Halos magpabaling-baling sa higaan ang dalawa dahil hindi makatulog sa mga nangyari. Si Rhian na iniisip pa rin ang pakikipagkasundo ng daddy niya sa pagpapakasal, ganon din si Glaiza na iniisip si Rhian paano kung ikasal nga siya sa iba.At Glaiza's room:
Tumayo ito mula sa pagkakahiga at naglakad-lakad sa loob ng kwarto niya.
Habang si Rhian ay nakatingala lang sa kisame ng kaniyang kwarto, pasado alas sais na at talagang hindi sila dinalaw ng antok. Muling kinuha ni Rhian ang kaniyang cellphone at tinext si Glaiza...
Rhian: Good morning, Glai! :) (SMS sent)
Agad naman kinuha ni Glaiza ang kaniyang cellphone nang tumunog ito, napangiti siya nang makita niya kay Rhian galing ang text.
Good morning, too, Rhi! ;) - Glaiza
Pabangon na sana si Rhian nang matanggap ang reply ni Glaiza, napakagat siya sa labi nang mabasa ang reply nito. Iniling niya ang kaniyang ulo dahil sa tuwa at kilig na nararamdaman.
"Ano ba naman, ano ba naman!! Parang nag-good morning back lang siya, kinilig ka agad Rhian! OA na ha, tigilan mo 'yan!" - Rhian's POV
(Sita niya sa sarili. Rereplyan niya sana ito ngunit hindi na niya ginawa, bagay na inaantay din ni Glaiza)
Alas siyete ng umaga nang umalis sila ng bahay, saktong binubuksan na ni Glaiza ang pinto ng studio nang makita siya ni Rhian. Agad itong lumapit sa likuran ni Glaiza at tinakpan ang mata nito, nagulat man si Glaiza pero napangiti siya nang marining ang boses nito...
Rhian: Hmmm guess who? (Bulong nito)
Glaiza: Haha. Kailangan pa ba, Rhi?
(Sabay hawak nito sa kamay ni Rhian at ibinaba ang kamay nito bago humarap sa kaniya. Kapwa nakangiti ang dalawa at bahagyang napatitig sa mata ng bawat isa, sandali lang nang matauhan sila ay sabay nagbaba ng tingin )
Glaiza: Bu-buksan ko lang ang pinto...
(Sabay talikod nito sa binuksan na pinto habang si Rhian ay bahagya rin nakayuko at sumunod lang kay Glaiza papasok)
Glaiza: Hmmm coffee? (Alok nito)
Rhian: Yeah, sure.
(At nagtimpla ito, habang si Rhian ay umupo lang habang hinihintay siyang matapos)
Glaiza: Here...
Rhian: Thanks.
(Bahagyang natahimik ang dalawa habang nagkakape, patingin-tingin pero walang mabitawang salita. Saglit pa nang tumikhim si Glaiza at binasag ang kanilang katahimikan)
Glaiza: Ehem! Uhm.. Rhi, 'yong kinuweto mo kagabi... anong plano mo?
Rhian: Hindi ko alam, Glai... kung ako lang, ayaw ko talaga. Pero...
Glaiza: Pero??? Ano bang gumugulo sayo? Ang kapalit na makukuha mo.. ang kalayaan mong magsayaw?
"Hindi, ang gumugulo sa akin ngayon ay ang nararamdaman ko para sayo. Bakit ba naman kasi ganito? Bakit sayo pa ko nagkkaaganito? Kung alam mo lang, Glai... nakakainis ka! Bakit ko ba nararamdaman 'to..." (Sambit ni Rhian sa kaniyang isipan)
Glaiza: Rhi, Rhian... uy! Tamo 'to, tulala ka na naman.
Rhian: Ha? Ah eh... pasensya na Glai, hindi kasi ako nakatulog kagabi.
Glaiza: Ganon ba, parehas naman pala tayo...
Rhian: Bakit naman?
Glaiza: Gawa mo. (Pabiglang sambit nito) A-ang ibig kong sa-sabihin ano... ahh... na-nag-alala ako s-sayo, kaya iniisip kita. Syempre kaibigan kita, 'no! Hehehehe.
BINABASA MO ANG
Dance is my Passion (RaStro)
RandomPangarap. Pag-ibig. Paninindigan. Anong kaya mong gawin para sa iyong mga PANGARAP? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang PAG-IBIG na maraming hadlang at gaano ka katatag para sa iyong PANININDIGAN?