20 ~> solemn Kiss

55 1 0
  • Dedicated kay Judii Mabs
                                    

(Eryel's POV)

hinila ako ni jeb papuntang garden , di ko nga alam kung bakit pero nagpa hila naman ako. 

pero sa di inaasahan ay Tumambad ang napaka laswang tanawin samin dalawa ni Jeb! Halos mahulog ang panga ko ng makita si min at De na naglalampungan. 

naghahalikan sila ng marahas habang yung kamay naman ni De ay nakahawak sa mga dibdib ni Min.

jeb at ako "0_______________________________0" , agad naman ako niyakap ni jeb patalikod dahilan para di ko makita yung boung pangyayari. 

"tara ", bulong ni jeb sakin sabay hinila na naman ako. 

dinala ako ni jeb sa parking lot at sumakay sa kotse niya. di ako makapaniwala sa nakita ko ngayon! 

si MIN ? 

Magagawa yun ? 

Mahal niya ba talaga si dE ? 

O, galit pa rin siya sakin hanggang ngayon kaya ginagantihan niya ako. 

pero imposible yun, di yun magagawa ni min sakin. 

" jeb, anong nangyari kay min ? siya ba yun ? namamalikmata lang tayo di ba ? ", naiiyak na tanong ko kay jeb.

"si Min at dE yun. ", sagot niya habang nagmamaneho.

"pero bakit ? gumaganti ba si min sakin ? siguro di niya pa rin ako napapatawad hanggang ngayon! natatakot ako jeb, baka si nichole na naman ang susunod na gaganti sakin",

"di magagawa ni nichole sayo yun. At lalo na si min ,siguro inlove lang siya kay De kaya intindihin nalang muna natin."

" pero bakit kay dE pa ? impossible yun. Ang alam ko mag team mates lang sila, yun lang yun",

"nag seselos ka? kasi nung nakaraang araw ay panay ang paghinge ni dE sayo ng sorry tapos ngayon ay may kalampungan na siyang iba", tapos biglang huminga ng malalim si jeb.

"O di naman kaya'y masakit yung pag-iwas sayo ni min", seryosong tanong ni jeb tapos biglang nag stop  gilid ng kalsada.

Both yung options na tinanong ni jeb, masakit dahil mahal ko pa si dE . Pero mas masakit kasi tinalo niya yung bestfriend kong si Min..

"uminom tayo", sabay baba ko ng sasakyan at naglakad papuntang convenience store.

Sumunod naman si Jeb at tinulungan pa akong bit-bitin yung mga Alak sa loob ng kotse niya. 

nagpunta naman kami sa tahimik at walang ka tao-taong lugar.

"pang ilang bote na yan ? lasing ka na. tama na", sabay kuha ni jeb sa bote ng alak na iniinum ko.

"huy, wag kang magtatangkang lokohin ako!! babalatan talaga kita ng buhay pag ginawa mo yun",, wala sa sarili na tugon ko kay Jeb. wala na akong paki sa paligid , wala na rin akong paki sa mga nangyayari at mas lalo akong walang paki sa mga pinagsasabi ko. Basta ba' kung ano ang lumabas sa bibig ko ay yun na yun.

"di ko yan magagawa sayo. Di kita iiwan kahit anong mangyari", bigla naman siyang lumapit sakin at hinawakan ang balikat ko ng sobrang higpit.

"good kisser ka di ba ? ", 

(JEB's POV)

tapos bigla niya akong hinalikan. di na ako pumalag pa dahil mahigpit din yung pagkakahwak niya sa mga balikat ko.

yung halik niya ay may matinding kahulugan, parang nanabik na malungkot. Solemn lang,matapos niya akong halikan ay ngnitian niya ako ng sobrang lapad saka natumba pero nasalo ko't nawalan na siya ng malay.

dinala ko naman siya agad sa condo ko, baka kasi himatayin ang dad niya pag nakita siyang lasing. Tinawagan ko na rin si nichole na palitan ang damit niya , amoy alak eh. Matapos naman niyang bihisan si eryel ay agad naman siyang nag paalam at umalis dahil nag aantay na daw si eL sa kanya. Iniwan niya kasi si eL para lang kay eryel. Yan ang tunay na kaibigan!

sa sofa ako at siya naman sa kama ko. Himbing na himbing na nga yung tulog niya.

"sana , di ka na ulit umiyak. Mahal kita kahit sa ganitong paraan ko lang mapakita", sabay pikit ko nung mga mata ko.

my one and only youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon