YAZLIN'S POV
Kinakabahan si Yazlin habang nagbibihis. Papasok na siya ngayon. Ilang araw na din siyang absent sa mga klase niya. Naalala niya si Arvin. Kumusta na kaya ito? Ilang araw na din sila walang komunikasyon. Hindi na siya galit sa nobyo. Hindi niya lang ito natawagan dahil nagkaroon ng malaking problema sa kanilang pamilya.
Ngunit okay na ngayon. Kaya heto siya at excited nang pumasok para makita ang nobyo. Miss na miss na niya ang binata. Handa na siya nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa si Rozel. Kimi itong ngumiti sa kanya.
“You ready?” tanong nito. Tumango siya sa lalake. Sabay silang dalawa pupunta sa unibersidad.
Bumibyahe na silang dalawa papunta sa kanilang unibersidad. Ang lalake ang nagmamaneho. Tahimik lang silang dalawa sa kotse. Nakita nila si Xander at Ice sa parking lot nang makarating. Kinumusta agad sila ng dalawa. Madami din tanong ang mga ito. Bakit daw ang tagal nilang lumiban? Bakit sila magkasama ni Rozel? Tawa ng tawa nalang sila ni Rozel.
Nasa klase na silang apat. Hinihintay nalang nila si Arvin ngunit nagsimula nalang ang klase nila hanggang sa matapos ay hindi ito dumating. Nagliligpit na si Yazlin ng mga gamit nang lumapit si Rozel para tulungan siya sa pagliligpit. Kumunot ang noo ng dalawang lalake.
“May dapat ba kaming malaman sa inyong dalawa?” seryosong tanong ni Ice. Tumawa naman si Rozel dito.
“Ano naman ang dapat niyong malaman, aber?” nakangisi ang mokong. Nagkatinginan ang dalawa sa tanong na iyon ni Rozel at nagkibit-balikat.
“Ngayon pumasok na kayong dalawa, si Arvin naman ang absent.” Sabi ni Xander.
Nagkatinginan sila ni Rozel at nakita iyon ni Ice. Mas lalo silang binigyan ni Ice ng makadudang tingin.
Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang nobyo ngunit nakapatay ang telepono nito. Tinawagan niya si Alexa para sana magtanong tungkol sa kapatid nito ngunit hindi din ito matawagan. Ano kaya ang nangyari sa dalawang iyon?
Ilang araw na ang nakalipas. Hindi pa din pumapasok ang nobyo pati na din ang kapatid nito. Nagtatanong na din si Ice at Rozel tungkol sa dalawa. Nag-aalala na siya lalo na at graduating student si Arvin.
-
-
-
Inihinto ni Rozel ang sasakyan nito nang matanaw na nila ang gate ng mga Villanuevas. Sinamahan pa siya nito para puntahan ang nobyo. Lalabas na sana siya ng kotse nang matigilan. Nakita niyang bumukas ang gate at lumabas si Nadine kasunod ang nakangiting si Arvin. Nagkatinginan silang dalawa ni Rozel. Nakamasid lang siya mula sa malayo.
Nakaramdam siya ng matinding pagseselos nang halikan ng nobyo si Nadine sa pisngi. Ngumiti naman ang babae bago sumakay sa kotse nito at umalis.
Papasok na sana ang binata sa loob ng gate nang lumabas siya mula sa kotse. Natigilan ito nang makita siya. Bumakas ang galit sa mga mata ni Arvin.
“Love,” lumapit siya dito para humalik sa pisngi nito ngunit nagulat siya nang umiwas ang binata.
Sinubukan niyang hawakan ito pero agad naman lumayo na parang diring-diri sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?” may bahid ng galit ang boses nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo sa kanya ng nobyo. Dahil ba hindi niya sinasagot ang mga tawag nito?
“Ilang araw kang absent,” mahinahon niyang sabi. Hindi naman ito nagsalita at mataman lang na nakatitig sa kanya. “Ano pala ang ginagawa ni Nadine dito?”
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romansa#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019
