Lumipas ang ilang araw at linggo, halos buo na ang dance steps nila. Last week ng October at dalawang buwan nalang ang hinihintay nila para sa audition.
Glaiza: Ayos na guys! Konti na lang, excited na ako. Yey!
Valerie: Kung alam mo lang Cha, mas excited pa ko sa excited! Hahahaha.
Derlyn: Nako, Valerie! Hindi naman obvious!
Rhian: Ano ba kayo, guys! Chill lang tayo dahil I'm sure na papasok tayo, tiwala lang!
(Sabay tingin nito kay Glaiza at kumindat pa, napangiti naman si Glaiza at nilapitan siya para umakbay)
Glaiza: Syempre naman, kasama ba naman namin ang reyna ng dance floor eh! Hindi ba tayo makakapasok niyan?
Rhian: Asus! Bola! (Sabay kurot naman nito sa tagiliran ni Glai)
Kasalukuyang kakatapos lang ng practice nang nagkaayaan ulit kumain ang mga ito sa labas.
Glaiza: Ano, tara? Sagot ko dinner natin. Saan tayo?
Thea: Uhmm.. ate cha kung magluto ka na lang kaya, mas masarap pa luto mo kaysa sa luto sa labas eh. (Paglalambing into)
Glaiza: Asus! Nambola pa itong bunso namin oh!
Thea: Hindi ah, totoo naman eh. Alam mo ate Rhi pagnatikman mo ang luto ni ate Cha, hahanap-hanapin mo!
Rhian: Hahaha. Talaga?
Thea: Oo. Nako! Kung 'di ko lang ate 'yan, baka nainlove na ko diyan. (Biro nito)
Glaiza: Ikaw talaga Thea puro ka kalokohan. Oh siya! Magluluto na ko hindi 'yong kung anu- anong pambobola ginagawa mo.
Rhian: Tulungan na kita, Glai..
Glaiza: Ha? Sure ka?
Rhian: Oo naman, tara!
At nagsimula na ang dalawa, specialty ni Glaiza ang pastill de lengua kaya medyo kakaiba sa pandinig ni Rhian, kaya hindi niya alam kung paano hihiwain ang patatas. Patingin-tingin siya kay Glaiza na abala naman sa pagsasalang ng kawali. Nang mapansin nga ni Glaiza na tila hindi alam ni Rhian ang gagawin ay lumapit siya rito at 'di maiwasang mapangiti.
Glaiza: May problema ba Rhi?
Rhian: U-uhm Glai... kasi ano eh...
(Sabay tigil nito sa paggagayat ng patatas)
Rhian: Hindi ko alam kung anong potahe ang lulutuin mo, kaya uhm... ano bang gayat ang gagawin ko? Pasensya ka na ha. Imbis na makatulong eh nang-gugulo pa ata ako...
Glaiza: Ssshh...
(Sabay lapit nito sa likod ni Rhian. Nagulat ito nang maramdaman ang katawan ni Glaiza na lumapat sa likod niya)
Glaiza: Tuturuan kita, ganito 'yan...
(At hinawakan ni Glai ang kamay ni Rhian na nakahawak sa kutsilyo, tila nanlamig naman si Rhian sa sitwasyon nila. Parang tumigil ang mundo niya nang sandaling iyon at tanging pintig ng puso niya at ni Glaiza ang kaniyang naririnig. Bahagya siyang napapikit at natauhan nang marinig niya itong magsalita)
Glaiza: Yan, medyo slice mo ta's maliliit lang.
Rhian: Ha... a-ah o-okay ga-ganon lang pala. Hehehe!
(At siyang balik ni Glaiza at sinimulan na ang pagluluto habang si Rhian ay patuloy lang siyang pinagmamasdan)
"Shit! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Stop it, Rhi! Hindi ka nakakatuwa ha, para kang tanga! Stop it."
BINABASA MO ANG
Dance is my Passion (RaStro)
CasualePangarap. Pag-ibig. Paninindigan. Anong kaya mong gawin para sa iyong mga PANGARAP? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang PAG-IBIG na maraming hadlang at gaano ka katatag para sa iyong PANININDIGAN?