Marko POV
I'm sitting in my bed while holding the picture i snatch on Rita's hand, its a picture of me and Via my ex girlfriend. We been together for 3 years i remember how happy we are pero lahat ng yun wala tinapon niya lang ng basta she left me and choose her career over me. Tangap ko naman that she have a dream pero ang masakit lang hindi pala ako parte ng pangarap niya na yun.
I can't help but to cry until now masakit pa din tuwing naalala ko kung paano binasura niya na lang lahat nagmakaawa ako lumuhod yet iniwan pa din niya ako. Sa sobrang focus ko sa picture namin ni Via eh hindi ko namalayang nakalapit na sa akin si nay Lucia.
"Umiiyak ka pa din dahil sa kanya?" Tanong ni nanay habang umuupo sa tabi ko.
"Ang sakit pa din kasi nay minahal ko siya ng sobra pero pinili pa din niyang saktan ako." Sabi ko habang umiiyak na nakayakap kay nay Lucia. Sabihan niyo na akong bakla pero pag nagmahal ka ng todo at nasaktan iiyak ka din talaga.
"Naiintindihan ko na nasasaktan ka normal lang yan kasi tao ka pero anak hindi naman tamang manakit ka din ng iba." Napakalas ako sa pagkakayakap kay nay Lucia ng marining ko yun.
"Marko may tao kang nasaktan ng dahil sa picture na yan." Dagdag pa niya sabay tingin sa akin i guess si Rita ang sinasabi niya.
"Hindi ko naman sinasadya nay nung nakita ko kasing hawak niya yung picture namin ni Via eh nagalit na lang ako." Paliwanag ko kay nay Lucia alam ko naman na nagkamali ako eh pero nabigla lang talaga ako.
"Alam kung hindi mo sinasadya pero magsorry ka pa din ok." Sabi ni nay Lucia na parang nagpapaliwanag sa isang bata.
Tumango na lang ako, pagkalabas ni nay Lucia eh napahinga na lang ako ng malalim i guess i really need to say sorry to rita alam ko kasing mali ako.
Rita POV
Nakaupo lang ako sa isa sa mga baitang ng hagdan sa may mansion bago kasi makapasok sa loob ng bahay eh may tatlong baitang na hagdan munang aakyatin so nakaupo ako sa unang baitang habang nakatingala sa langit iniisip ko pa din hanggang ngayon yung nangyari kanina, galit pa kaya siya sa akin.
Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko namalayang may umupo na sa tabi ko.
"Gabi na ah bakit nakaupo ka pa dito." Rinig kong sabi ng taong katabi ko.
Nang tignan ko kung sino eh nagulat pa akong si sir Marko pala.
"Ah gusto ko lang po sanang magpahangin tiyaka tignan ang mga bituin." Sagot ko na medyo nag aalangan iniisip ko kasi kung galit pa din pa ba siya sa akin.
"Ganun ba ahm ano Rita." Napatingin na lang ako sa kanya ng magsalita ulit siya.
"Ano po yun señiorito may sasabihin po ba kayo?" Pagtatanong ko halatang nahihirapan siya sa kung ano man ang sasabihin niya.
Mayamaya pa'y nagsalita din siya.
"Im sorry, sorry sa nagawa ko sayo kanina hindi ko talaga sinasadya yun nabigla lang ako nung makita kong hawak mo yung picture." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Sa totoo lang nabigla ako ng marinig ko siyang mag sorry ni sa hinagap hindi ko inisip na magagawa niya. Kasi diba katulong lang ako pero nagawa pa din niyang aminin yung mali niya.
Matapos kung makarecover sa pagkabigla sa pagsosorry niya eh nagsalita na din ako. "Wala na po yun sir Marko alam ko naman pong nabigla lang kayo."
"Thanks, salamat sa pagtangap ng sorry ko." Sagot niya na ngayon ay nakatingala na sa langit.
Habang pinagmamasdan ko siya hindi ko maiwasang maalala yung babae sa picture talaga gusto kong malaman kung sino siya kaya kahit natatakot ako eh nilakasan ko na din ang loob ko para tanungin siya.
"Sir Marko, pwede po bang magtanong sa inyo?" Lakas loob kung pagbibigay pansin sa kanya pero ilang minuto na eh hindi pa din niya ako sinasagot kaya tinanong ko na din ang bagay na gusto kong malaman.
"Sir Marko alam kong wala akong karapatang itanong to pero gusto ko lang malinawan, sir sino po si Via?" Hindi ko sigurado pero napansin kong naglumikot ang mata niya ng marinig ang pangalang Via.
Ilang minuto ng hindi siya nagsasalita siguro nga ayaw niyang pagusapan kaya nga imbes na kulitin pa siya eh nanahimik na lang ako at tumingala na din sa langit. Pero ang hindi ko inaasahan eh ng magsimula na siyang magkwento.
"Si Via ex girlfriend ko siya naging kami ng tatlong taon 3rd year highschool nung naging kami. Binago niya ako kung dati hindi ko alam ngumiti nung nakilala ko siya natuto ako. Si Via yung tanging tao bukod kay nay Lucia ang nagmahal sa akin, nagpahalaga at nagpakita ng malasakit kasi sa totoo lang hindi yun nagawa ng magulang ko. Mula pagkabata uhaw na ako sa atensyon nag iisang anak lang ako kaya ang hirap kasi kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng magulang lagi kasi silang busy sa mga trabaho nila kaya nga din siguro napalapit ako kay nay Lucia dahil naghahanap ako ng atensiyon. Never in my life did i make them proud kahit anong gawin walang kwenta ako para sa kanila, kahit kailan hindi nila ako nasabihan na proud sila sa akin. Kaya lumaki akong ilang sa tao hindi palangiti pero nung dumating si Via nagbago lahat pinasaya niya ako binigyan ng pagmamahal, inalagaan pero sa huli iniwan at pinagpalit sa pangarap niya. Kaya sorry ah if ganito ako sayo."
Matapos niyang magkwento ay napansin kung umiiyak siya habang nakatingala pa din sa langit. Ang sakit makita siyang nasasaktan parang gusto ko siyang yakapin at sabihin ok lang lahat pero paano ko gagawin yun. Sa huli hindi na din ako nag isip niyakap ko na lang siya at hindi na ako nagsalita pa. Naramdaman kung nabigla siya nung una pero hindi din naman nagtagal eh hinayaan na niya akong yakapin siya.
Ilang minuto ko din siyang yakap ng magpasya siyang humiwalay na sa akin.
"Thank you Rita for comforting me." Sabi niya kasabay ng pagpahid ng luha.
"Wala po yun sir Marko sana po mas gumaan na yung pakiramdam niyo, gusto ko lang pong malaman niyo na hindi kayo nag- iisa nandyan pa si manang Lucia at ngayon po nandito na din ako kaya sana sir ngumiti na ulit kayo." Sabi ko habang nakangiting sa kanya ayoko na kasing makitang malungkot siya totoo naman din ang sinabi ko simula sa araw na 'to eh magiging mission ko na sa buhay na pangitiin siya.
"Salamat Rita and sana pumayag kang maging magkaibigan tayo yun is kung ok lang sayo." Sabi niya habang nakalahad ang kamay sa akin.
Hindi ko alam kung anong sasabihin totoo bang nakikipagkaibigan siya sa akin. Sa huli eh hindi na ako nagsalita at inabot ko na lang ang kamay niya.
"Sige, mauuna na akong pumasok sumunod kana para makakain na tayo." Sabi niya sabay talikod na para pumasok sa loob ng mansion.
Nagmadali akong tumayo at bago pa siya makaalis eh sumigaw na ako.
"Sir Marko!" Sigaw ko.
Lumingon naman agad siya at bakas sa mata niya ang pagtatanong.
"Im proud of you sir." Pilit kong pagsasalita ng ingles sana lang eh tama ang sinabi ko.
"Proud ako sa inyo na nakaya niyong humingi ng tawad kahit mahirap, wag na po sana kayong malungkot kung hindi nagawa ng magulang niyong sabihing proud sila sa inyo pwes ako po ang magsasabi." Dagdag ko pa. Tingnan lang niya ako sandali at tumalikod na siya pero bago pa siya tumalikod eh nakita ko pa siyang ngumiti.
Pagkaalis ni sir Marko eh tumingin ulit ako sa langit na puno ng bituwin. At nagwish sa mga bituwin na "Sana magtuloy tuloy na ang ngiti niya at sana mawala na ang lungkot sa puso niya."
A/N : So guys here is the chappy 10 sana magustuhan niyo so if you guys remember this chappy is inspired dun sa part na nag sorry si Marco kay Rita dahil sa pagsabi niya ng eh di wow. Inspired din siya nung part na umiiyak si Marco dahil mali yung pagkakarinig ni Marco ng sinabi ng hms and he tell kuya na pakiramdam niya he is good for nothing kasi nga diba nararamdaman niya na yung sa parents niya na never siyang nasabihan na proud sa kanya yun. Hope you enjoy love you :*
BINABASA MO ANG
Love Knows No Bounderies
RomanceIm a playboy i play womans heart isa akong pasaway na anak i dont even have any achievement or dream pero nung nakilala ko siya binago niya lahat i became a better person.