Te Amo

391 45 16
                                    

Marko POV

Medyo nagtagal pa kami sa ospital dahil nagkamustahan pa sila halatang halata talaga ang closeness sa pamilya nila something na never kong na experience. Anyway by monday eh nakatakda ng operahan ang nanay ni Rita the sad part is Rita and i will not be here since babalik na din kami sa Manila by that time.

After 4 hours in the hospital eh nagpasya na kaming umuwi ni Rita sa bahay nila habang maiiwan naman si mang Danny para bantayan ang asawa.

After an hour of traveling eh nakabalik na ulit kami kanila Rita up until now hindi ko maisip paano sila namumuhay sa bahay nila i mean hindi ko sila nilalait but for someone like me na hindi sanay sa ganitong pamumuhay eh maninibago talaga ako.

Habang paakyat kami sa kawayang hagdan nila eh may tumawag kay Rita na mga bat siguro nasa 7-10 yrs old ang mga edad nila.

"Ate Rita ! Ate!" Sabay sabay na hiyawan ng mga bata habang kumakaway kay Rita lahat sila ay may nakapaskil na ngiti sa labi.

Agad agad namang bumaba si Rita para salubingin ng ngiti at yakap ang mga paslit.

"Uy, namiss ko kayong lahat kamusta na ha namiss niyo si ate Rita." Bati niya habang yakap ang mga bata bakas sa mga mata niya ang kaligayahan.

"Ate, Rita. Laro ulit tayong chinesse garter." Sabay sabay ulit na sabi ng mga bata habang may hawak na pink na garter.

Pero teka chinesse garter anong laro yun?

"Sir ba miss ko na ding makipaglaro sa inyo eh." Sagot niya sa mga bata.

"Ate Rita sino yang si kuyang pogi boyplen mo?" Sabi ng isang batang may bungi ang ipin sabay turo sa akin.

Ewan ko pero nung sinabi niyang boyplen este boyfriend ako ni Rita ay napangiti ako pero bigla ding nawala ng sumagit ba si Rita sa tanong ng bata.

"Hindi ano ka ba Buday amo siya ni ate Rita ok hmmm kasambahay na kasi si ate sa Manila." Sagot niya sa batang bungin na ang pangalan ata ay Buday was that even a name.

"Ah akala ko boyplen mo siya eh bagay kayo pogi at maganda." Sabi pa ulit ng bata sabay hagikgik.

Napangiti na lang ako sa sinabi ng bata.

"Ikaw talagang bata ka tara na nga laro na tayo. Kayo po sir Marko gusto niyo po bang sumama?" Tanong ni Rita sabay baling ng tingin sa akin.

Nung una eh nag aalangan pa ako pero naisip ko na wala din naman akong gagawin kung mag papaiwan ako dito kaya sumama na din ako.

Hindi nga nagtagal eh naglalaro na sila so ang chinese garter pala eh laro kung saan sa magkabilang dulo ay may nakahawak sila ang taya habang may mga tatalon sa pataas na pataas na garter ok din pala siya.

Sila Rita ang tumatalon ngayon kitang kita ko ang saya sa mukha niya at habang pinagmamasdan ko siya eh hindi nanaman mapigilan ng puso kong tumibok ng malakas.

Mayamaya pa ay may lumapit sa aking bata sa pagkakatanda ko eh Buday ang pangalan niya.

"Hi kuya ano palalan mo?" Tanong niya sa akin habang nakangiting nakalabas ang bunging ngipin.

"Marko, yun yung name ko." Sagot ko sa magiliw na paraan.

"Ah kuya Malco hihi may gusto ikaw ba kay ate Rita?" Tanong niya sa namimilog na mga mata.

Siguro kung may iniinom ako sa oras na to nabulunan na ako sa tanong niya. Hindi ko na pinansin ang bulol niya na pagkakabangit ng pangalan ko.

"Hahaha bakit mo naman natanong yun bata ka pa para sa ganun." Sabi ko habang ginugulo ang magulo na niyang buhok.

Love Knows No BounderiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon