GLAIZA's POV

5.1K 134 1
                                    

Lahat tayo nangangarap pero hindi lahat nabibigyan ng katuparan lalo  na kung pamilya mo mismo ang hadlang sa pag abot nito. Gaya ni Glaiza na  kahit minsan ay hindi sinuportahan ng ama sa gusto niya pero pinilit niya  itong abutin kahit siya lang magisa. Dedikasyon at pagpupursigi ang nagtulak sa kaniya.

Ikaw kagaya ka rin ba niya o katulad ng iba na hanggang  pangarap nalang?


GLAIZA's POV
Pangarap... lahat tayo meron niyan. Iba't iba man iisa lang ang gusto natin, ang matupad ito. Bata palang  ako hinangad ko nang maging mahusay na mananayaw. Unti-unti kong naabot  ang pangarap ko pero sa pag-abot nito kapalit ang pagkawalay ko sa aking  pamilya kagaya ng ibang magulang hindi ito ang gusto nila para sa akin, kaya  gagawin ko ang lahat para patunayan sa kanila na maipagmamalaki rin nila ako. Natuto akong itaguyod ang sarili ko dahil ayaw ko ring umasa  sa kanila kahit pa nga may kaya ang pamilyang aking pinagmulan. May  tatlo akong kapatid lahat sila may kaniya kaniyang pangalan na masasabi  kong ipagmamalaki ng aking magulang. Si ate Marilou, abogada ang kinuha at  ngayon isa na siyang mahusay na manananggol, si ate Emilyn ay isang engineer nasa Canada na siya ngayon kasama ang pamilya niya at si Sed ay ang bunso kong  kapatid na doctor ang tinapos. Ako, eto! Natapos ko naman ang kurso ko  bilang guro pero ibang landas ang tinahak ko, ang pagsasayaw. Lahat sila  maipagmamalaki lalo ni papa na kahit minsan hindi ako sinuportahan sa  pangarap kong ito, kaya gagawin ko ang lahat. Baka sakaling dumating ang  araw na tanggapin na niya dahil ito talaga ang gusto ko, na sana isang araw  maging proud din siya sakin, sana isang araw palakpakan niya rin ako at  isigaw niya sa buong mundo na "Anak ko yan!"

Dance is my Passion (RaStro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon