Hello sa lahat ako nga pala si Rita , Rita Gaviola simple lang ako at galing ako sa tribo ng mga badjao.
Maraming tao ang humuhusga sa akin dahil sa tribong pinagmulan ko kesyo hindi kami nakapag aral puro pamamalimos lang alam namin. Pero mali sila kasi kahit badjao ako kami eh may pangarap kami lalo ako gusto kung makapagtapos para maging guro. Gusto kung maturuan ang mga kapwa ko badjao.
"Rita! Halika na ditong bata ka may pasok ka pa." Sigaw ni nanay.
"Andyan na po nay."
Tumigil na ako sa pakikipaglaro ko ng chinese garter sa mga bata lol bata pa naman ako pero kumpara sa mga kalaro ko eh matanda na ako.
"Ano ka ba namang bata ka dalaga ka na para sa mga larong kalye." Sermon ni inay pag pasok ko ng bahay
"Eh bata pa naman ako inay."
"Bata pa ba ang 16 na taon ha."
A/N(so guys ginawa ko siyang 16 dito para hindi naman masyadong bata para din sa story to.)
"Eh nanay ngayon na lang naman kasi ako nakakapaglaro alam niyo naman kasing buong buhay ko aral at trabaho ang ginagawa ko."
Napansin ko ang biglang paglungkot ng mukha ni inay kaya niyakap ko na lang siya at iniba ko ang usapan.
"Inay maliligo muna ako para makapasok na ako."
Ngumiti na lang ako at tumakbo na para makaligo.
Paglabas ko ng banyo ay napansin kong nakahawak siya sa kanyang dibdib at tila nasasaktan.
"Inay ano pong nangyayari?" Tanong ko kay inay habang dinadaluhan ko siya.
"Anak ingh.. Pumasok ka na sige na ayos lang si inay."
"Pero inay hindi ako makakapasok ng ganyan kayo inay."
Ilang segundo lang ay nawalan na lang ng malay si inay at namumutla na.
"Inay nay gising po gising po kayo." Patuloy ko sa pag gising kay inay.
Hindi ko na halos namalayan kung paano kami nakarating sa ospital nanginginig ako at halos hindi maandap ang luha sa mata ko. Naramdaman ko na lang na may humihimas ng likod ko si tatay andito na pala siya.
"Tay si inay huhuhu ano pong nangyari sa kanya. Niyakap ko na lang si itay dahil halos hindi ko na alam ang gagawin.
Maya maya pay lumabas na ang doktor na marahil ay tumingin kay inay at nilapitan kami.
"Kayo pa ang kaanak ng pasyente?"
"Oho kami nga asawa niya ako kamusta na po ang misis ko." Malumanay na pakikipag usap ni itay sa doktor.
"Ikinalulungkot ko pong sabihin pero may coronary heart disease ang asawa niyo."
Napatayo ako sa pagkarinig ng sakit ni inay hindi ko man naiintindihan eh alam kong malala ang sakit na binangit ng doktor.
"Anong ibig niyong sabihin doc." Tanong ni itay sa doctor.
"Well meron pong pagbabara sa ugat sa puso ng asawa niyo at kailangan niya po agad na maoperahan dahil kung hindi ay maari siyang mamatay."
Halos mabuwal ako sa pagkarinig ng salitang mamamatay ayoko pang mawala ang nanay ko.
"Ipapaalala ko lang po na malaking pera ang kakailanganin niyo upang maisagawa ang operasyon. Kailangan na ding magawa ito sa lalong madaling panahon." Pagkatapos magsalita ng doktor ay nagpaalam na siya sa itay at tinapik na lang ang huli sa balikat.
Kitang kita ko ang panglulumo sa mata ni itay at hindi ko na alam ang gagawin san naman kaya kami kukuha ng pang paopera kay inay.
A/n ( so ito na po ang part two naloka ako sa pag gawa nito lalo pat may isyu ng marvoree pero kahit man lang sa story diba magkaroon ang marta kaya itutuloy ko to sensya sa malalim na tagalog sana magustuhan niyo.)
![](https://img.wattpad.com/cover/83692609-288-k546142.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Knows No Bounderies
DragosteIm a playboy i play womans heart isa akong pasaway na anak i dont even have any achievement or dream pero nung nakilala ko siya binago niya lahat i became a better person.