Yung iniwan ka na ng kaibigan mo tapos iiwan kapa ng taong napapamahal na sayo? Saklap diba? Nasaktan ko sya..... ayun bumigay na sya. Di na nya ko nireplyan. Maaga pa naman ahhh, di pa siguro sya tulog. Ang sakit lang na dalawang tao agad nawala sakin ngayon. Buti may isang pack pako ng snowbear. Binili ko to for Bevs pero ako pala yung gagamit.
2:00 am – gising padin ako, umiiyak. Sana mag umaga na para makausap ko na si Kathy. Andami ko ng nakaing snowbear.
5:00 am – ansakeeeet ng heart ko, literal ng masakit. Nasobrahan na siguro ako sa snowbear. Konti nalang yung natira dun sa isang pack ehhh.
6:00 am – gising na si Kathy sa wakaaaas! Ayun umiyak iyak nako sakanya. Grabe! Alam ko sumasakit na ulo nya sakin. Magtatanghali na kasi ginugulo ko pa sya.
Si Annie naman ginulo ko after ko guluhin si Kathy. Sakanya naman ako umiyak. Grabe! Sabi ko di ko na kakausapin si Annie this year pero wala e kailangan ko ng kausap. Di ko kakayanin kung ako lang, malapit na ko bumigay sa sakit. Tanggap ko na lahat pero masakit lang talaga.
Naiiyak na naman ako nung mga past 1pm ng biglang nagtext si Kelly. Grabiiii! Kung makatext sya parang di nya ko iniwan kagabi aa!
Hindi naman pala talaga nya ko iniwan at isa lang akong malaking malaking malaking praning. Shemmmz! Nakakahiya sa mga taong ginulo ko. Pero okay nadin to kesa naman talagang iniwan nya nako. Grabeee noh? Makadrama ako para namang kami. Hehe! Wala eh, mahal ko na talaga sya.
Kakahiya ang sakit ng mga mata ko sa kakaiyak at puyat. Masakit nadin yung haaaaart ko sa mga nangyari, nadagdagan pa ng sowbear yung sakit.
Mula kahapon ngayon lang ako kakain, kaya heto lamon pero konti muna para di mabigla yung tummy ko. Sabi nya wag muna daw akong matulog kasi kakakain ko lang pero wala antok na antok nako kaya natulog nako.
Pag gising ko tinext ko sya. Ayun sermoooon na naman ako sakanya. Text text kami, puro pangaasar nya dahil sa kapraningan ko kagabi. At humanda daw ako kasi pagtatawanan at sasakalin nya daw ako pag nagkita kami. Huhu umiyak na nga ko dahil sakanya pagtatawan pa daw nya ko't sasakalin. Mababali na leeg ko nito sa kakasakal nya. (pero syempre yung totoo gusto ko nung sakal thing para ma feel ko ulit yung heat shivering my body hahaha!) Sabi ko sakanya tatawagan ko sya, di ko pa kasi sya nakausap sa phone ee kaso wala din ako alam sabihin. Saka nalang siguro pag close nakami.
Masaya kami buong weekdays kaso nasira nga nung Saturday (November 29, 2014) memory. Pero pwede pa naman gumawa ng mga bago at mas masayang memories.. :)
Madami na ang nangyari, nakakapanghina. Mahina na naman ako. Naubos na naman yung mga iniipon kong lakas. Pero nabibilib ako sa batang to kasi ang lakas lakas ng loob nya. Iyakin nga lang. Pero matyaga sya sakin. SOBRA!! Ako diko keriii makipag usap sa taong wala sa mood, katulad ko. Pero sya napagtitiisan nya yung ugali ko. Hehe!
Sa lahat ng friends ko, sya lang yung may long term friendship. Yun ang goal namin. Syempre madaming risks and uncertainties sa environment. Controllable yung sa internal, pero yung sa external hindi kaya go on nalang.
Palagi syang nag eeforts sakin, as in sobra talaga. Ngayon lang may nag effort sakin ng ganyan, kaya nakakhiya na sakanya. Ayokong bumitaw, ayokong sayangin lahat ng efforts at paghihirap nya sakin.
Tinanong ko kung anu yung mga peboreyt foods nya. Bakit daw, pagbabaon ko ba daw sya??? Haha di man sya assuming. Haha! Oo syempre pagbabaon ko sya pag may time. Damubs e noh? Hihi!
Natatakot akong maging close kami, kasi nga baka bigla lang din nya ko iwan. Sobrang layo ko na, at pag iniwan nya ko mahihirapan nakong makabalik. Mahihirapan na naman akong itayo yung wall na tinayo ko nung sobra akong nasaktan dahil kay Bridget. Yung wall na unti unting winasak ni Kelly mula nung nagkakilala kami. Pag close na at nawala, mas masakit.
Tinanong nya ko kung handa ba daw ako masaktan (if ever na maging close kami), siguro ngayon hindi pa ko ready kasi naman nasaktan palang ako kahapon ohhh pwede bukas naman??? Haha!
Sobrang taas na ng lagnat ko, feeling ko sasabog na yung ulo ko sa init. Niligo ko na kanina toh ee, kaso mas tumaas.
Nakatulugan ko yung lagnat ko. Good night friends! :)
BINABASA MO ANG
One Dream (GxG) - SLOW UPDATE
RomanceNagmahal ka, nagmahal ka ulit, nagmahal ka ng paulit ulit, pero tama bang masaktan ka din ng paulit ulit? Ikaw na nga tong nagmahal at nagbigay ng lahat sakanya ikaw pa tong sinasaktan. Its my first time to write a story, due to some surpirise reaso...