*** SE RAPPROCHER ***

99 3 2
                                    

Arianelle's POV

Nagising ako sa ingay ng mga manok samin meow kasi sila ng meow. Ayy toktokokok toktokokok pala. Pasensya, kagigising lang ng pinakamagandang dilag dito sa kwarto ko. Hehe! Iingay ng mga manok ni dads eh, nag aalaga kasi sya. Alam mo naman mga lalaki mahilig sa sabong. Di naman lahat pero basta yung mga sa baryo ganyan.

Kasabay ng tilaok ng mga manok yung pag tilaok ng isip at puso ko. Naiisip ko yung dati. Yung dati na hirap na hirap akong makapag aral at kailangan kumapit sa paiskolar ni mayor gang sa nakapag abroad ako at nakapundar. At heto ako ngayon nakahiga sa malambot na kama kung dati'y malamig na simento ang hinihigaan ko. Pagdating sa material na bagay eh halos meron naman ako ng mga gusto ko. Gumanda talaga ang buhay namin ng makapagtrabaho ako sa London. Ewan ko ba bakit umuwi pako at naisipang mag aral ulit. Ewan ko ba anung nag urge sakin para bumalik at iwan ang magandang buhay na meron nako sa London. Siguro dahil wala sa London yung taong magpapatiloak nitong puso kong ilang taon ng tulog, na kahit anung luxury at ganda ng buhay dun e kulang pa din. Ngayon nandito na ko ulit. Last semester nalang at matatapos ang degree ko. After that pwede nakong bumalik sa dati kong work sa London. Palapit nako ng palapit sa pangarap ko. Sana palapit na din ako ng palapit sa taong para sakin, yung taong tatanggapin ang nakaraan ko, yung taong mamahalin ako.

Alam nyo sa totoo lang meron akong napupusuaan.

Habang tumatagal lalo akong napapalapit sa isang napakagandang babae. Yung bagong babaeng nagpapatibok ng puso ko ngayon. Oo tama yung nabasa mo, nagpapatibok ng puso ko. Di ko pa masasabing mahal ko na sya pero alam ko na darating din ito dun. Ang alam ko lang eh masaya ako pag kasama ko sya. Tumitibok tibok itong aking puso pag sya'y nakikita. She looks so cool. Di man ako sigurado kung mamahalin din nya ba ako pero ipagpapatuloy ko pa din to. Heto nanaman ako e, magpapalaglag na naman tas sa huli mapi-friendzone lang. Uiii not this time! Mejo brainy na ang idol nyong trying hard writer but yummy and sexy. Hihi! Pero guys wag nyo ko isusumbong sakanya aah? Baka kasi lumayo yun sakin pag nalaman nya e. For now, poporma muna tayo. ^.~ Hehe!

Dahil graduating nako, thrice a week nalang ang aming pasok that means thrice a week lang din ang meron ako para sakaling makita at makasama kahit panu yung aking irog. Pero syempre di naman maaari yun. Jusme dayyy! Masyado ko syang mamimiss pag ganun. Baka biglang ko syang mayakap at makiss ng bongga pag di ko napigilan ang aking damdamin. Hehe! Dahil dun pumapasok pa din ako everyday. Oha! Lakas ng tama ne? Wala e. Kalakas kasi ng appeal ng aking soon to be jowa. Hehe! Kilala nyo na sya actually, si Kelly, ang co-sa ni Kathy na super crushy ko.

Madalas akong nasa canteen okaya sa coffee shop kung san sya nagduduty para makita ko yung nagbibigay saya sa puso ko.

"Ano nanaman ginagawa mo dito ahh?" biglang sabi sakin ni Bevs

"Yhhh! Bat ba bigla ka nalang sumuslpot aa?" inis kong sabi. Nakakagulat kasi sya e.

"Aaah kaya pala, may scenery nga naman pala dito." Sabi nya habang nakatingin sa may coffee shop.

"Shhh! Wag kang maingay." kako sakanya.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lumipas yung mga araw na tinitignan ko lang sya from afar. Di ko kasi kayang makipag usap sakanya eh. Kinakain ako ng hiya ko. Masaya nako na nakikita ko sya. :)

"kausapin mo naman kasi ako sa personal :(((" malungkot na text ni Kelly baby ko.

"eii nahihiya kasi ako e."

"bakit wari?" tanong nya.

"di ko nga alam e. sobrang nahihiya lang talaga ko, di kasi ako sanay e." crush kasi kita kaya di kita magawang kausapin. Huhumaygas!

One Dream (GxG) - SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon