Promise

229 25 6
                                    

Marko POV

Magkahawak kamay kami ni Rita habang papasok ng mansion, katatapos lang namin magbike at katatapos niya lang din akong sagutin sa wakas we are officialy a couple, and i can't just contain my happiness na sa wakas sinagot na ako ng babaeng mahal ko imagine how happy i am right now.

Pagkapasok namin sa mansion ay hindi ko mapigilang yakapin ulit siya, sobrang saya ko lang na kami na.

"Thank you, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Thank you talaga." Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa din sa kanya.

"Thank you din sa pagmamahal sa akin." Sabi jiya habang yumakap din ng mahigpit sa akin.

Pagkapasok namin ng mansion ay sinalubonh kami ni nay Lucia, napakaseryoso ng mukha niya kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Pinapasok ko na lang muna si Rita sa loob habang kinakausap ko si nay Lucia.

Iginaya ko si nay Lucia sa may sofa para magkausap kami.

"So ano bang pag uusapan natin nay?" Tanong ko dahil parang walang balak magsalita si nay Lucia.

"Marko tumawag sa akin ang mommy mo kanina tinatanong kung kamusta ka." Panimula ni nay Lucia.

Nakatingin lang ako kay nanay habang inaantay kong dugtungan niya kung ano man ang sasabihin niya.

"Sabi ok ka naman, ikaw nga magsabi ka sa akin kayo na ba ni Rita?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti pagkabangit niya ng pangalan ni Rita.

"Yes nay sinagot na niya ako kami na." Sabi ko na may ngiti sa labi.

Nawala na lang bigla ang ngiti ko ng makita ko ang seryosong mukha ni nay Lucia, by the she looks i know that there is something wrong.

"Marko seryoso ka ba kay Rita?" Tanony sa akin ni nay Lucia.

"Of course nay sobrang mahal ko po siya." Sabi ko na may paninindigan.

"Pero handa ka na ba sa magiging reaksyon ng mommy mo? Alam mo ang ugali ng mommy mo at alam mong malaki ang pagkakaiba niyo ni Rita." Sabi niya habang seryoso siyang nakatingin sa akin. Nung marinig ko yun hindi ko maiwasang matakot kilala ko si mommy for sure aayawan niya sa Rita.

"Marko pinasok mo to at sa nakikita ko alam kong mahal mo naman talaga si Rita, pero you also need to understand na hindi magiging madali ang lahat." Sabi ni nay Lucia sabay hawak ng kamay ko.

"I'm not telling you this kasi ayoko sa relasyon niyong dalawa but i'm saying you this  kasi gusto kitang sumaya. Kaya anak kung mahal mo talaga siya then panindigan mo." Sabi niya sabay ngit sa akin.

Hindi ko napigilang mapangiti na din alam ko from this day on hindi na magiging madali ang lahat. I know that we will face a lot of challenges together, and we need to stay strong in oder to maintain what we have.

"I will nay hindi ko hahayaang mawala nanaman yung taong mahal ko. I know it will be tough pero with the love i have for her walang mahirap para sa akin." I said.

"I believe you at masaya ako na makitang masaya ka na ulit matagal ko ding hindi nakita yang ngiting yan." Sabi ni nanay sabay haplos sa mukha ko.

Pagkatapos namin mag usap ni nay Lucia ay dumiretso na ako kay Rita.

Kumatok lang ako sa kwarto niya at hindi naman nagtagal eh pinagbuksan niya din ako. Hindi ko na mapigilang yakapin siya ng mahigpit.

"Señiorito ko may problema ba?" Tanong niya sa akin hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa tinawag niya sa akin.

"Wala po señiorita ko hmm makita lang kita masaya na ako. Rita mag promise ka sa akin ok, na kahit anong mangyari walang iwanan." Sabi ko habang nakayakap sa akin.

"Hmm opo hindi kita iiwan kahit anong mangyari." Sagot niya habang lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

With this alone alam ko na kahit anong mangyari magiging ok lang lahat. As long as we are together then everything will be ok.





A/N: Sorry po late yung publish almost a month na ako hindi nakapag update sorry so anyway ito na po and nga pala from this on simula na ng mga problema so be ready guys. Sorry ulit love you.

Love Knows No BounderiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon