Italiano meets Badjao

860 37 13
                                    

Marko Pov

I'm preparing my things para sa biyahe ko sa Pilipinas wich will be today. Binigla na lang ako ng tatay ko sa pagbibigay sa akin ng ticket seems like gusto niya na akong umalis agad.

I'm done fixing my things ng pumasok ang mother ko.

"Mukhang handa ka na sa pagalis mo ah hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo you know Sky is a good kid."

"Mom desidido na ako mas gugustuhin ko pang pumunta ng Pilipinas kesa ipakasal sa taong hindi ko gusto."

Tinignan lang ako ng mommy ko at biglang niyakap aaminin ko nagulat ako ng niyakap niya ako dahil ito ang unang pagkakataon na ginawa niya to.

"Sige naiintindihan ko kung desidido ka na talaga basta mag iingat ka dun ok i love you son." That is the last thing my mom said bago siya lumabas ng kwarto hayss im getting emotional here.

Lumabas na ako sa kwarto at wala na akong nadatnan sa bahay mukhang nasa work na ang parents ko well ano bang bago lagi naman diba. Buti na lang at may pinahanda ng sasakyan si dad para sa akin papuntang airport and i guess this is it Philippines here i come.

Rita POV

Nakauwi na ako ng bahay mula sa ospital tulala pa din halos ako at hindi ko pa din talaga alam ang gagawin ko paano kaya kami makakakuha ng malaking halaga para sa operasyon ni inay. Katatapos ko lang halos asikasuhin ang mga kapatid ko ng may kumatok sa pintuan namin

"Marites andiyan ka pa tao po." Sigaw ng taong nakatok sa pinto mukhang si aleng Marta ang nasa labas.

A/N (hahaha Marta talaga eh noh.)

Lumabas agad ako upang itanong kung anong kailangan ni aling Marta kay inay marahil hindi pa niya alam ang nangyari katulong kasi sa isang mayamang tagalog si aling Marta na malapit na kaibigan ni inay.

"Kamusta ho aling Marta ano pong sadya niyo kay inay?" Tanong ko agad pagkabukas ko pa lang ng pinto.

"Oh Rita ikaw pala asan ang nanay ko kakausapin ko sana at may iaalok akong trabaho."

Nagsimula ng mangilid ang luha ko sa pagkaalala ng sitwasyon ni inay.

"Eh aling Marta nasa hospital ho ang inay inatake ho siya sa puso." Pagbibigay inpormasyon ko habang tuluyan ng naglandas ang luha ko.

"Diyos ko ! Kailan pa nasa hospital ang nanay mo?" Bakas ang labis na pag aalala sa maamong mukha ng ginang.

"Kahapon lang mo at nangangailangan nga po kami ng malaking halaga para sa operasyon niya."

"Ay nako kung may pera lang sana akong malaki eh baka napahiram ko na kayo kaya lang ay wala."

Kita ko ang pagnanais na makatulong ni aling Marta pero naiintindihan kong salat din siya sa kwarta. Pero habang pinagmamasdan ko ang mukha ni aling Marta ay naalala ko na inaalok niya nga pala ng trabaho si inay.

"Aling Marta hindi ho ba at may iaalok kayong trabaho kay inay ano po bang trabaho yun?" Tanong ko dahil nagbabakasakali ako na kung maaari ay sa akin na lang ibigay ang trabaho.

"Ah oo aalukin ko sana ang nanay mo kung gusto niyang mangatulong pauwi na kasi ang anak ng amo namin galing Italy kaya magdadagdag sana ng isa pang kasambahay kaya lamang ito naman pala ang nangyari sa nanay mo." Paliwanag ni aling Marta.

Tumingin ako sa mukha ni aling Marta at hindi nag alinlangan na magtanong sa kanya.

"Aling Marta pwede ho bang ako na lang ang ipasok niyo para maging katulong?" Tanong sa himig ng pakikiusap.

"Nako Rita eh 16 na taon ka lang ah bat naman gusto mong mangatulong tyaka hindi ba nag-aaral ka?" Bakas ang pagtataka na pagtatanong ni aling Marta.

"Sa ngayon kasi aling Marta ito lang maaari kung gawin para matulongan si tatay sa gastusin eh. Sige na aling Marta kung makakapasok akong kasambahay eh makakaipon ako ng pang gamot ni inay." Halos mangiyak ngiyak na ako habang nakikiusap kay aling Marta.

"Oh sige pero mag paalam ka muna sa tatay mo at baka ikaw ay hindi payagan."

Halos magtatalon ako ng pumayag si aling Marta sa ngayon ang iisipin ko na lang ay si itay.

Kinagabihan nga ay nagpunta ako sa hospital para mag paalam kay itay para makapasok na kasambahay sa sinasabi ni aling Marta. Nung una ay halos ayaw niya akong payagan pero sa pamimilit ko ay pumayag na din siya.

Pagkatapos sa hospital ay umuwi agad ako para ayusin ang gamit ko at sabihin kay aling Marta na pumayag na si itay.

"Oh sige rita ito yung address ng bahay ha hindi pa kasi ako makakapunta sa ngayon dahil may sakit ang bunso ko wag kang mag alala na ipaalam ko na ang pagdating mo kay aling Lucia siya yung mayordoma doon."

Medyo nangamba ako na hindi ko makakasama si aling Marta sa pagbiyahe pero isinantabi ko ang takot at inisip ang pamilya ko.

Marko POV

Im listening to a music while boarding to a plane going to the Philippines medyo matagal na din ang biyahe and naiinip na din ako. Im half asleep ng mag announce na palapag na kami so this it nasa pinas na ako.

Im heading toward the exit when someone approach me.

"Señiorito Marko ako po yung pinadala ng papa niyo para ihatid kayo sa bahay." Bungad sa akin ng may katandaan na ding lalaki.

"Great where's the car?" Tanong ko agad sa kanya.

Itinuro niyo sa akin ang isang nakaparadang sasakyan well hindi na din masama. Lumapit agad ako sa kotse at pinasok na ang gamit ko sumakay na agad ako at sinara ang pinto.

"Señiorito paano po ako hindi po ba dapat ako ang magdridrive?" Habol na tanong sa akin ng driver na pinadala ni dad.

"Magtaxi ka na lang ayokong pinag dridrive ako mas gusto kong ako ang magdrive ge manong kita kits na lang." Sinara ko na ang bintana at pinaharurot na ang sasakyan papuntang mansyon.

Rita POV

Matapos ang ilang oras eh nasa harapan na din sa wakas ako ng subdivision kung saan ako magtratrabaho. Binayaan ko lang ang trycle na sinakyan ko mula sa bus station hanggang dito.

Naglalakad na ako papuntang guard house ng may humaharurot na sasakyan ang papalapit sa akin halos mapapikit na lang ako sa sobrang takot diyos ko.

"Ano ba miss are you stupid bakit kaba haharahara sa kalsada." Sigaw ng kung sino man na nasa harapan ko minulat ko ang mata ko para malaman ko kung sino ang nasigaw na yun. Pagtingin ko ay tila nakakita ako ng anghel sa harapan ko grabe ang gwapo ng kaharap ko.

"Ano miss tatanga ka na lang ba ha God! What a stupid girl." Natauhan ako sa pagkakatulala ko ng sumigaw nanaman yung lalaki sa harap ko hmmpt akala ko anghel demonyo pala. At teka yan yung kotse na muntik sumagasa sa akin so ito yung driver ng bara barang sasakyan na muntik tsumugi sa akin.

"Hoy mister wag mo nga akong sigawan ikaw na nga tong muntik sumagasa sa akin ikaw pang galit." Nakakabwisit talaga tong lalaking to.

"Alam mo miss hindi ka masasagasaan kung hindi ka tanga." Sigaw pa din nung lalaking gwapong may ugaling demonyo grabe ang sama niya ako pang tanga.

"Hoy mister imbes na sabihan mo akong tanga mag sorry ka na lang."

Tumingin lang sa akin ang lalaking empakto na parang wala siyang kagana gana. "You know what miss i don't have time for this tss stupid." Pagkatapos niyang sabihin yun eh pumasok na siya sa sasakyan at pinaharurot na yun. Grabe talaga ang sama ng ugali.

Nung makalayo na ang sasakyan ay napasigaw na lang ako.

"Ang bad bad mo kala mo gwapo ka hindi ang pangit mo." Grabe gwapo nga masama naman hays dumiretso na lang ulit ako ng lakad papuntang guard house habang hinihiling na sana' y 'di na magkrus ang landas nila.




A/n : so yan guys mahabang update hope magustuhan niyo sorry sa mga wrong grammar new lang dito hahaha enjoy reading

Love Knows No BounderiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon