Exactly 8:00 am check out na kami ng hotel. Alright uwian na!! Nakasakay na kami sa bus pero ayun may aberya pa, may mga nagdala kasi ng towel sa mga kasama namin. Haha! Towel nalang ohh.
"Kinakabahan ako dhang." biglang sabi ni Kerlyn. Ako naman biglang tingin ang binigay sakanya.
"Seriously girl??" gulat kong sabi sakanya.
"Oo ee :(((" sagot ng bruha, namuslit din pala sya ng towel.
"Aamin naba ako?"
"Manahimik ka nalang jan, pag nagsita nalang sila." pabulong kong sabi sakanya, pasaway talaga to. Naku naku!! >.<
Nakaalis na kami sa hotel ng di nasisita yung tinangay na towel ni Kerlyn. Nakarating na kami sa convention para sa awarding. After mga ilang oras eh nakaalis nadin at byahe na pauwi finally. Magkatext padin kami ni Myra habang nasa byahe. Masaya akong katext sya but I'm so tired to talk much with her. Idlip muna ko, sobrang init kasi walang effect yung aircon.
LUNCH BREAK na sa pambansang Jollibee..
Katext ko ulit si Myra, masaya naman syang katext. Kesa replyan ko si Bridget sa mga kadramahan nyang miss nya daw ako, e si Myra nalang. Ayokong magsayang ng oras sa taong wala namang ginawa kundi saktan ako, kahit na nabobored ako eh ayoko talaga syang itext. Hindi dahil sa di pako nakakamove on kundi di ko lang talaga makakalimutan yung ginawa nya sakin. I will forgive but I will never forget things.
Last stop bago kami umuwi ng Pampanga is dinner muna dito sa famous Calle Crisologo ng Vigan. Sa unang tingin parang usual lang na daanan, pero when you walk at it dun na yung feeling na naglalakad ka sa isang lugar na madaming tao ang gustong makalakad dito. You will feel the love in this place. May mga mag sweetie na naglalakad, may mga nakasakay naman ng kalesa, may mga nagseselfie. Hindi masyadong maliwanag ang paligid hindi rin ganun ganun kadilim. Ang sarap pagmasdan ng vintage at classic style, its like we're like in the old times. Umuulan man ng mga magsising irog dito, we'll I'm not sad that I don't have one right now.
Ang dinner dapat ay naging pamamasyal samin ni Cindy. Bumili din ulit ako ng mga keychains na souvenir para sa mga classmates ko na di nakasama. Tapos na kaming maglakad sa Calle Crisologo and we're on our way back ng mag'group message yung ka s.a ni Kathy.
Mukhang may pinagdadaanan yung bata. Haha! Mareplyan nga. Ayun nireplyan ko sya. Habang kami eto naglalakad na pabalik ng bus, pinagmamasdan ko yung paligid, kapaligiran na matagal bago ko ulit makita. Ang sarap magsentii habang nagpapaalam sa isang lugar nang biglang magtext ulit tong si bata at nagpapabili ng pasalubong. Ohmy! Ohmy! Wala pamo akong biniling sobra. So ayun tumakbo na kami ni Cindy pabalik sa bilihan, di nako namili yun nalang una kong nakita. Hehe!
Nasa bus na kaming lahat, tahimik na ang lahat mukhang malapit na silang ma knock out sa pagod. Ohh eto na talaga - Goodbye Vigan, Goodbye Ilocos. Habang byaheng pauwi katext ko si bata at si Myra. Nakakatuwang katext tong dalawa, si Myra kung anu anung bagay pinag uusapan namin, may tungkol sa mga instruments, tungkol sa mga prof, tungkol sa mga subjects. Ito namang bata e tungkol sa bestfriend nya na iniwan sya. So dahil hindi ko alam kung bakit sya iniwan, ayun nahirapan akong mag advice sakanya. Di ko pamo ganung bet yung iniiwan na issue, mejo allergic ako jan, alam nyo naman nako. *wink*
"ang sakit sakit lang talaga te eh :(("- text ng bata..
"alam mo ganyan talaga, mahal mo yung nang iwan sayo e. gumawa ka nabang paraan para kausapin ka nya ulit?"- reply ko sakanya.
"oo te palagi ko padin syang tinitext kahit di nya ko nirereplyan, iniiwasan nya din ako T.T"
"baka naman may nagawa kang mali girl?" tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
One Dream (GxG) - SLOW UPDATE
RomanceNagmahal ka, nagmahal ka ulit, nagmahal ka ng paulit ulit, pero tama bang masaktan ka din ng paulit ulit? Ikaw na nga tong nagmahal at nagbigay ng lahat sakanya ikaw pa tong sinasaktan. Its my first time to write a story, due to some surpirise reaso...