Maaga palang ay nandoon na sina Glaiza, Thea at Derlyn sa studio.Thea: Oh, ate Cha parang ang tahimik mo. (Bungad nito nang mapansin na tulala si Glaiza)
Glaiza: H-huh? Wala naman...
Thea: Hmmm... wala? Eh hindi ka naman ganiyan eh, ano bang problema?
Glaiza: Ahh uhm.. ikaw, anong pakiramdam mo pag may humalik sa pisngi mo?
(Napatawa naman si Thea sa narinig)
Thea: Haha! Depende... pagbabae, wala lang kasi friends do kiss on cheeks!
Glaiza: Eh paano kung hindi kayo ganon kaclose?
Thea: Hahaha. Wala, eh 'di normal lang! Bakit mo natanong ate?
Glaiza: A-ahh.. wala lang
Thea: Hahaha well, wala lang kasi parehas kaming babae. Eh kung lalaki 'yon baka may malisya para sa akin.
At napaisip naman si Glaiza sa sinabi nito...
"Malisya? Wala namang malisya ang ginawa niya, diba? Arghh! Cha, don't make it as a big deal, okay?"
(Pagkumbinsi niya sa sarili at hindi niya nga napansin ang pagdating ni Rhian)
Rhian: Hey, guys! Hi, Glai! What's up?
Hi, Rhi! (Bati nila)
Habang si Glaiza ay malalim pa rin ang iniisip...
Rhian: Psst! Uy, okay ka lang?
(Sabay upo nito sa harap niya, nag-indian sit ito at humawak sa tuhod ni Glaiza na naka-indian sit din)
Glaiza: Rhi-rhian... andito ka na pala (?)
Rhian: Haha. Kanina pa, at kanina ka pa tulala! Hmmm... bakit parang puyat ka?
"Pano ba naman ako makakatulog pagkatapos ng ginawa mo? Magdamag ko rin inisip 'yon, pero bakit nga ba? Anong meron? Bakit kasi labi ang ginamit mo? Ang alam kong beso is cheeks to cheeks. Hayss! Erase... erase... wala lang 'yon. Gossshh! Bakit ko binibigyan ng kahulugan ang ginawa niya??? Okay, Cha... hinga! Wala lang 'yon, okay? Wala 'yon. Period." (Sambit niya sa kaniyang isip)
~Flashback~
Pabaling baling si Glaiza sa pagkakahiga at hindi maalis sa isip niya ang pagdampi ng labi ni Rhian sa pisngi niya. Nagtaklob siya ng unan sa mukha at pilit inaalis ang kaganapang iyon, na paulit-ulit tumatakbo sa kaniyang isipan. Para siyang kinuryente sa nangyari, kaya hindi niya maintindihan ang sarili. Bumangon siya at nagkape kaya lalo siyang hindi nakatulog.
~End of flashback~
Rhian: Hmm, Glai... Glai... are you okay?
Glaiza: H-ha? Ah... eh... o-oo naman! Hehehe (Magkandabulol bulol na pagsagot nito)
Rhian: Gusto mong kape? Pagtitimpla kita.
Glaiza: Yes, please. (at natauhan siya sa pangyayari)
"Gosh!! Cha, magfocus ka, okay? FOCUS! Just forget what happened." (Glaiza on her mind)
Kaya pinilit ni Glaiza na kalimutan ito, mas kailangan nila ang magfocus sa pagsasayaw, hindi sa kung ano mang bagay. Bukas ay pahinga ng mga ito pero sila ni Rhian ay hindi dahil kailangan nilang magkita para bumuo ng panibagong steps na ituturo nila sa mga kagrupo.
Rhian: Pano? Kita tayo bukas?
(Paalam nito. Pilit naman si Glaiza na lumalayo dito at kunwaring abala sa ibang bagay, ayaw niya kasing maulit ang pakiramdam niya kagabi)
BINABASA MO ANG
Dance is my Passion (RaStro)
RandomPangarap. Pag-ibig. Paninindigan. Anong kaya mong gawin para sa iyong mga PANGARAP? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang PAG-IBIG na maraming hadlang at gaano ka katatag para sa iyong PANININDIGAN?