His Past

444 31 10
                                    

Rita POV

Nagdidilig ako ng halaman sa garden ng may nagsalita sa likod ko.

"Rita pwede mo bang linisan ang kwarto ko."

Rinig kong sabi ni sir Marko yeah si sir Marko ang nasa likod ko. Bago ako humarap eh pinaalalanan ko muna ang sarili ko na wag mailang sa kanya.

"Ah sige po tatapusin ko lang po tong ginagawa ko." Sabi ko ng nakatingin sa kanya grabe gwapo din talaga tong si sir Marko sayang lang kasi napakagaspang ng ugali.

"Himala tumitingin kana sa akin." Sabi niya sa akin habang nakangiti pa.

Topak din talaga siya minsan may time na mabait pero madalas masungit.

"Ah señiorito tatapusin ko lang po to susunod na po ako."

"Ok dalian mo ok gusto ko pagpasok ko ng kwarto ko malinis na ok." Sabi niya sabay talikod na.

Binilisan ko na lang ang ginagawa ko para magawa ko na ang pinapagawa ni sungit baka mamaya maging halimaw nanaman siya.

Pagkatapos ko sa pagdidilig eh umakyat na agad ako sa kwarto ni sir Marko ilang beses na akong nakapasok dito pero nagagadahan pa din ako dito simple lang pero komportable naman.

Sinimulan ko na ang paglilinis sa kwarto ni sungit buti na lang mukhang hindi siya makalat na tao. Nagpunas punas muna ako ng mga gamit sa kwarto niya at pagkatapos eh pinalitan ko ang kobre kama niya. Medyo nagtagal ako sa pagpapalit ng kobre kama dahil masyadong malaki ang higaan niya grabe pang limang tao na ata kasya dito. Pagkatapos kung makontento sa ayos ng kama niya eh kinuha ko na ang vacuum cleaner buti na lang naturuan ako ni manang Lucia sa paggamit nito.

Nagsimula na akong mag vacuum ng buo niyang kwarto nung nasa paanan na ako ng kama niya eh sinimulan ko ng ivacuum ang ilalim at kakaabot ko sa ilalim ng kama eh hindi ko namalayang may natamaan na ako sa table na nasa kwarto niya namalayan ko na lang na bumagsak ang bagay na yun at nagkalat ang laman. Tinigil ko muna ang ginagawa ko para pulutin ang mga nahulog.

Nag squat muna ako at pinatay ko na muna ang vacuum para makuha ang mga nahulog. Pagkasquat ko nalaman ko na mga picture pala ang nandun dala ng kuryosidad eh tiningan ko ang mga picture na nagkalat sa sahig. Picture yun ng isang babae meron ding picture na silang dalawa sa kakatingin ko sa picture eh may napansin akong nakatalikod na picture at merong nakasulat dun.

Dear Via,

    Thanks for being the best girlfriend ever thank you for coming into my life i love you babe.

Yun yung nabasa ko sa sulat and pagkabaliktad ko eh nakita ko si sir Marko na nakahalik sa isang babae mukhang masayang masaya sila sa picture so may girlfriend na pala si sungit. Nasa ganung itsura ako ng makita ko may biglang sumigaw sa at namalyan ko na lang na may umagaw na ng hawak kong picture.

"Sino nagsabi sayong pwede mong pakialamanan ang gamit ko ha!" Sigaw ni sir Marko galit na galit ang itsura niya parang gusto na niya kung saktan pero nagtitimpi lang siya.

"Sorry señorito na-nalaglag po kasi hindi ko po sinasadyang pakialamanan."

"Whatever don't try to explain yourself to me napakapakialamera mo pinalaki ka bang ganyan ng mga magulang mo!" Sigaw pa rin niya sa akin nagsisimula ng mangilid ang luha ko dahil sa pagsigaw niya.

"Ano iiyak iyak ka ngayon diba ang sabi ko maglinis ka hindi ang mangialam ng gamit ng iba!" Hindi ko na alam ang gagawin ko tumulo na talaga ang mga luha ko nasasaktan na din kasi ako sa mga sinasabi niya.

"Marko ano bang nangyayari ha bakit sinisigawan mo si Rita." Narinig kong sabi ni manang Lucia siguro narinig niya ang pagsigaw ni sir Marko.

Namalayan ko na lang na yakap na ako ni manang Lucia at pinapatahan.

"Napakapakialamera kasi niya nay ang sabi ko maglinis siya pero ano nakita ko siyang hawak ang mga to!" Sigaw pa din niya habang hawak ang picture na inagaw niya sa akin.

"H-hindi ko na-naman po sinadyang pakialamanan nahulog lang naman po kasi kaya balak ko po sanang iligpit." Paliwanag ko habang humihikbi.

Tinignan lang ako ng masama ni sir Marko halata pa ding galit siya sa akin.

"Hindi ako makapaniwalang magiging ganyan ka dahil lang sa mga picture na yan Marko sobrang nadissapoint ako sayo parang hindi na ikaw ang batang inalagaan ko." Sabi ni manang Lucia at inalalayan na akong lumabas ng kwarto nilampasan lang namin si sir Marko na nakatingin lang sa amim.

Pagkababa namin eh dumiretso kami ni manang sa kusina at binigyan niya agad ako ng tubig.

"Pasensya ka na sa batang yun Rita ako ng hihingin ng tawad para sa kanga hindi naman ganyan yan." Sabi sa akin ni manang Lucia pagkaabot ng tubig.

"Ok lang po manang nabigla lang po siguro siya." Sagot ko ng medyo nahimasmasan na ako. Aaminin ko nasaktan ako sa mga sinabi niya pero gaya ng sabi ko baka nabigla lang siya.

"Nga pala manang ahm pwede po bang magtanong." Bigla ko kasing naalala yung babaeng nakita ko sa picture gusto ko lang sanang itanong kong sino yun.

"Sige ano ba yun."

"Nakita ko po kasi yung babae sa picture yung Via po girlfriend po ba siya ni sir ?"
Tanong ko.

Tumingin muna sa akin si manang parang nagdadalawang isip kung sasagutin ba ang tanong ko pero hindi din nagtagal eh sinagot din niya ako.

"Si Via ba?" Tanong niya.

Tumango na lang ako. "Si Via ay ang ex girlfriend ni Marko mahal na mahal ng alaga ko si Via siya ang nagbigay saya sa buhay ng alaga ko, pero siya din ang pumatay sa kanya."
Paliwanag ni manang Lucia pero siguro nahalata niya na medyo hindi ko naiintindihan ang paliwanag niya.

"Iniwan niya si Marko pinagpalit niya si Marko sa pangarap niya kaya siguro din naging ganyan siya." Napatango na lang ako sa kwento ni manang ngayon naiintindihan ko na kung bakit masungit at may pagkahalimaw si sir Marko bigo pala siya siguro masakit nga yung nangyari sa past niya hays kahit siguro ako kung iiwan ng taong mahal ko eh baka mas malala pa ang mangyari sa akin hays sa ngayon uunawain ko na lang si sungit ipagdadasal ko na din na sana maghilom na ang sugat sa puso niya.



A/N : so guys ito na chappy 9 enjoy reading guys and please support this story :*

Love Knows No BounderiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon