Nagising ako sa malalakas na katok sa pinto ng kwarto namin. Pinabayaan ko kaso katok pa din ng kato at walang balak tumayo tong mga kasama ko kaya tatayo na sana ako ng naramdaman kong tumayo na si Cindy at binuksan yung pinto.
"Hoy gumising na kayo jan, mag aalas singko na. Darating na yung shuttle." sigaw ni Bevs.
"Iiih Bevs! Oo na lumabas ka na." antok na sabi ni Cindy.
"Tara na kasi tumayo na kayo jan." ulit nya. Pinabayaan ko sila at nagpapatulog ulit ako ng may tumabi sakin saka hinipan yun tenga ko.
"Cindyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!" sigaw ko. Nabigla kasi ako nung biglang hipan yung tenga ko.
"Ba di naman ako yun e." inis nyang sabi. Di nga naman sya yun kasi katabi nya sina Jenny at itong Beverly na to yung malapit sakin na tatawatawa pa kaya piningot ko.
"Araaaaaaaaaaaay!! Aaraaaaaaaaaaaaaaaaay!"
"Kaasar ka." sabi ko sabay higa at takip ulit ng kumot.
"Sorry na. Tumayo ka na jan at maligo. May kikwento ako sayo dali."
"Di nako maliligo."
"Ooh magbihis ka na para makapagkwento nako." sabi ng makulit nato.
"Nakabihis nako." sabi ko na obvious ng nakukulitan.
"Ooh kkwento nako. Namimiss ko na sya Yhan :(( Sobrang miss na. Tinetext ko sya buong byahe di man nya ko nirereplyan. :((" malungkot nyang sabi.
"Syempre naman baka tulog yun."
"Eh kanina siguro naman nagising sya di man lang nya ko nireplyan. Huhuhu"
"Magtitext din yun hintayin mo nalang muna baka makulitan na yun sayo."
"Tumayo ka na jan Yhan at magsuklay na. Iwanan na natin yan dito para makapag emote." sabat ni Cindz.
"Eeeeh ang bad mo talaga Cindz." Sabi naman ni bevs ayan na naman sila asaran na naman tong mga to.
"Maiwan nalang tayo Yhan." sabi ni Bevz habang palabas na kami ng room namin.
"Di naman pwede. Di kayo makakakain pag nagpaiwan kayo." sabat ni Jenny
"Kain nalang tayo jan ohh." pangungulit ulit ni Bevs.
"Di pwede. Gusto ko manuod ng events mamaya saka kakanta yung si exlabidabs mo, panuorin mo naman." sagot ko.
"Yiiih kadiri!! >.<"
-------------------------------------------------------
Byahe na kami papuntang convention. Pagdating namin dun nagreready na sila for dinner, 6:30 na din kasi kami nakadating. Sa layo ba naman ng Java hotel sa plaza.
Dinner time na kaya kakain na kami. Merong corn soup na sobrang tamis at aakalain mong desert ito at hindi appetizer. Haha! Meron meats na matigas yung pagkakaluto. Basta di lahat masarap na kahit gutom ako di ko padin malasahang masarap.
"ano ng events jan?" text ni Myra
"hi kumusta kana? Miss na kita." text naman to ni Bridget.
"heto naghihintay para sa sonic boom kakatapos lang namin mag dinner e." reply ko kay Myra. At oo, di ko nireplyan si Bridget kasi panigurado masisira lang ang mood ko.
BINABASA MO ANG
One Dream (GxG) - SLOW UPDATE
RomanceNagmahal ka, nagmahal ka ulit, nagmahal ka ng paulit ulit, pero tama bang masaktan ka din ng paulit ulit? Ikaw na nga tong nagmahal at nagbigay ng lahat sakanya ikaw pa tong sinasaktan. Its my first time to write a story, due to some surpirise reaso...