***UNEXPECTED***

308 14 0
                                    

Birthday na ni Manang nyan kaya heto yung mga pinsan nya at kinunchaba ako para isurprise sya. At dahil dun, ako yung in-charge na magdala ng mga balloons and cake sakanila.

"Girl pano ko dadalhin lahat ng yun? Baka liparin ako ng mga lobo." Pabebe kong tanong kay Elle. Tinext ko sya kasi namomroblema ako kung pano ko madadala lahat ng yon eh magkocommute lang ako papunta sakanila. Hayyyy!

"Loka di ka naman madadala ng mga lobo, wag assuming. Hehehe :P"

"Ansama naman ng ugali neto ohh :((("

"Di ka naman excited no?"

"Aah bakit naman? Nakakapagod naman yun e."

"Gaga! Ang sweet nga e. Kikiligin nyan si manang."

Diko na sya nireplyan dun sa huli nyang sinabi. Parang ewan lang kasi eh. Anu naman kayang sweet dun eh kinunchaba lang naman ako db? Db?

Pagkatapos ng duty ko pumunta na agad ako sa pagbibilhan ko ng balloons. Shocks ang hirap dalhin ng mga to! >.< Sumakay nako ng tricycle at 24 na balloons lang naman ang hawak ko. Takte! Pano ba to? Bahala na nga. Pagbaba ko ng tricycle natawa ako kasi 14 nalang yung nagsurvive na lobo. Hahaha. Pasensya na Manang, 14 nalang lobo mo. Ang hirap dalhin eh. Hehehe xD

Pagdating ko sakanila may mga tao na, tapos may lobo na din. Buti nalang at meron na dito, na foresee siguro nila na magsisiliparan yung mga dala kong lobo. Galing! :D

Pagpasok ko sa gate nila may mga nakadecor na, all set na lahat at andito na si ... Manang??? Nge! Pano namin isusurprise to e andito na sya??? Epic naman tong mga pinsan nya eh. Haist! Wala ng surprise. Tsk tsk.

"Hi Ariane!" nakangiting sabi ni Manang sa microphone. Mali ata tong party na napuntahan ko eh. Kaya heto ako ngayon at tulaley.

"Would you like to seat first?" Anu bang balak neto at may ganto pa syang nalalaman. Saka sakanya birthday to aa..

"Wag na! Ituloy mo na yan couz!!" sigaw ng mga pinsan nya. Anu bang nangyayari? Bat wala yatang nabanggit na may ganto ang mga pinsan nya eh ako nga ung kasabwat nila eh.

"Ano bang meron?" tanong ko sa mga pinsan nya. Nagtataka kasi talaga ko eh.

"Don't rush honey." What?? Honey daw?? :O Kakagulat grabe. "Aubrey ano bang meron?? Kinakabahan na talaga ako." bulong ko sa sarili ko.

Lumalakad na si Aubrey palapit sakin habang nakatingin sya ng diretso saking mga mata at ganun din ako sakanya. Di ko maalis yung tingin ko kasi gusto kong makita sa mata nya kung anu ba talaga yung nangyayari. Pero wala akong makitang sagot. Shemay ano to?? Pero kita kong masaya sya, at totoo yung ngiting na sa mga labi nya di tulad nung mga nakaraang araw.

"Hi honey." sabi ulit nya sakin ng makalapit na sya sa harapan ko. Anu ba tong pinaggagawa neto? Andami kayang nakakarinig. Sabihin kaya nya ng nakamicrophone db???

"Hi manang ano bang trip mo ah?" pinilit kong ngumiti kahit na sobrang kinakabahan na ako.

"I'll have something to say to you honey." Hiyawan yung mga nasa paligid namin pagkasabi nya nun. Anu ba kasing meron at ako lang yung hindi nakakaalam? Huhuhu

"CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?" Huwaaaaaaattt?!! GF? AKO?? Shoooooccckkkkkssss. Gusto nya kong maging gf? As in GIRLFRIEND??? Pero di ako makasagot sa tanong nya. Pano ba to?? How I wish bumuka nalang ang lupang kinatatayuan ko at lamunin ako neto.

-------------------------------------------------------------------SUPER FLASH BACK (AUBREY'S POV)

Alam kong napakabilis ko kung titignan, alam kong kasing bilis ng flash backnato ang pagbabago ng damdamin ko, sa maikling panahon na nakilala ko si yhan sobrang napalapit yung loob ko sakanya. Tanggap na tanggap nya ko, ni minsan di ko naramdaman na pinandirihan nya ko, madalas nya kong patawanin pag magkasama kami kahit ramdam kong meron din syang mabigat na dalahin. Masaya ko sakanya, naaappreciate ko yung effort nya na pasayahin ako.Ayoko na sa mga lalaki, yun lang naman ang habol nila e, yun lang. hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko sakanya, basta ang alam ko Masaya ako sakanya, at kung bibigyan nya ko ng pagkakataon, gustong gusto ko syang mahalin, at ipinapangako ko na hinding hindi ko sya sasaktan, sana magustuhan nya ko, sana bigyan nya ko ng pagkakataon.

**END OF FLASHBACK**

-------------------------------------------------------------------

"Oo na yan girl!!" hiyaw ng mga pinsan nya. So alam nila yung balak na to ni manang??? Hay.

"Sagot na girl. Kakakilig ooooh." tili naman nung isa. Shocks nakakahiya to. Di na mapinta tong itsura ko. Tinignan ko yung mga tao sa paligid ko. Uumiikot lang yung paningin ko sakanila at lahat sila nakatingin lang sakin ng nakangiti and I know YES lang ang hinihintay nilang isasagot ko. Tinignan ko si Aubrey at nakikita kong masaya sya. Yung taong nasaktan ng sobra at laging umiiyak noon, heto sya ngayon masayang nakatingin at nakangiti sakin.






A/N: Sorry for the short update :)

One Dream (GxG) - SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon