***AN ENCOUNTER***

347 17 0
                                    

Gabi na at pauwi na kami pero gusto ko muna mag-aliw aliw kung saan saan kaya pinauna ko na sina mama. Ako? Nagcommute nalang papuntang Angeles. Balak ko kasing kumain ng street foods e. haha! Ngayon lang ulit ako sumakay ng jeep. Tinext ko si Elle kung pwede nya kong samahan.

"Girl tara kain tayo, libre kita.haha" lilibre ko sya ng street foods.hihi

"Eii girl may date kami ngayon ni Jam e." reply naman nya. Ayy wrong timing naman yung date nila.

"Sayang girl sa fortune pa mo sana tayo ohh." pang aasar ko.

"Huhu nauna kasi magyaya si jam e. Mag gf kana kasi para may kasama ka ng mag fortune." reply ulit nya.

Nalungkot naman ako dun, wala ako makasasama. Sa sobrang busy ko sa pagyayaya kay Elle di ko na namalayan na nakasasndal na tong katabi ko sa shoulder ko. Oohhhmy! Lasing si manang.

Bababa na dapat ako dun sa kantong yun, kaso ano namang gagawin ko kay manang e sandal na sandal sakin. Nung nasa last station na tong jeep e napilitan na kaming bumaba. Ayun nakadikit pa din sakin to. Wala na ata balak humiwalay.

"Miss tiga san ka ba aa?" seryoso kong tanong.

"Aaahhh?" yun lang ang nasagot nya sakin.

"Hay naku! Miss tiga san ka nga?" sabi ko ng kasabay na pagkaway sa harap nya.

"Aahhh iwan mo nalang ako ditto." umiiyak nyang sabi. Gosh! panu ko to iiwan dito, baka mapanu pa to. Iniwan ko muna sya dito sa malapit na park saka ako bumili ng coffee.

"Di ako nakakain nung pagkain na limang taon ko ng gustong kainin, dahil yun sayo. :((((" Malungkot kong sabi kay manang.

"Sorry." yun lang tangi nyang sinagot sakin saka na sya nakatulog sa damuhan. Ang sarap ng hangin dito. Nakakapahinga ng isip, and here I am with a stranger. Kung titignan mo si Manang ang ganda nya, sexy sya, sa tingin ko may abs to, matangos ang ilong nya, mejo chinita at mukhang mayaman pero bakas sa maputi nyang mukha yung mga natuyong luha. Wala akong maisip na dahilan bakit sya lasing ngayon. Iniwan ba sya ng boyfriend nya? Sa ganda nyang to? Wow aa?! Sira na utak nung lalaking gagawa nun. Matagal tagal din akong nagmunimuni gang sa magising na sya.

"May kasama ka na bang kakain sa fortune?" biglang sabi nya. Aba! Nagbabasa pala ng text tong si manang.

"Ay WOW ahh. Nagbasa ka nung text ko." Gulat kong sabi sakanya.

"Hahaha di mo naman sinabing bawal eh. Oh panu? Tara kain na tayo. I feel so hungry na din kasi eh." Tuloy tuloy nyang sabi. Ang lakas ata ng nainum ni Manang.

"Ooh tara na kain na tayo." Masigla kong sabi. Nagutom ako sa pagmumunimuni eh. Hehe XD

"May Fortune ba talaga dito? Mag Dainty nalang tayo ohh." mareklamong sagot ni manang. Ang choosy naman neto eh mas masarap naman sa Fortune.

"Halika na. dito na ohh." Hinila ko na sya papasok ng Fortune. Finally nakarating din. Buti nalang bukas pa tong mga to kahit malapit ng mag hating gabi. Kung sabagay, ganito naman pala parati dito, mas buhay ang mga tao pag gabi. Hahaha XD

"You mean we will eat here? Seriously?! Ooh my gosh." Nakataas pa talaga yung kilay nya ahh? Arti naman neto.

"Kain na. Ang sarap kaya oh." Sabi ko ng malaki ang ngiti. Maasar nga tong si manang.

"Ohh gosh I cant take that." diring diri nyang sabi.

"Ang arti mo naman manang." sabi ko sabay subo ko sakanya nung bituka ng manok. Wahahahaha! XD

One Dream (GxG) - SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon