Hindi nga nakaahon si Glaiza sa pagkabigla.
Valerie: Cha, okay ka lang ba?
Glaiza: Valerie, tara na!
Valerie: Oh! Akala ko ba gusto mo siyang makilala?
Glaiza: Ha? Eh tsaka na, basta wag ngayon.
(Akmang tatalikod ito pero tinawag ni Valerie si Jhanz)
Valerie: Jhanz...
(At pati si Rhian napalingon sa kanila)
Jhanz: Oh Valerie, hi!
(Masayang bati nito at lumapit naman si Valerie sa kaniya habang si Glaiza ay naiwang nakatalikod at napapikit nalang)
Jhanz: Kumusta ka na? Anong ginagawa mo dito? Ikaw ha, sikat na sikat na kayo ah.
Valerie: Ano ka ba, hindi naman. Ikaw kumusta na?
Jhanz: Ito, okay naman kahit papano. Medyo bali pa rin ang binti... wala pa rin silbi.
Valerie: Ano ka ba, gagaling ka rin at makakapagsayaw ka rin. Siya nga pala! Glai...
(Tawag nito at humarap naman si Glaiza, at nahihiyang lumapit sa mga ito)
Jhanz si Glaiza nga pala.
Jhanz: Wow! H-hi... (Nahihiyang bati nito) Alam mo bang fan mo ko. Ang galing galing mong magsayaw eh, pwede bang papicture? (Habang si rhian ay pinagmasdan lang siya dahil sa hindi naman siya kilala nito)
Glaiza: Nako, hindi naman... pero salamat.
(At nagdikit nga ang dalawa at kinuhanan sila ni Valerie ng larawan)
Jhanz: Siya nga pala si Rhian. Rhi si Valerie, dati ko siyang kagrupo sa sayaw at si Glaiza yun leader ng grupo nila, ang EGE.
Valerie: Hello, Rhian! Ang galing galing mo kanina ha, idol na kita... idol na crush.
Rhian: Haha. Salamat.
(Habang si Glai ay hindi makatingin sa kaniya at tila nahihiya, kaya siniko siya ni Valerie dahilan para matauhan siya)
Valerie: Nako, Ms. Rhian may sasabihin itong si Glaiza sa inyo eh.
Rhian: Huh? Sa akin? Ano naman 'yon?
Glaiza: Ha? Ah.. eh.. ano.. gusto lang kitang i-congrats sa pagkapanalo mo hehe. Sige ha, kailangan na naming umalis. Jhanz, sige ha? Bye..
(At tuluyan ngang hinila ni Glai si Valerie, bagay na pinagtakahan nito)
Valerie: Cha, teka nga! Akala ko ba aalukin mo siyang maging member ng grupo natin, anyare?
Glaiza:Hindi ko alam, tinalaban ako ng hiya eh.
Valerie: Hahaha. Ikaw? Nahiya? Teka, bago yun ah. Bakit ka naman nahiya? Pero cha, alam mo ang ganda ni Rhian 'no? Hindi bagay sa kaniya ang pagiging street dancer. Ang bagay sa kaniya ay... ako hahaha.
(Sabay turo nito sa sarili dahilan para batukan siya ni Glaiza)
Glaiza: Sira ulo ka talaga! Puro ka kalokohan.
Valerie: Eh ikaw kasi, ang seryoso mo.
Glaiza: Teka nga, nasan ba si Derlyn?
(At siyang sulpot nito na may dalang pagkain)
Derlyn: Oh guys, kumusta?
Valerie: Saan ka ba nagsususuot?
Derlyn: Nagutom ako eh. Teka, anong nangyari? Sinong nanalo?

BINABASA MO ANG
Dance is my Passion (RaStro)
RandomPangarap. Pag-ibig. Paninindigan. Anong kaya mong gawin para sa iyong mga PANGARAP? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang PAG-IBIG na maraming hadlang at gaano ka katatag para sa iyong PANININDIGAN?