My Personal Maid

486 32 15
                                    

Marko POV

I'm in my room waiting for my personal maid na dalhin ang hinigingi kong juice. Biruin mo nga naman pumayag siya hahahaha. Ilang minuto lang ay may kumakatok na sa kwarto baka si yung personal maid ko na yun.

"Bukas yan pumasok ka na lang." Sigaw ko hindi nga nagtagal ay pumasok na siya dala ang tray na may lamang juice at meryenda na hinanda ni nay Lucia.

Hindi nga nagtagal eh pumasok yung bago kung personal maid.

"Señiorito ito na po yung hinihingi niyong juice pati na din po yung meryenda na hinanda ni manang Lucia." Sabi ni ano nga palang pangalan nito tsk basta yun habang binababa niya yung tray na hawak niya sa study table ko.

Lumapit na ako sa kanya at tinanong na din ang pangalan niya. "Ano nga palang pangalan mo?"

Tumingin muna siya sa akin bago sinagot ang tanong ko. "Rita po, Rita ang pangalan ko."

So Rita pala ang pangalan ng bago kong personal maid hmm tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa, ewan ko ba everytime na titingin ako sa kanya parang may nagrarambulab sa loob ko tsk. Aaminin ko nagagandahan ako sa kanya hindi siya maputi tulad ng mga babaeng nakasalamuha ko sa Italy pero may iba sa kanya.

Black beauty sabi nga morena siya may mahabang buhok, hindi malaki o maliit ang mata niya pero napakalalim ng mata niya, manipis ang labi niya, matangos na ilong ay ewan bat ba dinedescribe ko pa siya.

"Señorito may kailangan pa po ba kayo?" Nabalik ako sa wisyo pagkatapos kung marining ang boses niya.

Tumingin lang ulit ako sa kanya bago ko tinignan ang meryendang dala niya simpleng spaghetti lang naman at toast bread, napasmirk na lang ako at bumalik sa kama ko.

"Yes may kailangan pa ako sayo gusto kung subuan mo ako."

Hindi naman sa tamad ako i just want to make fun of her ewan ko ba gusto ko lang nakikita yung mukha niya lalo pag pikon siya.

Kinuha lang niya ang tray na may lamang meryenda at lumapit sa akin. Umusog ako at pinatong niya yung tray sa kama ko, hindi pa man eh nakanganga na agad ako tinignan lang niya ako at kinuha ang toast bread at sinubo sa akin. Hays sarap pala sa buhay na may personal maid hahaha.

Rita POV

Tinangap ko yung deal na sinasabi sa akin ng magiging boss ko na hanggang ngayon eh hindi ko alam ang pangalan. Nandito ako sa kusina habang inaantay ang hinahandang merienda ni manang Lucia nakapagpalit na ako ng uniform ko bilang maid dito sa mansion.

"Rita sure kana bang ayos lang sayo na maging personal maid ni Marko." Tanong sa akin ni manang Lucia habang inaabot niya sa akin ang tray na may lamang merienda ng magiging boss ko.

"Opo ayos lang po ako." Kinuha ko na ang tray ang ngitian na lang si manang.

Habang umaakyat ako sa hagdan papunta sa kwarto ng amo ko naisip ko ang binangit na pangalan ni manang Lucia, so Marko pala ang pangalan ni masungit.

Nasa tapat na ako ng kwarto ni si Marko well itinuro na kanina ni manang Lucia ang direksyon ng kwarto ni sir bago pa niya ipahatid ang meryenda ni sungit.
Kumatok lang ako ng ilang beses bago niya ako pinapasok na. Pagpasok ko eh nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nakatingin sa akin. Ipinatong ko na ang tray sa lamesang nakita ko sa kwarto niya pagkapatong ko ng tray eh tumayo naman siya sa kama at lumapit sa akin. Tinanong lang niya ang pangalan ko at sinagot ko naman siya.

Napansin ko na tinitignan niya lang ako mula ulo hanggang paa sinusuri marahil ako medyo naiilang man ako ay hindi na ako nagsalita pero ng medyo tumagal na ang pagtitig niya sa akin eh tinanong ko na siya kung may kailangan pa ba siya sa akin.

"Yes may kailangan pa ako sayo gusto kung subuan mo ako." Sagot niya sa akin. Medyo natigilan ako ng marinig ko yun kung baga hindi naman siya bata para subuan pero siya ang amo kaya tahimik ko na lang siyang sinunuod.

Nakita kung bumalik na siya sa pagkakaupo sa kama niya, kinuha ko na lang ang tray at lumapit na ako sa kama niya, pinatong ko lang ang tray sa kama at kinuha ko na ang isa sa toast bread napansin ko naman na nakanganga na agad siya. Kaloka hindi naman siya ecxited diba.

Nagpatuloy lang ako sa pagsubo sa boss ko hanggang maubos kung ano man ang nasa plato, hindi ko maiwasang tumingin sa mukha niya habang nainom siya ng juice in all fairness naman kasi gwapo talaga si sungit ang kinis ng mukha niya, matangos pa ang ilong ay napakalalim ng mata niya alam mong may misteryo sa pagkatao, napakanipis din ng labi niya na mamulamula.

"Tapos ka na bang titigan ako." Nagulat na lang ako at agad iniwas ang tingin ko sa kanya hays sa sobrang titig ko sa kanya eh hindi ko napansin na nakatitig na din pala siya sa akin.

Nakakahiya tss paka isipin pa niya na may gusto ako sa kanya dahil sa pagtitig ko sa mukha niya. Nagyuko na lang ako at tinanong na lang siya.

"May kailangan pa po ba kayo señiorito?" Tanong ko habang nakayuko pa din.

"Wala na pwede ka ng lumabas papatawag na lang kita kung may kailangan ako sayo. Sabi niya sabay higa na sa kama.

Kinuha ko na agad ang tray at nagmamadaling lumabas na ng kwarto niya, ng nasa labas na ako ng kwarto eh napasabunot na lang ako sa buhok ko hays nakakahiya nakita pa niya akong nakatitig sa kanya. Grabe unang araw ko pa lang to sa pagiging personal maid niya kayanin ko pa kaya ang mga susunod na araw.

A/N : so ito na po ang chappy 6 comment po kayo team tinapay hahaha ano pong say niyo sa chappy na to vote po kayo kung nagustuhan niyo ting chapter na to nga pala thank you na din po sa mga readers ng story nasa 800+ na yung read nakakatuwa keep supporting po sana thanks :) love you :*

Love Knows No BounderiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon