Kahit audit yung subject namin todi, diko naman expect na magiging hell day to. Okay na sana kasi di ako inutusan ni Sir Ferdy, inasar lang nya ko. Kaso..kaso... kasooo.. hindi talaga okay tong araw na to. Pag pasok palang sa klasi lutangersss nako. Umiiyak nako...
Sa wakas natapos din ang first half ng audit. Lunch time na, ang problema pano ko itatago ung sakit na nararamdaman ko, ayokong pakita kay Kelly kasi I know malulungkot sya, at ayoko yun. Di na sana ako kakain pero gutom ako ee. Kaya ayun nagpabili nako. Ansakit sobra, umiyak pako sa likod ni Cindy habang nakaline sya sa kfc.
Sa elevator pinipigilan kong di umiyak, pero pasaway tong mata ko di makisama. Kaya paglapag ng pagkain ko takbo sa banyo, at pinag uuntog ko yung ulo ko. Pero heart ko padin yung masakit. Pagbalik ko sa table akala ko kaya ko ng kumaen pero hindi pala :(( Nakakamiss yung umaagaw sa ulam ko :((
Last half of audit class. Quiz, lutangersss na naman ako. Binabasa ko uung mga tanong pero wala talaga. Yung mga feling ko na gusto kong sagot nalang yung sinagot ko. Habang nagku-quiz katext ko si Kelly. Pinapababa nya ko, usap daw kami. Sa mga oras na yun kahit magcut pa ng class gagawin ko buti nalang di ganun. Hintayin nalang daw nya dismissal namin.
Palabas na kaya anjan na din si Kelly. Ayun sinasakal ako habang nagpapaxerox kami, pero wala talaga akong sinasagot sakanya. Di talaga ako makapagsalita.
Nagsawa nako kakahintay sa nagse-xerox kasi gustong gusto ko na umalis sa lugar na yun eeeh. Niyaya ko na si Cindy umuwi. Naglakad kami mula school gang bahay. Si Kelly naiwan ko pala, iniwan ko nanaman sya, buti nalang di sya nagalit sakin.
Masaya na kami nag aasaran na, nada divert nya talaga yung lungkot ko. Grabiii powers netong bata na to. Kaso matutulog nalang kami nag away pa kami, kung bakit? Hindi ko din alam. Dahil siguro sa sakit na ginawa ni Bevs sakin. Natatakot na ulit akong mapalapit sa mga tao kasi iiwan din at sasaktan din nila ko sa huli.
Maswerte ako kay Kelly kasi kahit nadadamay ko sya sa lungkot, sa galit ko, anjan padin sya sakin. Kahit na nasasaktan ko na sya, di padin nya ko iniiwan. Ang bait nya sakin. Ramdam ko talaga yung care. Pero ayoko na, takot na talaga ko. Baka isang araw mawala nalang din sya.
Kung iniisip nyo anung ginawa sakin ni Bevs para masaktan ako ng ganun e ayun bigla nalang syang lumayo sakin at hindi ko alam kung bakit. Ang sakit na lahat nalang ng tao iniiwan ako. Hindi ko alam kung ano talaga ang mali sakin. Hirap na hirap na din ako mga friends.
Kaway kaway sa mga kamukha kong palagi nalang din iiniiwan jan.
BINABASA MO ANG
One Dream (GxG) - SLOW UPDATE
RomanceNagmahal ka, nagmahal ka ulit, nagmahal ka ng paulit ulit, pero tama bang masaktan ka din ng paulit ulit? Ikaw na nga tong nagmahal at nagbigay ng lahat sakanya ikaw pa tong sinasaktan. Its my first time to write a story, due to some surpirise reaso...