Marko POV
It's 3 in the morning sabado na ngayon at ito ang araw ng punta namin sa Lucena to pursue the operation of Rita's mother.
Ilang araw na din ang nagdaan and for the past days eh naka zombie mode ako ewan naguguluhan pa din ako sa nararamdaman ko anyway i need to prepare myself for this. You can do it Marko!
Rita POV
Alas dos pa lang ng madaling araw eh gising na ako sabik na akong umuwi sa amin para makita ang inay at itay ito ang araw na magpapaopera ang inay sa tulong na din ni sir Marko.
Nagmamadali ko ng inaayos ang gamit ko at tahimik na lumabas ng kwarto aantayin ko na lang si sir Marko sa sala.
Hindi din naman nagtagal ang pag aatay ko dahil ilang minuto lang ay nakita ko ng pababa siya ng hagdan.
Nakasuot lang siya ng maroon shirt naka leather jacket na itim naka jeans at rubber shoes gwapo din talaga si sir Marko kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya iniwan ng taong mahal niya.
"Good morning sir Marko." Bati ko pag tapat niya sa harapan ko.
"Good morning let's go?" Sabi niya at nauna ng lumakad napansin ko nitong mga nakaraang araw eh medyo ilang si sir Marko sa akin hindi ko alam.
Sumunod na lang agad ako sa kanya sa kotse magkatabi kami sa likod ng sasakyan.
Medyo mahabang biyahe din ang gagawin namin kaya hindi ko na napigilang makatulog.
Marko POV
Nakatingin lang ako sa may bintana habang may suot na headphone at nakikinig lang ng music, iniiwasan kong tumingin kay Rita dahil naiilang lang ako lalo't pag tumitingin ako sa kanya eh tumitibok ang puso ko ng mabilis.
Mga ilang minuto na akong nakatingin sa bintana kaya medyo nangangalay na din ako at hindi ko na maiwasang tumingin sa gawi niya. Nang tignan ko siya eh nakita kong nakatulog na siya umuuntog din ang ulo niya sa may bintana ng sasakyan kaya kahit naiilang eh kinuha ko ang ulo niya sa akin hinubad ko din ang jacket ko para ikumot sa kanya. Habang nakasandal siya sa balikat ko ay hindi ko maiwasang tignan ang mukha niya and upon looking in her face hindi ko namalayang nakatulog na din ako.
Rita POV
Nagising ako ng may tumamang sinag ng araw sa mukha ko. Paglingon ko eh halos magtama na ang ilong namin ni sir Marko nakapatong na kasi halos ang ulo niya sa ulo ko at nakakumot din sa akin ang jacket niya. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha niya grabe ang gwapo din talaga niya ang kinis pa ng mukha hindi ko namalayan na nakadilat na pala ang mata niya sa sobrang gulat ko eh napalayo agad ako sa kanya.
"Ahm hmm good morning po sir." Sabi ko sabay layo ng mukha sa kanya.
"Good morning din." Sabi niya sa inaantok pang boses.
Hays muntik na ako dun napansin niya kayang nakatingin ako nakakahiya.
"Malapit na ba tayo?" Tanong niya.
"Ah opo isang liko na lang dun na po bahay namin." Sagot ko sa bahay muna kasi ang punta namin sigurado kasing andun si itay ng oras na to mga ala 7 pa lang kasi.
Hindi nga nagtagal eh narating namin ang baranggay kung san kami nakatira.
Napansin kong pinagtitinginan ang kotseng sinasakyan namin sabagay hindi naman kasi sanay ang tao dito sa magagarang sasakyan napakasimple lang kasi ng pamumuhay namin.
"Welcome po sa baranggay namin sir Marko." Sabi ko sa kanya.
Sabay nun eh ang pagbaba ko na ng sasakyan hays miss ko na ang lugar na 'to.
BINABASA MO ANG
Love Knows No Bounderies
RomanceIm a playboy i play womans heart isa akong pasaway na anak i dont even have any achievement or dream pero nung nakilala ko siya binago niya lahat i became a better person.