Bike is <3

388 30 20
                                    

Marko POV

Nasa labas ako habang chinecheck ko ang bike ko. Super mahilig kasi akong magbike hobby ko na siya at the same time exercise. And one week na akong nanliligaw kay Rita at super naeenjoy ko ang panliligaw sa kanya. Super dami kong mga first na naeexperience simula ng makasama ko siya.

First time magpiknik sa park, first time kong kumain ng street foods na naenjoy ko kasi masarap naman. First time kong matulog sa lapag nung nasa bahay nila ako, first time kung kumain ng sardinas habang nakakamay pa sobra daming fisrt na hindi ko naimagine na gagawin ko, pero ng nakilala ko si Rita eh nagawa ko i was able to do the imposible posible.

Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa pag aayos sa bike ko ng may marinig akong boses sa likod ko.

"Sir Marko ano yan?" Tanong ni Rita sa likod ko yeah si Rita yung dumating.

"Wala naman nililinis ko lang ang bike ko, mahilig kasi akong magbike ikaw ba Rita marunong ka nito?" Tanong ko sa kanya.

"Ah hindi ako marunong niyan eh kasi wala naman akong ganyan wala kaming pambili." Sabi niya sa malungkot na tinig hindi ko tuloy maiwasang malungkot for her she miss a lot of things in her life due to poverty.

"Gusto mo bang matutung magbike señiorita ko?" Tanong ko sa kanya.

Gusto ko kasing maranasan niya yung mga bagay na tulad nito

"Bakit tuturuan niyo ako sir?" Tanong niya ngumiti naman ako sabay tinapos na ang paglilinis ng bike at hinila na siya palabas.

"Lika tuturuan kita kung paano magbike." Sabi ko sabay akay sa kanya palabas ng mansion.

Paglabas namin ng mansion ay pinasakay ko agad siya ng bike.

"So Rita aalalayan muna kita ok kailangan mo lang ibalanse ang sarili mo tas tingin ka lang sa harap sa malayo ok." Sabi ko sa kanya habang nakaalalay sa likuran niya.

----------
Rita POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasalukuyan kasi akong tinuturuan ni sir Marko kung paano magbike at sa totoo lang hindi ako makapagbalanse ng maayos dahil naiilang ako habang nasa likod ko si sir Marko.

"Rita ibalanse mo lang ok susubukan kong bitiwan ka tapos tumingin ka lang ng diretso kaya mo yan ok." Rinig kong sabi ni sir Marko pansin ko na lang na ako na lang mag isa ang nagbabalanse sa sarili ko sa bike. Sinunod ko lang kung anong sinabi ni sir Marko at hindi nga nagtagal eh nagawa ko ng magbike sa sarili ko.

Hindi ko maiwasang hindi mapsigaw sa sobrang kasayahan.

"Waaa sir Marko kaya ko na nakakapagbike na ako!" Sigaw ko na hindi ko mapigilan dahil sa kasayahan.

Narinig ko lang ang tawa ni sir Marko grabe ang sarap sa pakiramdam ng nakasakay sa bike para kang lumilipad. Hindi din naman nagtagal ang pagbibike ko pagkahinto ko ay nagsimula ng lumapit sa akin si sir Marko.

"Wow Rita ang galing mo ha." Sabi niya sa akin sabay sa gulo sa buhok ko.

"Nakita mo yun sir Marko ang galing ko diba." Sabi ko na hindi maiwasang hindi magmalaki.

"Oo magaling ka nga and i'm proud of you." Sabi ni sir. Napangiti na lang ako kasi ngayon marunong na akong magbike at dahil yun kay sir Marko.

"So paano gusto mo bang magbike tayo." Rinig kong sabi ni sir Marko.

"Pero paano yun sir isa lang po yung bike natin." Sabi ko kasi isa lang naman talaga yung bike na gagamitin namin.

"Hmm eh di aangkas na lang kita ok." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

Wala na akong nagawa kundi tumango na lang.

Pinaangkas na nga ako ni sir Marko sa may likudan ng bike at nagsimula na siyang magpidal. Sobrang saya ng pakiramdam na kasama mo yung taong gusto mo sa mga ganitong pagkakataon.

Siguro aaminin ko na din sa sarili ko na gusto ko siya kasi wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo ako sa sarili ko. Gusto ko si sir Marko o baka nga mahal ko na siya hindi ko alam basta masaya ako.

Hindi ko na namalayan na mahigpit na pala akong nakayakap kay sir Marko isinandal ko na lang ang pisngi ko sa likod niya at inenjoy yung sitwasyon.

Nagulat na lang ako ng marinig kung sumigaw si sir Marko.

"Woooo sobrang saya." Rinig kong sigaw niya kaya napatawa na lang ako.

"Rita!" Rinig kong sigaw ulit ni sir Marko.

"Po!" Balik sigaw ko din sa kanya.

"May gusto akong sabihin sayo." Sigaw ulit niya.

"Ano po yun!" Sigaw ko din.

"Rita mahal na mahal kita. I love you. Te amo señiorita ko!" Sigaw niya.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko parang lutang ako na ewan. Biruin mong isigaw niya na mahal niya ako. Siguro naman walang masama kung sasabihin ko din yung nararamdaman ko.

"Sir Marko!" Sigaw ko.

"Oh!" Rinig kong sagot niya.

"May gusto din po akong sabihin sayo!" Sigaw ko ulit.

"Ano yun!" Balik sigaw niya.

"Sir Marko gusto kita ay hindi mali pala mahal na pala kita!" Sigaw ko. Siguro naman karapatan ni sir Marko na malaman yung nararamdaman ko.

Napansin ko na lang na nakahinto na ang bike kaya tinangal ko na din ang pagkakayakap ko sa kanya.

Bumaba na siya sa bike kaya bumaba na din ako at naramdaman ko na lang na hawak na niya ang mukha ko.

"Seryoso ka dun sa sinabi mo mahal mo din ako di ka naman nagbibiro diba." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Mukha ba akong nagbibiro sir Marko seryoso po ako dun mahal din po kita." Sabi ko sa kanya.

Namalayan ko na lang na yakap yakap niya ako ng mahigpit.

"So ibig sabihin ba nito tayo na girlfriend na kita?" Tanong niya habang nakayakap pa din sa akin.

Tumango na lang ako habang nakangiti.

"Gusto kong sabihin mong oo." Sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi magsalita.

"Oo sir Marko sinasagot na po kita pero sana lang sir wag mong sayangin yung pagkakataong binigay ko ha." Sabi ko habang nakayakap din sa kanya.

Tumango na lang siya at niyakap ako ng mahigpit hindi ko na nga halos namalayan na binuhat na niya ako at inikot.

"Yes! Girlfriend na kita ha! Gf na kita!" Sigaw niya habang iniikot ako.

Natawa na lang ako sa ginagawa ni sir Marko. Hindi ko alam kung tama bang sinagot ko siya pero mahal ko siya eh, so siguro naman walang masamang sumugal, sana lang walang maging kahit anong aberya o problema sana lang talaga.

Love Knows No BounderiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon