Bitter pa yun sakin kaya nakablock pa din ako sa mga accounts nya and sa tingin ko din nag deactivate sya ng account nya. Gawain ko yun e. Hahaha. Kidding aside, nalungkot ako na nawalan ako ng kausap, nawalan ng kaibigan. Pero kahit nawalan ako nga kaibigan, kailangan ko pa din magpatuloy sa buhay.
Sanay naman akong nawawalan, kaya nag focus nalang ako sa pag aaral ko. Gustong gusto kong matapos tong degree ko kaya salamat at napakabait ng mga kaklasi ko, kahit napakahirap ng mga subjects namin kering keri lang. May unity ang klase eh. Hehe. May theme song pag nag eexam, eto oohh:
"and we can do this thing together... (Nothings Gonna Stop Us Now) :D Napakasayang mapabilang sa klaseng ito kasi dito mo makikita yung totoong pagkakaibigan. Grade doesn't matter when it comes to friendship. Trending ang sharing samin pag exam, kahit anjan ang proctor walang kiber ang mga tao. Nakakabilib kasi ang galing namin magpasahan ng sagot, ni di kami nahuhuli ng proctor. Ayun basta masaya. Hahahaha :D
Wala pa yung prof namin kaya eto ang iingay ng mga kaklasi ko. Para silang mga batang naglalaro ng di ko alam kung anung tawag sa larong yun, yung nagkaclap sila habang may kinakanta then yung last name na sinabi nila yun yung ituturo nila basta ganun. Hahaha. Ewan ko lang kung nagets nyo :P Di ako sumasali kasi busy ako nagbabasa ng watty. Minsan heto ung ginagawa ko pag wala akong magawa :)) anu daw?? Hahaha.
Habang nagkakasiyahan sila at ako naman ay abala sa pagbabasa, pumasok si Maine sa room namin at tumabi sakin. Sino ba tong Maine na to? Bago kong gf. Joke lang. Hahaha :P Well isa lang naman syang stranger na bestfriend ng kaklase ko. Gets? :D
"Ka serious mo jan? Anu ba yan?" Sabi nya sabay tingin sa binabasa ko. Paki ba neto kung anong ginagawa ko. Nainis ako dun sa ginawa nya.
"Ihh dun ka nga. Pakadikit mo pamo noh. Kala mo naman close tayo." Kakainis to, feeling close.
"Di ware??" bigla syang bumulong sa tenga ko.
"Sh*t!" napatalon ako dun. Grabe kakakilabot.
"Bleeeeeh :P" tatawatawang umalis ang bruha. Sira ulo un ahh. Sino ba sya para gawin un? Ta kilala nya ko? Bakit nga ba ako kilala nung babaitang un?
Flashback
"Ui girl gusto mong text mate?" tanong sakin ni Elle.
"Maganda ba yan? hahaha xD" pabiro kong tanong.
"pusong lalaki gaga."
"Ohhhh gusto ko yan. Anung defect nya girl? :D" natatawa kong sabi
"Puso. Baliw ka talaga."
"Di nga girl? Sino wari yan? San mo napulot?"
"Broken to girl e. Ayaw ko nga sana bigay sayo baka gamitin ka lang." seryosong sabi ni Elle
"As if naman magpapagamit ako noh?" mataray kong sagot. Ayos din tong kaibigan ko eh no?
"Ooh eto number 09********* itext mo nalang. School mate mo pa ata yan e."
"Anong pangalan ba nya?"
"Maine. Kilala mo?"
"Ohhh parang narinig ko na yan. Customs ba yan?"
"Ewan ko basta dun din nag aaral. haha."
Kauwi ko sa bahay, heto ako pagod. Kaya habang nagpapahinga ako tinext ko si Maine.
"Hello :)" text ko sakanya.
"Sino po sila?" reply nya
"Binigay ni Elle yung number mo."
BINABASA MO ANG
One Dream (GxG) - SLOW UPDATE
RomanceNagmahal ka, nagmahal ka ulit, nagmahal ka ng paulit ulit, pero tama bang masaktan ka din ng paulit ulit? Ikaw na nga tong nagmahal at nagbigay ng lahat sakanya ikaw pa tong sinasaktan. Its my first time to write a story, due to some surpirise reaso...