ARVIN'S POV
Papasok sila sa hotel kung saan gaganapin ang birthday party ni Rozel. Kasama ni Arvin si Alexa, Ice, Xander, Jewel at Nadine. Nakapulupot ang mga kamay ng nobya sa braso niya. Nagulat ang babae nang sabihan na invited din ito sa party ni Rozel dahil hindi pa nito alam na nakabalik na pala ang lalake.
Hindi sana ito dadalo dahil inaasahan na makikita nila ang dating nobya ngunit wala itong pagpipilian dahil gusto niya talagang dumalo sa party ni Rozel. Gusto niya ulit makita si Yazlin. Hindi niya sinabi sa nobya na nakatira si Yazlin katabi ng apartment niya.
Madaming tao nang makapasok na sila sa function hall. Inilibot niya ang mga mata. Mga makapangyarihan tao sa buong mundo ang mga bisita ng kaibigan. Siguro dahil asawa nito ang nag-iisang tagapagmana ng Del Valle Empire.
May isang usher na lumapit sa kanila at dinala sila sa isang lamesa na nakareserba para sa kanila.
"Ang daming tao," ani ni Xander.
"Weird," puna ni Ice. "Wala yata si Mr. Garcia." Inilibot niya din ang mga mata. Wala nga ang ama ni Rozel.
"Baka hindi pa dumating," ani ni Jewel. Right. Wala pa naman din senyales na nandito na ang mga Del Valle.
Biglang natahimik ang lahat nang bumukas ang pinto ng function hall at pumasok ang isang matipunong lalake. Mr. Simon Del Valle. The most powerful man on the planet. Hindi halata sa pangangatawan nito na may edad na ang lalake. Presensiya pa lang nito ay nagdadala na nang awtoridad.
Nasa likod naman ni Mr. Del Valle ang nag-iisang anak nito. Yazlin Del Valle. Nakasuot ito ng pulang damit na hindi umabot sa tuhod nito. She looks stunning. Lumapt ito sa ama na nakangiti na ngayon habang nakatingin sa dalaga at sabay na naglakad ang dalawa sa lamesa na nasa harapan.
Nasamid naman si Ice nang makita kung sino ang sumunod na pumasok. Ang presidente ng Pilipinas lang naman iyon. Mabilis na naglakad ito at lumapit sa lamesa kung nasaan si Mr. Del Valle. Nagkamay ang dalawa at sabay na naupo.
"If I know that my dad will be here, I wouldn't be here." Mapaklang sabi ni Ice.
"Expected naman na invited ang papa mo," ani Alexa.
"Rozel's dad is not yet here," pagpupuna ulit ni yelo.
"Ano ba ang pakialam mo sa papa ni Rozel, bro? Baka nandiyan lang si Tito Leon gumagala sa tabi-tabi. Just mind your own dad." Mahabang litanya ni Xander.
"Ang init yata ng ulo natin? Do you have your period?" Pang-aasar ni Ice kay Xander. Nalukot ang mukha ng huli.
"F you, bro." Natawa sila nang hindi nito makompleto ang salita. Nasa tabi kasi nito ang asawa. Ayaw na ayaw ni Jewel na nagmumura ang lalake.
Ilang sandali lang ay may umakyat na lalake sa stage at nagpakilala bilang "host" at nagsimula na ang programa. Tinawag ng host si Mr. Del Valle. Tumayo naman ito at umakyat sa entablado at lumapit sa mikropono.
"Good evening everyone. Before I will present to you the celebrant, let me say something important first. Tonight is a very special night for our little family. As you all know, my wife passed away years ago. And I only have my daughter." Ngumiti naman si Mr. Del Valle habang nakatingin kay Yazlin.
"Five years ago, they were news that she was engaged to Rozel, the celebrant. And maybe some of you now think that they are married. But they are not." Kumunot ang noo niya. They are not married? "And now, I am officially stepping down from my position as the head of the Del Valle Empire." Napuno ng bulung-bulongan sa loob ng function hall. "I am not getting any younger, people. Give me some break." Natawa ang mga bisita.
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romance#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019
