***UNEXPECTED (Cont.)***

190 10 0
                                    

"Yes." walang emosyon kong sagot. Tilian naman yung mga tao sa paligid ko. Pilit ko naman nginitian si Aubrey para di mawala ung saya nya ng dahil sakin.

"Let's eat na honey." Anyaya nya sakin habang nakangiti ng malaki sakin. Halatang masaya sya sa mga nangyari ngayon. Eh ako? Masaya ba ko? Di ko alam. Partly siguro yes kasi masaya ako na makita syang masaya, pero ako ba naging masaya sa ginawa ko? Ayy ewan ko, bahala na si batman.

"Mabuti pa nga. Nagutom ako sa mga pinaggagawa mo eh. Hehe." pabiro kong sabi. Kinakabahan pa rin kasi ako hanggang ngayon kaya binuhos ko nalang lahat sa pagkain, lahat ng kaba, gulat at lahat ng gumugulo sa isip ko. Ano ba naman kasi itong pinasukan ko eh. Haist!

"Thank you." Napakasincere nyang sinabi ang mga katagang yan. Ramdam mo talagang galing sa puso yung pagpapasalamat nya.

"Sus wala yun. Sarap ng pasta nu?" pagpapalit ko ng topic namin at para na rin di ako ganung ma-awkward pag kausap sya.

"I love you."

"Kakagulat ka." ang tanging nasagot ko. Gulong gulo ako sa mga nangyari ngayon.

Kung anu ba tong napasukan ko. Hay. Di naman issue sakin yung pumasok sa ganitong relasyon kasi nagmahal naman ako ng babae dati kaso sinaktan lang ako. Pero, isang malaking PERO ang pumasok sa relasyon kasama ang taong di ko naman talagang mahal? Parang di ko kaya. Ayyy ewan. Hindi ko na alam. <insert naguguluhan face here :'(>

Natapos ang gabing iyon. Sakanila dapat ako matutulog dahil usapan namin dati yon, pero masyadong magulo yung utak ko para mag stay dun kaya nagdecide akong uuwi nalang.

"Iha dito ka nalang matulog." Pakiusap sakin ng lola ni Aubrey.

"Oo nga pinsan dito ka nalang matulog para makapag kwentuhan pa tayo." sabi nung isang pinsan niya. Kaya ayun, si ako? wala ng nagawa kundi mag stay dun kahit ayoko. Ang hirap kasi ng sitwasyon ngayon eh. Nakakakonsensya naman kung di ako matutulog dito, gusto pa naman nilang lahat na dito ako matulog. Hay bahala na nga.

Makalipas ang ilang minuto, bigla akong pinatawag ng lola ni Aubrey. Bakit naman kaya nya ko pinatawag? May kailangan ba sya? Pagpasok ko sa kwarto nya ay madali nya kong pinaupo sa may sofa at tumabi sya saken.

"Mukha kang di masaya iha." Malungkot na sabi nya. Di naman ako nakasagot kasi guilty ako sa part na yun. Paano naman ako sasaya kung di naman talaga ko naging masaya sa desisyon ko. Napa-yes lang naman ako dahil yun lang ang hinihintay nilang lahat na isasagot ko. At ayokong mapahiya si Manang sa harap ng pamilya't mga kaibigan nya.

"Di mo talaga mahal ang Aubrey namin noh?"

"Mahal ko naman po sya, pero bilang kaibigan lang." yun naman kasi ang totoo. Oo mahal ko si Aubrey pero as friend lang at hindi higit pa dun. Tumulo na yung mga luha sa mga mata ko habang sinasabi ko yun.

"Ooh wag kang umiyak iha." Pagpapatahan sakin ng lola nya habang hinahagod ang likod ko.

"Nakakabilib ka iha kasi pinili mong hindi mapahiya yung apo ko. Wag kang mag alala iha sa ngayon pakisamahan mo muna, pag di mo na talaga kaya pwede ka naman umayaw." malumanay na sabi ng lola nya at napatango nalang ako.

Palagi kong nakakasama si Aubrey. Masaya akongkasama sya, nakakaenjoy kasi yung company nya. Maganda sya oo, na sakanya nalahat ng hahanapin ng isang lalaki o kahit babae pa pero sadyang hindi talaga sya ang sinisigaw ng puso kong mapili. Ganun pa man nagpatuloy kami sa relasyon namin. Awkward nga lang na para lang talaga kaming magkaibigan, wala daw akong kasweetan sa katawan sabi nya. Hmm answeet ko kaya diba? Diba? 

One Dream (GxG) - SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon