Habang abala sila sa pag aayos ng gamit nila dito sa may bundok, may bahay naman kasi dito e – bahay actually nila Kathy, ako heto sarap ng higa sa duyan habang katext ang aking baby.
"good morning :))" text ko sakanya.
"good morning din ate. kagigising mo lang? magtatanghali na ohh.haha" agad naman nyang reply.
"ayan na naman yung ate mo eh :/"
"tinatanghali ka pala ng gising no teh? haha :P"
"uii hindi ahh, nakapag byahe na nga ako e."
"byahe? Saan ate?"
"please stop calling me ate..pleeeaseee." pakiusap ko.
"nge anung gusto mo kuya? hahaha" D.U.H!! kuya naman daw. Asar.. di ko na nga nireplyan.
"Hay naku! Tigilan mo na yan! Tsk tsk tsk! Sasaktan ka lang din nyan." biglang sabi ni Bevs
"Oh bat ikaw di mo tigilan yung sayo? Sinasaktan ka lang din naman nya. Hehe!" tatawatawa kong sabi.
"So meron talagang kayo?" curious nyang tanong.
"Wala. Kaya walang dapat tigilan. Lakas makapag advise di naman magawa sa sarili e noh? Hahahaha!" Pang aasar ko sakanya.
"Eeeh tumayo ka na jan, ako naman." Inis nyang sabi.
"Ayoko nga! Nauna ako dito noh."
"Oo nga pero kanina ka pa jan kaya ako naman. Tayo!!"
"Ayoko!!"
"Tayo na sabi eh!!"
"AYOKO NGA!!"
"Aah ayaw mo ahh." Sabi nya sabay sakay nya sa duyan at umupo sya sa paa ko.
"Araaay naman e. Umalis ka nga!" Inis kong sabi.
"uii te wag ka na magalit. di naman kita tatawaging kuya e. :(" buti naman may pampa good vibes.hehe
":((((" reply ko. Bat kasi kailangan pa kong tawagin ate, e di naman ako ganun katanda.
"sorry na oh :(("
"hmm kakatampo kasi e :(" lungkot lungkutan kong reply while in reality, ngingiti ngiti akech. Hehe!
"Ayuuun may time pa syang kumilig kilig samantalang pinapalayas kita dito e." sabat ni Bevs.
"Eeh wag kang panira jan."
"ate wag ka na magtampo, di lang ako sanay na di mag ate pag matanda sakin."
"osige. basta sanayin mo ng wala yun ahh?" nakangiti kong request.hehe
"Huli ka! Hahaha" tatawa tawa si Bevs nang makuha na nya yung wokie tokie kong phone.
"Balik mo yan sakin." Inis kong sabi sakanya.
"Baba ka muna jan. Haha baba na dali." Pang aasar nya sakin.
"Ayoko nga." pagmamatigas ko.
"Ayy sayang naman nagreply na pamo tong sinusuyo mo ohh. Nakuu sayang naman talaga. Ano ayaw mo talaga?" nang aasar pa din nyang sabi sakin.
Wala nakong nagawa kundi sumuko at kunin ang phone ko. Masaya tong paglalakbay nato with them kasi napakaganda ng lugar. Ang daming puno, makikita mo yung kabilang bundok at yung mas mababang bundok na inakyat namin kanina. But I will not dare to try it again kasi nakakatakot pag pababa na. Better if may zipline pababa e. Pero ang ganda talaga, napaka refreshing.
Mabilis lumipas ang mga araw at habang lumilipas ang mga ito e napapalapit ako sakanya. Sakanya na mas bata sakin, sakanya na same gender as mine, sakanya na broken. I spent my sembreak texting her, comforting her, entertaining her, in any way that I can though weren't together. Masaya din makipaglaro sa mga pamangkin ko, ang ku-cute kasi nila.
---------------------------------------------------------
October 31 na, abalang abala ang pamilya namin sa paghahanda para bukas. Pupunta kasi kami sa cemetery to light candles for our beloved love ones. Nakagawian na kasi namin gawin yun yearly and ilang taon din akong di nakakasama kaya napaka excited ko. Sasama ko si Bevs bukas, di pa daw kasi nya naexperience yun. Di dahil wala pa silang kamag anak na yumao kundi sadyang di lang nila nakagawian. Katext ko si Kelly at nalaman ko na parehong cemetery lang din ang pupuntahan namin, so ayun baka pwede kaming magkita. Hehe!
November 1 na, nauna na sina dads papuntang cemetery. Ako naman dinaanan ko muna si Bevs sa mcdo saka nalang kami maglalakad papunta dun, exercise na din. Hehe!
Habang naglalakad kami, tahimik lang sya. Kita ko sa mga matamlay nyang mata ang lungkot.
Si Bevs like what I've said before, special sya sakin. Para na syang kapatid ko. Recently lang naman din kami naging close. Nung mag school ako ulit, nasanay na sya na sandalan nya ko during her hard times. Biglang pumasok sa alaala ko kung pano kami nagsimula, sabi nga nya noon "mas okay na di tayo magkaibigan, atleast no matter what, walang mawawala at walang masisira". Ohh well, with what I heard then I was hurt. Di pala ako kaibigan sakanya. Pero naisip ko na tama sya. Somehow naiintindian ko sya. Kaya nung gusto kong pumunta ng Star City e sya yung sinama ko not my best buddy Cindy, not somehow close friend Kathy, not my former best friend Bridget, but Bevs who is nobody. Why her? Para if ever na di na kami okay at nag away kami, atleast I won't hate that place. We travel then for 2 hours, I saw how she's so amazed with buildings and all. After that travel mas naging close kami. Madami ang naiinggit, including Annie (bevs bff) who's so jealous then, madami din nag isip ng kung anu anu. Nalaman ko din na malungkot din pala yung buhay nya. Anak sya ng nanay nya sa ibang lalaki. Same with his dad, parehong may sari-sariling pamilya yung parents nya. Lumaki sya sa nanay nya, not knowing the truth. Lahat ng mga kapatid nya hindi maputi, pero sya maputi. Nung malaman nya yung totoo, of course gusto nyang mabuo yung sarili nya na matagal na nyang hinahanap kaya kinilala nya yung tatay nya pati yung mg kapatid nya dun kaso hindi sya tanggap ng mga kapatid nito doon. Gusto nyang magpapicture with her dad but she was rejected. Shame on him. He never stand as a father in reality, why can't he just pretend even for just a shot right? Kaya ganun nalang kahalaga sakin Bevs.
"Buti kapa katext mo sya." Malungkot nyang sabi. She's referring to Kelly.
"Bakit? Di ka ba nirereplyan ni Angie?"
"Nagrereview sya e."
"Sus para text lang. Kaasar na yan ahh. Gusto mo ba talaga yun ah?"
"Oo nga." Seryoso nyang sabi.
Ang sementeryo na napakatahimik at napakadilim ay naging maliwanag sa dami ng mga kandilang nakasindi, maingay ang paligid punong puno ng buhay, madaming mga food stalls, napakasaya ng paligid. Natapos ang araw na to, na isa lang ang nasa isip ko . anu? Na para akong sira ulong nag pupumilit sa taong di naman ako gusto. Gusto sana namin ni bevs na makipagkita kay Kelly kaso nagsungit sya bat ko bad aw kasi pinipilit na magkita kami, with that I didn't text her back, im hurt. Kahit kailan hinding hindi ko na ippilit ulit yung sarili ko sa taong ayaw ako. sa taong hindi ako mahal. Tama na ang isang katangahan.
Nagsilipas ang mga araw, pilit kong iniiwasang replyan si K...... pero alam mo yung pag gising bigla mong maiisip kung anu ba talaga yung role mo sa isang tao, at naisip ko nga kung anung role ko sakanya, maging isang kaibigan, kaibigan lang wala ng hihigit pa dun. Maging kaibigan na magpapasaya sakanya, magpapalimot na minsan syang nasaktan ng kaibigan nya, I admit na crush ko sya, crush is just a crush ang peg.
BINABASA MO ANG
One Dream (GxG) - SLOW UPDATE
RomanceNagmahal ka, nagmahal ka ulit, nagmahal ka ng paulit ulit, pero tama bang masaktan ka din ng paulit ulit? Ikaw na nga tong nagmahal at nagbigay ng lahat sakanya ikaw pa tong sinasaktan. Its my first time to write a story, due to some surpirise reaso...