***A NEW START***

207 6 0
                                    

Tapos na ang bakasyon. Uyyy! Enrollment na ohh, balik estudyante na ako. Hahaha! Nakakamiss talagang mag aral. Kaya heto ako ngayon, sobrang excited na. Kasama ko mga fourth year students sa refresher course ko. Para din akong regular student kamukha nila kasi lahat ng subjects ko kasama ko sila. Ansaya naman.

At dahil fourth year na, di na uso yung "my name" "my name" na yan. Pinaghandaan ko pa man din yung introduction line ko. "My name is Arianelle Mendez. 24 years old. I live in Lenrox Road, London but that was before because I'm now living here in the Philippines." Ohh yes 24 pa lang ako kahit na andami ko ng naging karanasan sa buhay. Sa pag aaral naman eh medyo brainy ang lola nyo nung bata sya kaya nakapag jumptest dahil ang utachi ko nung grade 2 ako e pang grade five na ayun nakatapos ako agad ng elementary. Di pa ganun kahigpit nun, unlike now na pag di nakapag prep ang isang students e di sya pwedeng mag grade 1. Step by step ikanga.

Month of June :)

Meeting my new classmates and my soon to be friends. Madaming pretty. Hihi! Ang babait nila sakin kahit bago ako sa class nila. Mabilis ko din nakavibes yung mga classmates ko. Kaya kahit kakaopen palang ng school year, meron na akong mga nakakasama lagi, mga naging dabarkads ko. Oha! May mga dabarkads nako agad? Wala eh, masyado kasi akong maganda. Hahahah!

Duh! Ano naman connect nun aber?! Sabat ng konsenya kong pakialamera. Diko nalang pinansin si konsenya kasi excited akong ipakilala sainyo ang mga kaibigan ko. :))

Si Kathy isang student assistant sa school. Bugnutin sya kasi nga pagod lagi sa duty nya.

Si Kerlyn naman ay member ng choir ng school. Magaling syang kumanta, malamang kaya nga nasa choir ee. Hehe!

Si Cindy na regular student kamukha ko. Sya yung lagi kong kasama kasi pareho kaming serious, pero tumatawa kami pag kami lang dalawa, mga parang baliw lang. :D

Si Beverly na student assistant din pero achievers.haha

Si Annie isa ding student assistant na mahilig magbasa ng novel at mahilig manuod ng mga korean.

Si Kaye na isa ding student assistant na mahilig namang magwatty na kalaunan coc naman ang naging hobby.

Sila yung mga pinaka nakakausap ko sa mga kaklasi ko at matuturing kong mga bagong kaibigan. Iba iba yung mga ugali nila pero napakasarap nilang kasama. I'm enjoying each of their company. Sa tulong nila nakalimutan ko na may sakit at galit pala akong dinadala sa puso ko. Nakalimutan ko na sinaktan ako. Napakasarap ng pakiramdam na okay kana. Na masaya nako on my own with the new people beside who appreciate my worth.

Napaka busy na namin lalo na malapit na yung prelims kayA review dito review doon ang lagi namin ginagawa. Syempre di nawawala sa isang estudyante yung gala dito gala doon db? Kailangan din kasi mag unwind pa minsan minsan. Yun nga lang, unwind yung madalas ginagawa kesa magreview. Hahaha!

Magkasama kami ni Cindy nagrereview sa library ng biglang dumating si Beverly.

"Hoy anu na? Nasagot nyo na yung number 8? Paturo nga kung panu yun." panggulong sabi ng asungot nato.

"Upo ka dito ohh at mabuti pa ireview mo kami. Hahaha." Tatawa tawang sagot ni Cindy. Mukha tuloy nainis tong isa.

"Oo nga naman Bevs turuan mo na ko. Magaling ka naman db? Db? Hahaha." pag sang ayon ko kay Cindy. Inaasar talaga namin tong si Bevs eh, madali kasi syang mainis. At dahil dyan, ngiting tagumpay kami netong si Cinds. Hihi :D

"Ambubully talaga." Pangingialam ni konsensya.

"Paki mo? Ansaya kayang ibully si Bevs. Hahaha."

One Dream (GxG) - SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon