Halos mahigit tatlong linggo ang lumipas ng muling magkita ang dalawa, araw araw ipinaparamdam ni Rhian kung gaano kahalaga at kung gaano nya kamahal si Glaiza, unti unti nyang pinapaalala rito kung ano ang buhay nya noon.
Palagi si Glaiza sa studio pinapanuod ang pagtuturo ni Rhian ng sayaw sa mga studyante nito at pagkatapos non ay mamasyal sila. Isang araw ng mabakante si Rhian ay dinala nga sya nito sa bahay nila medyo kinakabahan sya dahil ito ang unang beses na magkikita sila ng ama ni Glaiza at pangalawa nitong kapatid....Glaiza: "Nervous?"(tanong nya rito dahil bakas mo sa muka nya ang di mag kaintindihang pakiramdam)
Rhian: "Medyo pero, andyan ka naman eh." (at hinawakan naman ni glaiza ang kamay nya)Glaiza: "Alam mo hindi ko parin maintidihan ng sarili ko, sa twing hahawakan ko ang kamay mo o sa twing magtatama ang mga mata natin halos lumunlundag ang puso ko, weird pero parang ang saya saya lang." (napangiti naman si Rhian sa kanyang narinig kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba nya) "halika na sa loob."
Ng makapasok ang dalawa ay agad silang sinalubong ni Marilou at Sed ng yakap, samantalang ang isa pa nitong kapatid ay tahimik lang at walang reaction...
Glaiza: "Ah, Papa si Rhian po, yung naikwento ko sa inyong kaibigan ko." (pakilala nito)
Rhian: "Hello po Sir, Good afternoon po." (at tumayo nga si Albert para lumapit dito)Albert: "Ikinagagalak kitang makilala hija." (naglagad pa sya ng kamay at laking tuwang tinanggap yon ni Rhian)
Rhian: "Ako rin po, Ikina gagalak ko din po kayong makilala." (ngiting pahayag nito)
Glaiza: "Ate Emz, Si Rhian." (tumango lang ito at maya maya'y umalis din, ramdam naman ni Rhian na tila sya parin ang sinisisi nito sa nangyari kay Glaiza)Doon na rin sya nag hapunan masaya sya na tanggap na ng papa ni Glaiza kung ano sya at kung anong buhay ang gusto nito, pero sa twing maiisip nya ang ama sana ay ganito rin ito sa kanya, kung sana lang nauunawaan sya nito ay wala sana silang problema sa isipin yang iyon ay hindi nya maiwasang malungkot para sa sarili.
Glaiza: "Love? Ayos kalang?" (pukaw nya ng isiping iyon ni Rhian tipid itong ngumiti para takpan ang lungkot na naramdaman)
Rhian: "Ayos lang ako, basta ayos ka."
Glaiza: "Ang sweet naman nitong love ko, sana pala ikaw nalang ang minahal ko." (at napayakap sya sa likuran nito)
Rhian: "Paano nga love kung ako ang babaeng mahal mo?"
Glaiza: "Edi mas maganda kasama na kita, higit sa lahat alam kong napaka buti mong tao at nararamdaman kong mahal na mahal mo ko." (ngiting pahayag nito) "sya nga pala Rhi, hindi mo parin nasasabi sakin ang pangalan ng babaeng minahal ko?"
Rhian: "Mahal na mahal naman talaga kita at hindi magbabago iyon, Glai siguro mas mabuti pa na malaman mo ang totoo na ako.. (at natigil na naman ang sasabihin nya ng mapansin nyang napapapikit si glaiza ng mata) "Love okay kalang?" (alalang tanong nito)
Glaiza: "Ahhhhhh" (sigaw nya sabay hawak sa kanyang ulo, tila may mga ala ala ang nagbabalintataw sa kanyang isipan)
Rhian: "Glai? Ate, Sed si Glaiza" (sigaw nya agad naman lumapit ang dalawa ng marinig ang sigaw nito agad nilang dinala si Glaiza sa kwarto para magpahinga ito at pinainom na din nila ng gamot) "Okay lang ba sya?"
Sed: "Oo Rhi, napagod lang siguro ang ate nakatulog nadin sya."
Rhian: "Mabuti naman, akala ko kung ano ng nangyari sa kanya." (pagaalala nito)
Sed: "Hindi mo parin ba nasasabi sa kanya ang tungkol sa inyo?" (umiling iling lang si Rhian)
Rhian: "Dalawang beses kong sinubukan, pero parang hindi pa ito ang tamang panahon, kanina sasabihin ko na sana kaya lang biglang sumakit ang ulo nya." (paliwanag nito)
Sed: "Ganon ba wag kang magalala, nararamdaman ko na babalik na ang ala ala nya dahil andyan ka." (nakangiting pahayag nito)
Rhian: "Pwede ko ba syang makita bago ako umuwi?" (tumango naman si Sed at hinatid sya sa kwarto kung saan himbing na tulog si Glaiza lumapit sya at umupo sa gilid ng kama)Rhian: "Love, uuwi na ko ha tulog ka lang dyan."(sabay haplos nya sa muka ni Glaiza) "Masayang masaya ako na makasama kang muli, mahal na mahal kita." (at hinalikan nya ito sa noo sa pisngi at maging sa labi bago tuluyang lumabas ng kwarto, paalis na sana sya ng lapitan sya ni Sed at Marilou maging ang papa nila)
BINABASA MO ANG
Dance is my Passion (RaStro)
RandomPangarap. Pag-ibig. Paninindigan. Anong kaya mong gawin para sa iyong mga PANGARAP? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang PAG-IBIG na maraming hadlang at gaano ka katatag para sa iyong PANININDIGAN?