Chapter 3

46 6 0
                                    

YAZLIN'S POV

Inis na inis si Yazlin habang naglalakad. Paano ba naman sa lahat naman na unang gagawin nila sa klase kung saan kaklase niya si Alexa ay “getting-to-know-each-other” pa. Hindi naman sana kailangan iyon. Nag-usap sila ni Alexa at binigyan siya nito ng pagpipilian kung sa bahay ng babae or sa mansion ng mga Del Valle.

Mas gugustuhin nalang ni Yazlin na siya nalang ang pupunta sa bahay ni Alexa kaysa naman ito ang pupunta sa mansion. Edi malalaman pa ng kapares niya kung gaano kalungkot ang buhay niya.

Pumasok siya sa coffee shop malapit sa unibersidad nila. Ayaw pa niyang umuwi kasi mas lalo lang siya ma-bad trip sa bahay. Umupo siya at nag order ng kape. Maya’t-maya lang ay may isang lalakeng hindi niya kilala na umupo sa silya na katapat ng sa kanya. Nakangiti pa ito. Gwapo sana kaso halatang mahangin at mayabang.

“Hey there! Alone?” napalingon siya sa likod pero wala naman tao doon. Ibig sabihin siya ang kausap nito? Feeling close lang? Humalakhak ito sa reaksyon niya. “Ikaw ang kausap ko, Yazlin Del Valle.”

“Who are you?” taas kilay na tanong niya.

“Oh hindi mo pa pala ako kilala. That’s so sad,” parang tumaas yata ang dugo niya dahil sa lalakeng ito.

“Wala akong panahon makipag-biruan,” seryoso niyang sabi. Kung ito nag-ti-trip lang pwes sa iba ito mang-trip kasi wala siya sa mood.

“Ako din naman. Wag ka mag-alala makikilala mo din ako. Soon.” Iyon lang at lumabas na ito ng coffee shop.

“Here is your order, maam.” Napabaling ang tingin niya sa waitress nang ilagay nito sa lamesa ang kapeng inorder. Ngumiti ito at umalis na.

Hindi niya nalang inisip iyong weird na lalake. May mas malaki siyang problema. Una, iyong match making ng kanyang ama. Ngayon, wala na siyang takas. Sa ayaw at gusto niya ay kailangan niyang harapin kung sinong Poncio Pilato ang ipanagkasundo sa kanya.

Pangalawa, ang tunkol sa activity nila. Bakit pa kasi napasok siya sa ganitong sitwasyon? Syempre hindi niya pwedeng dalhin si Alexa sa kanilang mansion. Hindi siya sanay na nagdadala ng ibang tao. At isa pa, ano naman mapapala ni Alexa doon? Malalaman lang nito kung gaano kawalang kwenta ang buhay niya.

ARVIN'S POV

Nakatayo si Arvin sa tapat ng coffee shop kung nasaan si Yazlin. Hindi niya sinusundan ang dalaga. Nagkataon lang talaga na mas nauna siyang nakatayo sa pwesto niya kaysa pagpasok ni Yazlin sa shop na iyon. Nakita niya lahat ang nangyare.

Ang pagpasok ng dalaga at pag-upo sa isa sa mga upuan na malapit lang sa bintana. At maya’t-maya lang ay pagpasok ni Rozel at umupo sa silya na katapat ng kay Yazlin. Ano ang nangyayare? Magkakilala ba ang dalawa?

Tinitigan niya ang mukha ni Yazlin at mukha ng kaibigan. Mukhang seryoso ang dalaga at medyo naiinis habang ang kaibigan naman ay nakangisi at natutuwa pa. Ilang minuto lang ay lumabas na si Rozel sa shop. Ni hindi man lang siya nakita ng lalake. Tinitigan niya ulit ang dalaga.

Nag-iisa na ito. Mukhang meron itong problema at halata iyon sa magandang mukha nito. Naglakad siya palapit sa shop at nang akmang bubuksan na sana niya ang pinto ay bigla siyang nakaramdam ng kaba kaya dali-dali siyang bumalik sa pwesto.

Kakatorpe naman ito oh! Arvin, babae lang iyan. Lalapitan lang naman hindi naman liligawan. Baliw niyang sabi sa isip.

“Arvin,” sambit ng nasa likod niya.

“Shit!” bulalas niya dahil sa gulat sabay harap kung sino mang epal na ito. Ang seryosong mukha ni Ice ang nakita niya.

“Tsss,” nakatayo ito at nakalagay sa bulsa ang mga kamay. “Relax lang, dude.” Seryoso parin.

THAT THING CALLED LOVEWhere stories live. Discover now