Kasabay ng pagindayog ni Glaiza ang mabilis na tiyempo ng musika habang nakaharap sa malaking salamin ng studio nila.
Glaiza: Five, four arms in your left then wave like this three, two arms in your right tapos ganon ulit and one...
(Nang biglang dating ni Valerie na halos magulat silang lahat sa sigaw nito, si Valerie ay isang matalik na kaibigan ni Glaiza pamula ng maliliit palang sila at kagrupo niya sa sayaw.)
Isa ang grupo nila na masasabi mong sikat dahil sa husay nila pagdating sa iba't ibang klase ng sayaw. Tinatawag din silang "The Essential Group Extended" o EGE ng mga fans nila dahil everytime na may laban sila ay talaga naman kakaibang performance ang binibigay ng mga ito. Anim sila sa grupo. si Valerie, Derlyn, Danica, Thea, Eden at si Glaiza na leader ng grupo. Ilang buwan nalang at pinaghahandaan nila ang pinakamalaking contest na kanilang sasalihan.
Glaiza: Ano ba naman yan, Valerie? Agang aga ang bunganga mo umaalingaw ngaw! Daig mo pa ang speaker sa lakas ng boses mo ah.
Valerie: Sorry naman Cha. May nakita kasi ako sa YouTube at kalat na sa social media eto oh!
(Sabay pakita ng phone niya at ipinlay ang video na dinownload niya)
Valerie: Yan daw ang extreme excellence. Galing daw sila ng Korea pero mga pinay din, bagong grupong pinapasikat. Ang gagaling tingnan mo!
Glaiza: Nakikita ko, okay?
(At pinanood nga nila ang sayaw ng nasabing grupo tila humanga siya sa galing gumalaw ng mga ito pero mas tiwala siya sa kakayahan ng grupo nila.)
Glaiza: Sus! Mas magaling tayo kesa sa kanila. Itago mo na yan at bumalik na tayo sa pag i-ensayo.
Halos walong oras din ang ginugol nila sa pagpapractice. Bago maghiwa-hiwalay...
Glaiza: Pano guys? Saan na kayo?
Derlyn: Ako uuwi na, naghihintay si Britz sa akin eh.
Thea: Yun si ate! May date na naman. Hahahaha!
Derlyn: Tse! Umuwi ka na't baka gumala ka pa. Maka ate 'to, eh mas matanda ka pa sa akin.
Thea: Ay grabe ka!
(sabay nguso nito.)Eden: Kami, kakain ni Danica. 'Di ka ba sasama, Cha?
Glaiza: Hindi na, enjoy nalang kayo! Marami pa kong gagawin eh. Oh ikaw Valerie, saan ka na?
Valerie: Uuwi na, naghihintay si nanay eh. Pano una na ko ha?
Glaiza: Oh sige, mag-ingat kayo. Takits bukas!
Sige, ingat! (Tugon nila)
Bago umuwi ay pinasya na rin niyang bumili ng makakain malapit rito. Nang makapasok sa loob ng isang burger shop. Umorder ito ng makakain. Habang naghihihintay ay biglang lumabas sa monitor ng TV ang balita tungkol sa Extreme Excellence. Mga nakatakip ng panyo ang mukha, may sumbrero at tanging mata lang ang kita. Kung sa pormahan lang din naman ay talaga naman masasabi mong hip hoppers ang mga ito. Napatingin si Glaiza sa monitor ng TV at bahagyang lumapit dito para panoorin ang nasabing grupo...
Reporter (VO): Magandang hapon mga ka abangers! Heto nga po pala ang cute na cute na reporter ng RROTV at ang bes niyong lahat, Namie baby. Ngayon po ay nasasaksihan niuo sa aking likuran ang pinakabagong grupo ng mananayaw na galing pa ng Korea. Pumunta sila dito para sa nalalapit na competition, na "Pinoy Movers" na magaganap sa December kung saan ang mananalo ay may chance makapunta ng America para masungkit ang titulo bilang pinakamahusay na grupo ng mananayaw sa buong mundo.
Kitang kita naman mga ka abangers talagang ibang klase. At balita ko, puspusang ensayo ang ginagawa nila. Heto po ang kanilang leader para magbigay ng mensahe.
BINABASA MO ANG
Dance is my Passion (RaStro)
Ngẫu nhiênPangarap. Pag-ibig. Paninindigan. Anong kaya mong gawin para sa iyong mga PANGARAP? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang PAG-IBIG na maraming hadlang at gaano ka katatag para sa iyong PANININDIGAN?