Chapter 7

41 6 0
                                    

ARVIN'S POV

Busy si Arvin dahil na rin sa nalalapit na graduation. Ilang buwan na din ang lumipas nang mag bakasyon silang magkakaibigan sa resort ni Ice.

Maraming nagbago at isa na doon ang relasyon nila ni Yazlin. Sinagot na siya ng dalaga. Walang araw na hindi niya ipinaramdam sa nobya ang pagmamahal niya dito. Inihinto ni Arvin ang sasakyan nang nasa tapat na siya ng malaking gate ng mga Del Valle.

To: Love
I’m outside.

Sinagot na siya ni Yazlin kaya pinalitan na din niya ang pangalan ng dalaga na nakarehistro sa telepono sa tawagan nilang dalawa. Maya’t-maya lang ay lumabas na ang hinihintay niya. Lumapit agad si Arvin sa dalaga at kinuha ang mga gamit na dala nito.

“Good morning, Love.” bati niya sa magandang nobya sabay halik sa pisngi nito. Paulit-ulit talaga ang salitang nobya. Proud masyado.

“Good morning to you too, handsome.” Inalalayan niya itong sumakay sa kotse.

“Love, gusto ni mommy na sa bahay na tayo mag dinner. Magluluto daw siya ng paborito mong ulan,” napatingin ito sa kanya. “Nasabi ko kasi na paborito mo ang adobo.” Nagpakawala ito ng mahinang tawa.

“Okay, Love.”

“Alexa and Rozel will be there, too.” Hindi alam ni Arvin kung ano na ang status ng dalawa ngunit naipakilala na ng kapatid niya ang lalake sa mga magulang nila.

At ngayon gabi ay siya naman ang magpapakilala sa nobya niya. Kilala naman na ng mga magulang nila ang dalaga ngunit noon iyon nang hindi pa sila ni Yazlin.

“That’s good.” Nitong mga nakaraan buwan sa relasyon nila ay mas nakilala niya ang nobya.

Nagtatampuhan din sila minsan pero madalas ay puro masasaya. Sa ngayon ay hindi pa sila nagkaroon ng malaking away at nagpapasalamat siya doon.

Architecture ang kurso ni Arvin. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang gumawa ng iba’t-ibang desinyo ng bahay. Gusto niya magkaroon ng sariling firm balang araw. Suportado naman ang mga magulang sa pangarap niya.

Tungkol naman sa kompanya ng pamilya nila ay matagal nang may plano ang kanyang ama sa kapatid iyon ibigay dahil ito lang naman ang may hilig sa negosyo. Lahat ng kaibigan niya pati na din ang kapatid at ang nobya ay Business Administration ang kurso. May kanya kanyang negosyo ang mga pamilya nila at pagdating ng panahon ang mga ito din naman ang magmamana.

Lalo na ang kanyang nobya na nag-iisang tagapagmana ng buong Del Valle Empire. Kilala sa buong mundo ang ama ng nobya bilang pinakamatalino at pinakawais sa larangan ng negosyo. At ang mga Del Valle din ang kilala bilang pinakamayaman at wala kahit sino ang makakapantay. Kahit pa siguro bilhin ng ama ng nobya ang buong Pilipinas ay hindi mababawasan ang kayaman nito.

Nahinto ang pag-iisip niya nang may tumapik sa balikat. Si Rozel ang nakita ni Arvin pagtingala niya. Nasa likod naman nito si Ice at Xander na may kanya kanya dalang laptop.

“Yow,” bati ni Rozel habang humihila ng upuan para maupo. “Dito na din kami gagawa ng thesis.”

“Akala ko tapos na iyan,” Arvin.

“It is way far from finish,” si Ice. Binuksan na ng tatlo ang mga laptop at nagsimula nang magtipa doon.

“Mabuti nga at magkagrupo kayong tatlo. Ako nga mag-isa lang gagawa nito oh.” Hinarap niya ang sariling laptop. Tiningnan naman ng mga kasama niya ang dapat niyang tapusin.

“Nag architect pa kasi,” mahinang tumawa si Xander.

Namayani ang katahimikan nang nag kanya kanyang mundo na sila. May layout na tinatapos si Arvin kaya naman hindi niya namalayan ang oras. Natigil siya sa ginagawa nang magreklamo ang kanyang tiyan sa gutom na sakto naman pag tunog ng kanyang telepono.

THAT THING CALLED LOVEWhere stories live. Discover now