***Move on na nga ba?***

188 11 2
                                    

Ako kumusta naman? Haha Heto loveless padin. Merong mga pagkakataon na may nakakachat akong chicks kaso wala e, bago pa ko mahulog iniiwasan ko na. Nakikipagbalikan din sakin si Renz pero alam mo yun, di ko alam kung anu yung pumipigil sakin. Di na ba ako marunong magmahal? O takot na akong masaktan ulit? Basta, di muna ko papasok sa isang relationship gat di ako sigurado sa sarili ko na kaya ko na ulit magmahal, ung walang takot.

E si Bridget gusto nyo pabang malaman kung kumusta na sya? Kami? Well.. well.. well.

"may kayo ba ha?" kilala nyu na sino nagsalita? Ung konsensya ko na naman na ubod ng pakialamera.

"sabi ko nga wala namang kami db?" wala nga palang kami biglang sabi ko sa sarili ko.

"Hey kumusta?" chat nya ni Bridge sakin sa fb

"Okay lang, Masaya :)" Masaya kong sagot. Totoo namang masaya ako eh.

"Ooh buti?" maikli nyang sabi. Nagtataka pa talaga sya na masaya ako ahh? Saka isa pa, di ba may karapatan naman akong maging masaya? Db? Db?

"Bakit nakakapagtaka bang Masaya ako?"

"Hindi naman. Ilang buwan kana dito di pa tayo nagkikita. Kita naman tayo ohh, libre mo ko.haha" Ang kapal talaga ng mukha neto kahit kelan. Di ba nya alam anung ginawa nya saken? Feeling close ulit ngayon? Adik lang.

"Haha sige labas tayo minsan. :)" Oha! Pumayag akong magkita kami. Kunwari lang yan pero di man ako pupunta. Jokeee! Okay nako kaya, keribels ko ng makita sya.

"okay kana ba talaga ahh? Baka nagpapanggap ka lang. :P" hay heto na naman sya.

"Okay na nga ba akong makita ang taong sobrang nanakit saken?" biglang tanong ko sa sarili ko. Kakayanin ko syang makita. Kaya ko to!

"okay na okay nako noh! Ako pa! di ko naman sisirain yung buong buhay ko sa ga walang kakwenta kwentang bagay" matalim kong reply. Haha a sakin pa din ang spotlight

"Oo gusto ko yan atleast, number mo?? Para matext kita pag free ako. Minsan lang kita mahuli dito sa facebook e."

"Aaah sorry. Di ko naman alam na inaabangan mo pala ako dito aa. Hehehe." Inaasar ko talaga sya :D

"Ahhh di naman sa inaabangan, anu lang ..."

"Anyway, I have to go now. Here's my number 09*********. Just text me up when you miss me. Hehehehe." Nang-asar muna ako ulit bago mag log out.

Mabilis lumipas ang mga araw. Masaya ako na nag aaral ako ulit, nakakaenjoy kasama yung mga bago kong kaibigan. Sa dami na ng mga nangyari at sa pagiging busy ko na din, nakalimutan ko na iupdate ang tungkol samin ni Manang.

Kamusta naman kami ni Manang? Few days after her birthday, pumunta syang Singapore para mamasyal. Susyalin ee :D Kami padin. We're chatting and all, kaso alam mo yung wala akong maramdamang spark kahit konti. Masaya ako na may nakakusap ako, masaya ako na mabait sya. Umabot naman kami ng isang buwan after that napag-isip isip ko na kailangan ko ng tapusin yung kung anu mang meron kami kasi ayoko syang lokohin. Ayoko syang saktan. Ayokong gawin sakanya yung ginawa sakin ni Bridget. Ayokong maramadaman nya yung naramdaman ko noon. Isa pa napakabuti nyang tao sakin. Sobrang sakit at hirap na ng naranasan nya noon at ayoko ng makadagdag pa don sa mga sakit na napagdaanan nya, that's enough for her. She don't deserve any hurt anymore. Oo masasaktan sya pag nakipaghiwalay ako, pero mas masakit naman na malamang hindi ka pala mahal ng taong mahal mo diba? Kaya makikipagbreak nako. Di ko na kailangan patagalin pa to, habang tumatagal lalo ko lang syang masasaktan.

Tinatawagan ko sya.

"dingdong dingdong dingdong"

Ayy mali. Namiss ko kasi yung cornicks na ganun e.

"rinnnnng rinnnng rinnngg" yan ganyan ang tunog.

"Hey, I'll hung it up, too costly for you, I'll be the one to call." Sbai nya saka end call, mahal nga naman ang overseas call jusmee kailangan ko na lang talagang tapusin itech.

"Hello, how are you?" malungkot nyang sabi simula ng tumawag sya. Ayy naku ang lungkot na nya agad panu ko sasabihin.

"Hehe heto okay lang, kumusta ka naman jan sa Singapore?" tanong ko para medyo ma unwind muna.

"Ohh its so fun here, kakagaling ko lang ng park kahapon, ikaw anung ng bago sayo jan?" tanong nya. di ko mabasa sa boses nya yung nararamdaman nya.

"Ahh wala naman nga e, may gusto sana akong sabihin sayo." Pag iiba ko ng usapan. Shiit I really need to do this. I'm doing the right thing diba? Tama tong ginagawa ko di ba?

**DEAD AIR...** oo kapayapaan , katahimikan, malaking dead air ang kumukulong samin ngayon.

"Breey." Tawag ko sakanya.

"Breeey are you still there?" Paghikbi ang naririnig ko.

"Yeaaaah I know what you're gonna say." Malungkot nyang sabi.

"Breey I'm sorry. I'm really sorry." Malungkot kong sabi.

"I'm sorry too. Bye for now Arianelle." sabi nya sabay tut tut tut

Di man nya pinarinig sakin na umiyak sya, kahit puro hikbi lang ang narinig ko, alam ko na nasaktan ko sya.

One Dream (GxG) - SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon