Rita POV
Monday nanaman asa kusina ako ngayon para ihanda ang almusal ni señiorito Marko. Sa totoo lang hanggang ngayon parang hindi ko pa din alam kung totoo ba yung mga nangyari nung nakaraang araw kasi ang bilis eh.
Busy ako sa pagluluto ng may panda stuff toy na bumungad sa mukha ko.
"Good morning señiorita ko kamusta tulog mo." Rinig ko ang ipit na boses ni sir Marko hahaha pasaway talaga.
Humarap ako sa kanya at ang nakangiti niyang mukha ang sumalubong sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi mahawa sa ngiti niya.
"Good morning para sayo nga pala yan." Sabi niya sabay abot sa akin ng panda stuff toy.
"Thank you po señiorito mag almusal na po pala kayo." Sabi ko sabay handa na sa mga pagkaing niluto ko.
"Sabay ka na sa akin señiorita ko please." Sabi niya habang nag bebeautiful eyes.
Grabe ang laki na talaga ng pinagbago niya mula sa masungit at iritadong Marko ngayon sobrang sweet at mapagbiro na siya.
Umupo na lang ako sa katapat niyang upuan habang pagkatapos ay naglagay ako ng pagkain sa plato niya.
"Tss hindi mo na ako dapat pagsilbihan ako dapat ang gumagawa nun sayo." Sabi jiya habang kinukuha sa kamay ko ang mangkok na may lamang sinangag.
"Sir Marko katulong pa din po ako dito hindi po porket nanliligaw kayo eh makakalimutan ko na yun." Pagkontra ko naman sa kanya kasi kahit naman sabihin na nanliligaw siya eh iba pa din yun kailangan ko pa ding gawin ang trabaho ko kasi yun ang dahilan ng pagsahod ko.
"Ok sige kumain ka na ." Sabi niya sabay kain na din.
Sabay nga kaming kumain at umakyat na din siya para mag ayos sa pagpasok sa school.
Pagbaba niya eh nilapitan niya ako para kausapin.
"Nga pala Rita mamaya hmm date tayo ok." Sabi niya na bakas ang kaba sa boses.
"Date po ba sir hmm." Sabi ko na tila nag iisip pa pero ang totoo ay iniinis ko lang talaga si sir Marko.
"Please pumayag ka na ha ikaw naman bahala kung saan tayo pupunta eh." Sabi niya sabay hawak pa sa kamay ko.
"Hays sige na nga po basta ako po bahala sa pupuntahan natin ah." Sabi ko sabay naman tango niya hinalikan niya lang ako sa noo at tumakbo na din siya palabas.
Hmm grabe ecxited na ako sa date namin ni sir Marko kaya lang ang tanong ngayon san naman kaya kami pupunta?
----------------
Marko POVBuong oras ng klase akong hindi mapakali grabe kinakabahan na naeecxite ako sa date namin ni Rita. Sa totoo lang eh hindi ko alam kong san kami pupunta dahil nga siya ang magdedecide pero kahit san pa yan basta kasama siya ay ok na ako.
Pagdating ng uwian ay nagmamadali akong makauwi agad dahil gusto ko ng makasama ang señiorita ko hahaha sh*t nagiging corny na ako.
Pagdating sa mansion ay bumaba agad ako at nakita ko si Rita na nakaupo sa may hagdan papasok sa mansion nakasuot lang siya off shoulder na blouse na puti at pantalon tapos simpleng doll shoes. Grabe napakasimple lang ng suot niya pero lutang yung ganda niya.
"Sir Marko!" Sigaw niya pagkakita sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangiti pagkakita ko sa kanya sinalubong ko agad siya ng yakap pag lapit niya sa akin.
"Ready ka na sa date natin?" Tanong ko sa kanya sabay tingin sa mata niya.
Tumango naman agad siya at ngumiti. Nagpaalam lang akong magpapalit ng damit at pumasok na agad sa mansion.
BINABASA MO ANG
Love Knows No Bounderies
RomanceIm a playboy i play womans heart isa akong pasaway na anak i dont even have any achievement or dream pero nung nakilala ko siya binago niya lahat i became a better person.