ayoko kasing nasasaktan sya e. Kaso heto lang napala ko sa pagiging concern.
"Ewan ko sayo. Wag na nga tayong magusap. :("
Hindi ako nasaktan at alam ko na may possibility na nagjojoke lang ulit sya. Pero yung pagtabuyan ka, yun yung ayoko. Nakakagalit! Na wala naman ako ginawa sakanya tapos ganun yung sasabihin nya sakin. Alam ko naman na ako talaga yung nagpush ng friendship na to nung una palang eeh. Hindi man maging kami, hindi man sya mapasakin, maging kaibigan ko lang sya, masaya nako. Kalabisan paba yun para pagtabuyan nya ko? Hindi ko naman na pinipilit yung sarili ko, uuliting ipilit yung sarili ko sa mga ayaw ako.
"Ui di, joke lang." 02:40pm
"Ate ariane wag ganyan. Joke lang. di ko naman kayang gawin un eh. :(((" 02:43pm
"Grabe nakakaiyak t.t " 02:58pm
"Bati na tayooo. T.T" 03:16pm
Paulit ulit syang nagtitext sakin, tama bang gawing biro yun? Tama bang pagtabuyan nya ako in the middle of me being concern to her? Grabii lang!
Nireplyan ko na sya, nilabas ko yung galit ko. Lahat nalang kasi ayaw sakin, lahat nalang sakin mali. I know na there's part of me na wala na pero alam mo yun, gusto ko din maging Masaya. Na kahit ganito ako gusto ko rin maging Masaya. I'm doing everything that I can to love them not expecting anything in return as long as I know I have them. But they keep on leaving me behind.
"Sorry na. Bati na tayo please. Huhuhu T.T" 03:21PM
Madami nakong sakit na naranasan. Palagi nalang akong di pinapahalagahan. Para lang akong laruan sakanila at ayoko ng maulit yun. Masakit para sakin na pati sya ayaw na din sakin. Ang sakit sakit na wala naman akong ginawang masama sakanya. Para matigil ang page emote ng lola nyo e, idinaan nalang ito sa pakikinig ng music gang sa nakatulog nako.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ilang oras din akong nakatulog, pag gising ko pinagbubugbog ako ng halik ni Kelly. Woooah! How I wish. Haha! Pinagbubugbog lang ako ng mga texts at missed calls, sayang. Hehe :D
O anu mga friends patawarin ko na sya? Hindi noh? Oo? Wag na noh? Sasaktan lang ko nun noh? Ohh well dito naba matatapos ang kwento ni Kelly at Arianelle? O dito na magsisimula ang totoong kwento nila? Which is which?
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
May nangyari na samin. Oo mga friend. O.O
-
-
-
-
-
-
-
-
May nangyari ng pagbabati. Hehe!
-
-
-
-
-
Di ko rin sya natiis, mahal ko e.
Oooooooopppsss! Is it real? Is it real? Mahal na daw agad? Agad agad? As in now?
BINABASA MO ANG
One Dream (GxG) - SLOW UPDATE
RomanceNagmahal ka, nagmahal ka ulit, nagmahal ka ng paulit ulit, pero tama bang masaktan ka din ng paulit ulit? Ikaw na nga tong nagmahal at nagbigay ng lahat sakanya ikaw pa tong sinasaktan. Its my first time to write a story, due to some surpirise reaso...