They meet again

535 30 9
                                    

Rita POV

Matapos kung ipaalam sa mga guard ng subdivision ang pakay ko eh pinapasok na nila ako at kasalukuyan akong naglalakad habang hinahanap ang bahay na pagtratrabahuhan ko.

Hawak lang ang piraso ng papel kung san nakalagay ang address ng bahay ng magiging amo ko. Matapos ang mahabang lakaran eh nakita ko din yung bahay na hinahanap ko pero parang hindi naman 'to bahay mansyon na ata to o baka palasyo.

Nagdoorbell agad ako pagkarating ko sa gate ng bahay. Maya maya pay may lumabas na siguro isa sa mga kasambahay dahil na din sa suot niya.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong sa akin ni ate habang sinusuri ako.

"Magandang umaga po ako nga pala si Rita ako po yung bagong kasambahay na ipinasok ni aling Marta dito."

"Ah ikaw pala yun nako kanina ka pa inaantay ni manang Lucia." Sabi niya habang nakangiti at mas niluwagan pa niya ang bukas ng gate.

"Ah pasensya na ate ha medyo nahirapan kasi akong hanapin tong mansiyon eh."

"Ok lang yun halika pasok kana at nako dumating na yung anak ng may-ari."

Pumasok na nga ako kasama si Rosita yung kasambahay na sumalubong sa akin. Nakilala ko siya dahil nagkatanungan kami habang papasok ng bahay.

"Manang Lucia andito na po si Rita." Sigaw ni Rosita pagpasok namin ng bahay.

Grabe ang ganda ng bahay puti ang karamihan sa nangingibabaw na kulay. Halatang mayaman ang may-ari ng bahay. Mula sa kung saan ay may sumulpot na medyo may edad ng babae siguro siya na si manang Lucia.

"Oh ikaw na ba yung sinasabi ni Marta na ipapasok niyang katulong ?" Tanong niya na may ngiti sa labi.

"Ah opo ako po si Rita." Pagpapakilala ko kay manang Lucia.

"Aba'y parang ang bata mo pa ah ilang taon kana ba." Tanong sa akin ni aling Lucia.

"16 yrs old na po ako manag Lucia."

"Aba'y kay bata mo pa ah bakit gusto mo na magtrabaho?"

"Eh kailangan po kasi nasa hospital ho kasi ang nanay ko." Sagot ko na bakas ang lungkot sa boses ko.

"Hay nako oh siya sige wag ka ng malungkot halika na at ituturo ko na sayo yung mga gagawin mo." Bakas ang awa sa boses ni aling Lucia.

Sumunod na lang ako sa kanya at habang papunta kami sa kusina ay may tumawag kay aling Lucia.

"Nay Lucia pahenge naman po ng juice." Sabi ng boses na galing sa likod namin at parang pamilyar sa akin ang boses na yun.

Sabay sabay kaming lumingon para makati kung kanino galing ang boses na yun. Halos manlaki ang mata ko ng makita kung kaninong boses nanggaling yung utos.

"Ikaw!" Sabay naming sigaw naman si mr mananagasang maangas yung gwapong lalaking muntik ng managasa sa akin.

"Anong ginagawa mo dito ?" Sabay nanaman naming sigaw hays wag mong sabihing siya ang amo sa bahay na to.

"What are you doing here stupid girl." Sigaw niya sa akin habang nakaduro pa.

"Wag mo nga akong sigawan tss tsaka pwede bang tagalog lang kasi hindi kita maintindihan." Kainis birahan ba naman ako ng english tiyaka ano ba yung stupid lagi niya akong sinasabihan nun.

"Tss stupid talaga anong ginagawa mo dito ha? Sinusundan mo ba ako?" Sunod sunod na tanong niya sa akin tss gwapo nga feelingero naman porket ba andito ako sinusundan ko na siya.

"Hindi kita sinusundan noh kapal nito dito ako magtratrabaho kaya pwede ba."

"Oh so your going to be our maid here." Dumali nanaman ng english hays maid lang naiintindihan ko.

"Ano man yung sinabi mo ang alam ko lang magtratrabaho ako dito ok." Sagot ko sa kanya hindi ako papatalo sa mayabang na to.

"Well sorry to burst your bubble pero ayokong makita ang mukha mo so do your self a favor umalis ka na." Sabi niya sa akin at nag smirk pa.

"Ano hindi ko maintindihan yung sinasabi mo." English kasi ng english eh.

"Stupid talaga ang sabi ko ayokong makita yang mukha mo kaya umalis ka na ok. Yaya padala na lang yung juice sa kwarto ko." Sabi niya sabay talikod at akmang aalis na.

Naalarma naman ako ng sabihin niya yun hindi pwedeng umalis ako ito lang pag asa kung mapagamot si nanay. Hinabol ko na siya bago pa siya makaalis.

"Sir para niyo ng awa wag niyo po kung paalisin please kailangan ko po tong trabahong to." Halos maglumuhod na ako habang hawak ko ang braso niya. Tinignan lang niya ako at inalis ang hawak ko sa braso niya at umalis na.

Naiwan akong tulala at umiiyak na naman bakit kasi sumagot sagot pa ako ano ng gagawin ko kasalanan ko to paano na ang panggamot ni nanay. Namalayan ko na lang ang paghaplos ni manang Lucia sa likod ko. Diyos ko ano ng gagawin ko.



A/N( so yan guys part 4 na po tayo so guys if want niyo mapasama sa story message niyo ako lol hahaha basta hope magustuhan niyo enjoy reading guys love yah.

Love Knows No BounderiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon