Look me in the eyes

422 35 13
                                    

Marko POV

I woke up feeling heavy super sakit ng ulo ko, i don't even know kung paano ako napunta sa kwarto ko. Sapo ko pa din ang ulo ko ng umupo ako sa kama i'm trying my best to remember the things that happen yesterday pero kahit anong pilit ko wala akong maalala. I checked my phone to see kung may tumawag ba or what when i notice the time tsk tanghali na pala its almost 11 in the morning.

I just fixed myself and decided to go down ramdam ko na kasi ang sakit ng sikmura ko hayss hope nay Lucia won't nag me about this.

Rita POV

Busy ako sa paghuhugas ng plato na ginamit namin kanina sa almusal ng maalala ko nanaman yung nangyari kagabi hindi ko tuloy maiwasang hawakan ang labi ko jusme totoo ba talagang nangyari yun oh nananaginip lang ako. Nasa malalim akong pagiisip ng may magsalita sa likod ko at hindi ko naiwasang magulat.

"Rita."

"Ay eh di wow!" Nasabi ko na lang sa gulat pagkarinig ko ng boses ni señiorito Marko.

"Anong eh di wow humarap ka nga paghanda mo ako ng almusal gutom na ako." Utos ni sir Marko.

Hays hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya super naiilang talaga ako.

"Hoy Rita ano na gutom na ako." Ungot pa niya na akala mo nagtatampong bata.

"Ah-h s-sige po sir Marko ano po bang gusto niyong almusal?" Tanong ko pero hindi pa din humaharap sa kanya.

"Uhhm toast bread with sugar and milk lang tsaka bakit ba ayaw mong humarap ha napapangitan ka ba sa akin."

Nako mukhang napipika na ang boses niya hays paano kaya niya nagagawang umarte na parang wala lang yung nangyari kagabi samantalang ako halos 'di makatulog.

"Hindi naman po ako napapangitan sa inyo señiorito ah tinatapos ko lang po tong ginagawa ko umupo na lang po muna kayo at dadalhin ko na lang po yung almusal niyo." Sagot ko habang hinuhugasan pa din ang plato.

"Sige bilisan mo ha gutom na ako." Sagot niya at narinig ko na lang ang mga yabag niya paalis sa kusina, hayss sa wakas nakahinga din ng maluwag pakiramdam ko kanina eh sinasakal ako. Ang problema ngayon paano ko ihahatid ang almusal niya ng hindi tumitingin sa kanya nako naman bahala na.

Marko POV

Pagkababa ko eh dumiresto na agad ako sa kusina para sana manghingi ng almusal kay nay Lucia pero pagdating ko sa kusina eh si Rita lang ang nakita ko habang naghuhugas siya ng pingan.

"Rita." Tawag ko sa kanya. Nagulat na lang ako ng sumigaw siya ng tawagin ko siya nakakatawa pa nga eh sumigaw ba naman ng eh di wow.

Pinapaharap ko sana siya sa akin para paghanda ako ng almusal pero nanatili lang siyang nakatalikod at naghuhugas ng plato. Tinanong lang niya ang almusal na gusto ko tsk bat ba ayaw niyang humarap bakit napapangitan ba siya sa akin? Sinabi ko na lang ang gusto kong almusal at pinaalis na niya ako tss ni hindi man lang ako harapin.

Pumunta na lang ako sa dining namin para antayin yung pinahanda kong almusal, pagkaupo ko eh napahawak agad ako sa sintido grabe ang sakit pa rin talaga ng ulo ko.

Nakatungo ako sa lamesa ng maramdaman ko ang pagbaba ng plato sa harapan ko. Umangat agad ang ulo ko para makita kung sino ang naghanda ng almusal ko at nakita ko si Rita na nasa gilid ko habang nasa malayo ang tingin.

Nakakainis na siya bakit ba ayaw niyang humarap.

"Ito na po almusal niyo señiorito." Sabi niya habang nakatagilid ang ulo.

Aba't talaga naman. "Hoy ba't ba ayaw mong tumingin sa akin ha ganun ka ba napapangitan sa akin."

"Ah hindi naman po señiorito ano po ah may uutos pa po ba kayo?" Naman kung kanina nakatagilid ang ulo niya ngayon naman nakayuko.

Sobrang napipika na talaga ako sa kanya kaya sa sobrang inis ko ay tumayo na ako at lumapit sa pwesto niya. Pagkalapit ko eh itinaas ko ang ulo niya at tinitigan ko siya sa mata.

"I want you to look me in the eyes when im talking to you ok." Sabi ko habang hawak ko ang baba niya at nakatingin ako sa mata niya.

Ilang minuto na kaming nakatitig sa isa't- isa pero hindi pa din siya nagsasalita ano to napipe lang.

"Hey ano magtititigan na lang ba tayo dito."

Tila natauhan naman siya at tumalikod na lang bigla sa akin.

"Hey diba ang sabi ko pagkinakausap kita tumingin ka sa mata ko." Sabi ko pa habang hawak ang balikat niya at pilit siyang pinapaharap sa akin.

Nang humarap siya sa akin eh halos namumula na ang mukha niya.

"Oh anyare sayo may sakit ka." Hahawakan ko pa sana ang noo niya ng umiwas na siya sa akin.

"Ahm kung wala na po kayong kailangan eh aalis na po ako." Sabi niya at tumalikod na sa akin at dumiretso na sa kusina.

Tss ano kayang nangyari dun parang hindi niya matagalan na makita siya, anyway nagkibit balikat na lang ako at bumalik na sa pagkakaupo kakain na lang ako kesa magisip pa.

Rita POV

Pagkatapos ng mga nangyari sa amin ni sir Marko eh tumakbo na agad ako sa kusina. Pagdating ko sa kusina eh napasandal na lang ako sa lababo grabe ang lakas pa din ng tibok ng puso ko. Kainis ano bang nangyayari sa akin hayss pero naman kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko hanggang ngayon ramdam ko pa din yung labi niya pero parang siya walang naaalala o baka wala lang naman sa kanya yun ay ewan siguro kakalimutan ko na lang yung nangyari ayokong maapektuhan yung trabaho ko tama kakalimutan ko na lang yun hindi dapat pang iniisip yun.





A/N : So guys ito na po chappy 8 im sorry natagalan honestly hindi ko alam ang title na ilalagay ko ewan nalilito ako haha pasesnya medyo walang kwenta ang chappy na to anyway babawi na lang ako sa next chappy enjoy reading po.

Love Knows No BounderiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon