YAZLIN'S POV
Ilang buwan na din ang nakalipas. Nasa FC si Yazlin at may tinatapos na photoshoot. Mabilis lang naman iyon natapos at nagbibihis na siya nang tumunog ang telepono niya.
From: Leslie
Hey, let’s meet up.
Simula nang makabalik ito ay hindi pa sila nagkita ng kaibigan. Kapag tinatawagan naman niya ang babae ay lagi naman itong busy. Himala yata at gusto nitong makipagkita.
To: Leslie
Sure. Now?
From: Leslie
Yes, here at ***** café.
To: Leslie
Okay. Be there in 30 mins.
Dumiretso siya sa café na sinabi ni Leslie pagkatapos niya sa FC. Nakita naman niya ito agad pagpasok. Sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap.
“I missed you!” Sabi ni Leslie. Nakakatampo din ang kaibigan niya dahil sa tagal nitong nakabalik ay ngayon lang ito nagpakita.
“Himala ha at di ka busy,” sarcastic niyang sabi. Ngumiti lang naman ito. Kumunot ang noo niya. Alam niya agad na may problema ang kaibigan. “What’s the problem?”
Nagdalawang isip pa ito kung sasabihin ang problem o hindi ngunit pinili nito ang una. Nagkwento ang babae tungkol sa pamilya nito. Nagulat siya nang nasabi din nito ang tungkol sa dating kasintahan ng babae. Magkasama ito ngayon at kung sino man lalaking iyon. Nalaman nito na mahal pa ng dalawa ang isa’t-isa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din pwede magsama ang dalawa.
Hinayaan niya lang ang kaibigan na magsabi sa problema nito. Grabe din pala ang pinagdadaanan nito. Napatigil ito sa pagsasalita nang may tumawag sa telepono niya.
“Hey, Love.” Bati niya nang sinagot ang tawag ng nobyo.
“Where are you?” Seryosong tanong nito sa kabilang linya. Mukhang may problema ang binata.
“I’m with Leslie,” kilala nito ang kaibigan. Nasabi niya ang tungkol sa babae nang maghanap sila ng condo para kay Leslie.
“Hindi kita masusundo ngayon. Nasa hospital ako ngayon…” Humina ang boses nito na parang maiiyak. Napatayo siya sa upuan at napatingin naman sa kanya ang kasama. Nasa hospital si Arvin? Kinabahan agad siya.
“What happened? Are you okay? Pupunta ako diyan,” she panicked.
“I’m fine, Love. Don’t worry about me. Si mommy sinugod sa hospital,” ani Arvin.
“Anong nangyari?” Tanong niya.
“Hinihintay pa namin ang doktor,” sagot ng kabilang linya.
“Pupuntahan kita diyan,” gusto niyang makasama ang nobyo ngayon.
“Mas mabuti ng wag na, Love. Alam mo naman si mommy na…” hindi nito tinapos ang sasabihin. Para naman tinadyakan ang puso niya. “Hintayin mo nalang ako sa condo, okay?”
“O-Okay,” malungkot niyang sagot sa binata.
“I love you,” Arvin.
“I love you, too.”
Nang maputol ang tawag ay nagtanong agad si Leslie kung ano ang problema. Sinabi ko naman dito ang tungkol sa mama ni Arvin. Ilang sandali ay hinatid siya ng kaibigan sa condo. Hindi naman nagtagal ang kaibigan ay umalis na din.
Nang makapasok sa condo niya ay katahimikan ang sumalubong sa kanya. Gusto niyang puntahan ang nobyo sa hospital ngunit hindi pwede. Baka ano pa ang mangyari sa mommy nito kung makita siya. Wala siyang kwentang nobya. Dapat nasa tabi siya ngayon ni Arvin lalo na at may pinagdadaanan ang binata.
Pumasok siya sa silid niya para magbihis at nahiga sa kama. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Alas dyes na ng gabi nang magising. Lumabas siya ng silid at nilibot ang paningin sa loob ng condo. Wala siyang makita kundi kadiliman at katahimikan.
Naglakad siya palabas at pumunta sa condo ng nobyo. Pinindot niya ang passcode at pumasok ngunit kadiliman at katahimikan din ang sumalubong sa kanya. Hindi pa nakauwi ang binata. Bumalik nalang siya sa sariling condo at tinawagan si Arvin. Nakailang tawag na siya ngunit hindi ito sumasagot. Bumalik nalang siya sa pagkahiga at ipinikit ang mga mata. Itutulog nalang niya ang kalungkutang nararamdaman.
Nagising siya kinabukasan na parang binabaliktad ang sikmura. Napatakbo siya sa CR at sumuka sa sink. Wala naman siyang kinain kagabi. Nang matapos sa pagsusuka ay nilinis niya ang sarili.
Kinuha niya ang kanyang telepono at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Tiningnan niya ang cellphone ngunit ni isang text doon galing sa nobyo ay wala. Tinawagan niya ulit ang binata ngunit hindi pa din ito sumasagot. Napabuntong hininga at ibinaba ang telepono. Nag prepara siya dahil may importante siyang photoshoot ngayon.
-
-
-
“Are you okay? You looked pale,” komento ni Phillip nang makapasok siya sa silid kung saan gaganapin ang photoshoot.
“Yes, medyo hindi lang maganda ang gising ko.” Umupo siya sa isang upuan habang nakatayo ang lalaki sa harap niya.
“Let’s cancel the shoot today if you are not feeling well,” nag-aalalang sabi nito.
“I’m really fine,” ngumiti siya sa kausap.
“Are you sure?” Tumango siya bilang sagot sa lalaki. “Okay, if you say so.”
Sakto naman na lunch time nang matapos ang photoshoot. Nakaramdam siya ng pagod. Sinabihan sila ng isang staff na dumating na ang pagkain na inorder nila ni Phillip. Good because she is starving. Nang makalapit sila lamesa kung nasaan ang mga pagkain ay napanganga si Phillip sa madaming pagkain inorder niya.
“Are you sure sa iyo lang iyan?” Tanong nito habang nakatingin sa pagkain niya. Nag-order siya ng beef steak, tatlong kanin, limang piraso ng fried chicken at spaghetti.
“Gutom na gutom talaga ako,” napailing nalang ang lalaki habang nakatingin pa din sa kanya na kumakain na.
“Daig mo pa ang buntis,” napatigil siya sa sinabi nito.
Hindi kaya buntis siya? Ngayon lang niya napansin na late ang dalaw niya. Ang pagsusuka niya kaninag umaga at natatakam siya sa mga pagkain na hindi naman niya madalas kinakain.
Nang matapos ang shoot kay dumeritso siya sa isang malapit na pharmacy at bumili ng pregnancy test. Bumili siya ng tatlo para sigurado. Nagmamadali siyang pumunta sa banyo nang makauwi at binuksan ang pregnancy test. Kinakabahan siya habang naghihintay sa resulta.
Tumulo ang luha niya sa tuwa nang lumabas ang dalawang pulang linya. Tiningnan niya ang dalawang pregnancy test at pareha lang ng resulta. Positive. She is pregnant. Magkakaanak na sila ni Arvin. Hindi niya masukat ang sayang nararamdaman.
-
-
-
“Congratulations! You are three weeks pregnant,” napahawak siya sa tiyan. Nasa isang OB-gyne sa ******** hospital siya.
Kahit alam niyang buntis siya ay nagpatingin pa din para masigurado. Hindi pa niya nasasabi sa kanyang ama at kapatid tungkol sa pagbubuntis niya. Gusto niyang si Arvin ang unang makakaalam.
Nakaramdam siya ng lungkot nang maalala ang nobyo. Ilang araw na silang hindi nagkikita. Ni walang text or tawag man lang. Naintindihan naman niya ang binata. Malaki ang pinagdadaanan nito ngayon.
Nang matapos ay nagpaalam siya sa doktor. Naglalakad na siya sa hallway ng hospital habang hawak ang tiyan niya. Three weeks na din pala ang baby niya. Napangiti siya sa saya. Alam niyo iyong pakiramdam na may isang buhay sa loob mo na mas mahalaga pa sarili o kahit kanino man. Kapag nalaman ni Arvin ang tungkol sa baby nila ay siguradong matutuwa iyon.
Napahinto siya sa paglalakad nang may napansin pangalan ng pasyente na nakasabit sa pinto ng isang kwarto. Marta Villanueva. Lumapit siya sa pinto at sinigurado kung tama ba ang pagbasa niya sa pangalan. Dito naka-confine ang mama ni Arvin? Nandito ngayon ang binata.
Nakaramdam siya ng takot. Baka makita siya ng ina ng nobyo at ano pa ang mangyari dito. Kinamumuhian pa naman siya ng ginang ngunit desperada na siyang makita at makausap ang binata. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura. Sisilipin lang niya kung sino ang nasa loob. Napahinto siya sa pagbukas ng pinto nang marinig ang mga boses sa loob na parang nagtatalo.
“Mom, please. You need to do it!” Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa pinto nang marinig ang boses ni Arvin.
“You need to undergo chemotherapy, Marta.” Boses naman iyon ng ama ng nobyo. Chemotherapy? Hindi ba para lang iyon sa may cancer? May cancer ang mama ni Arvin? Pinagpapawisan ang mga kamay niya.
“I know pero hindi ako magpapa-chemo kung hindi susundin ni Arvin ang request ko,” Tita Marta.
“But that’s bullshit!” Arvin sounds frustrated. What request?
“Mom, don’t do this to kuya.” Narinig niya ang boses ni Alexa.
“Mahirap ba ang huling kahilingan ko? Ang gusto ko lang naman pakasalan mo si Nadine,” nabitawan niya ang seradura. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa sa narinig.
Gusto ng mama ni Arvin na magpakasal ang binata at Nadine? Ganoon na ba talaga siya kinamumuhian ng ginang na kahit sa huling hiling nito ay pilit pa din silang pinaglalayo ng nobyo? Tumulo ang luha niya habang napahawak sa tiyan niya. Kapag magpapakasal si Arvin kay Nadine ay paano na sila ng anak niya? Wasak ang pusong nilisan niya ang hospital.
Kailangan ba talagang umabot sa ganito? Kailangan ba talagang mangyari ito ngayon na nagbunga ang pagmamahalan nila ni Arvin? Mahal na mahal niya ang binata. Gusto niyang ipaglaban ang pagmamahalan nilang dalawa ngunit paano niya ipaglalaban iyon kung buhay naman ng ina nito ang kapalit.
Sa mansion siya umuwi. Ayaw niyang umuwi muna sa condo. Nakita niya ang kanyang ama at kapatid sa sala pagpasok niya. Sabay na kumunot ang noo ng dalawa nang makita siya.
“Napadalaw ka?” Tanong ni Rozel. Hindi niya ito sinagot at lumapit sa ama para humalik sa pisngi nito.
“Akyat lang po ako sa kwarto. I want to rest,” nakita niyang nagkatinginan ang dalawa bago siya tuluyan makaakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
Humiga siya sa kama at doon inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali na parang pinahihirapan siya. Mali bang magmahal?
ARVIN'S POV
Nasa garden ng hospital si Arvin para magpahangin. Galit na galit siya sa hiling ng kanyang ina. Kailangan ba talagang hilingin nito na pakasalan niya si Nadine? Hinding-hindi iyon mangyayari. Paano nalang si Yazlin? Mahal na mahal niya ang nobya at hindi niya maatim na saktan ulit ang dalaga.
Kinuha niya ang telepono para tawagan si Nadine. Gusto itong makita ng kanyang ina. Hindi naman niya masisisi ang ina dahil malapit ito sa dati niyang kasintahan. Hindi niya malilimutan ang kasiyahan sa mukha ng ina nang ipinakilala niya dito si Nadine bilang kasintahan niya.
“Hello?” Sabi ni Nadine sa kabilang linya.
“Hey, sorry to disturb you.”
“Okay lang. Napatawag ka?” Halatang hindi ito komportable na makipag-usap sa kanyan.
“Are you busy?” Tanong niya.
“No. Why?”
“Can you come here at ******** hospital?” aniya.
“O-okay.”
“I’ll wait for you, thank you.”
Napatayo siya sa tapat ng hospital at hinihintay ang pagdating ni Nadine. Hindi naman nagtagal ay nakita niya ang sasakyan nito. Lumapit siya sa kotse ng babae.
“Anong ginagawa natin dito?” Tanong nito nang makababa ng sasakyan. Hindi niya ito sinabot at naglakad sila papasok sa hospital.
Kanina pa ito nangungulit kakatanong kung bakit sila nasa hospital. Napahinto ito sa pagsasalita nang nasa tapat sila ng pinto. Kumunot ang noo ng kasama nang makita ang pangalan ng kanyang ina doon. Binuksan niya ang pinto at sabay silang pumasok. Tulog na ang kanyang ina. Lumabas naman saglit ang kanyang ama habang si Alexa ay nasa trabaho. Hindi naman kasi pwedeng iwan nito ang kompanya.
“W-What happened to Tita?” Nauutal na tanong ni Nadine.
“She has cancer. Stage 2,” napasinghap ang babae sa sinabi niya. Lumapit ito sa natutulog na ginang sa hinaplos ang buhok nito.
Pinagmamasdan niya ang dating kasintahan. Naging mabuti itong nobya sa kanya. Hindi lang talaga sila para sa isa’t-isa. Maganda ito, mayaman, mabait at maalaga. Kahit sinong lalaki ay magugustuhan ito maliban sa kanyan. Si Yazlin lang ang nagmamay-ari ng puso niya.
“She need to undergo chemo,” tumingin ito sa kanyan. “Papayag lang siya sa isang kondisyon.”
“What?” Naghihintay ito sa sagot niya. Nagdalawang isip siya kung sasabihin ba niya o hindi. Pinili niyang ipaalam sa dalaga ang kondisyon ng kanyang ina.
“She wants us to get married.”
-
-
-
Gabi na at kompleto silang lahat sa hospital. Ang kanyang ama, si Alexa at pati na din si Nadine. Gising na din ang kanyang ina at kanina pa ito tawa ng tawa habang kausap si Nadine.
Ilang linggo na din sila sa hospital. Halos buong araw siyang nandito. Ayaw kasi ng kanyang ina na umalis siya. Gusto nito na siya mismo ang magbabantay. Ilang araw na din siyang hindi nakatawag kay Yazlin. Naubos lang ang lahat ng oras niya sa kanyang ina.
Lumabas siya ng silid at pumunta sa garden ng hospital para tawagan ang nobya. Hindi man lang niya ito nakukumusta. Nakailang tawag na siya ngunit hindi ito sumasagot. Baka tulog na ang dalaga at medyo late na din.
“Arvin…” napatingin siya nang magsalita si Nadine sa likod niya. “Magpapaalam lang ako,” tumango siya sa kaibigan.
“Hatid na kita sa kotse mo,” sabay silang naglakad patungo sa parking lot kung nasaan ang sasakyan nito.
“Kumusta na pala kayo ni Yazlin?” Tanong nito.
“Okay naman,” tipid niyang sagot. “Thank you pala sa pagpunta dito. Ngayon ko lang nakita si mommy na masaya simula nang ma-hospital siya.”
“Sure. Babalik ako bukas dito. Wala din naman akong gagawin para din naman makakapagpahinga ka sa pagbabantay,” nagpapasalamat siya sa kaibigan. Nang marating nila ang kotse nito at nagpaalam ito at umalis na din.
Isang buwan na sila sa hospital. Si Nadine ay araw-araw dumadalaw. Katulad ngayon na masayang nagkwentuhan na naman ang dalawang babae. Nakikisali din si Alexa. Napatingin sila sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang kanyang ama na may dalang mga pagkain.
“Perfect! I’m starving,” natawa ang kanyang ama kay Alexa. Inayos ng kapatid ang mga pagkain. Nanonood lang siya ng telebisyon habang hinihintay si Alexa matapos sa ginagawa.
“When will be the wedding?” Napahinto silang lahat nang magtanong kanyang ina.
Napatingin siya sa mukha ng ina na excited habang hinihintay ang sagot mula sa kanya. Parang tinusok ng libu-libong karayom ang puso niya. The wedding again. Napatingin siya sa babaeng kaibigan. Malungkot din itong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
“Ehem, kain na.” Pinutol ni Alexa ang tensyon na bumabalot sa kanila. Nagpasalamat siya sa kapatid at lumipat doon ang atensyon ng ina.
Nasa garden silang dalawa ni Nadine.
“Nad…” tawag niya sa katabi.
“Hmm?”
“About the wedding…” ang bigat sa loob banggitin ang salitang iyon. “What about we should give it a try for mo---”
“No.” Putol ng babae sa sasabihin niya.
“What?”
“I said no. I don’t want to do it or give it a try,” mariing saad nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
“Hindi ko na alam kung paano kumbinsihin si mommy na mag chemo,” pagod niyang sabi. Wala siyang ibang pagpipilian kung gusto niyang makumbinsi ang ina na magpagamot. Hindi naman niya hahayaan na nilulugmok ng sakit ang kanyang ina.
“I know you are tired, pero kailangan ba talagang masaktan siya ulit?” Parang piniga ang puso niya nang makuha kung sino ang tinutukoy nito. “She suffered a lot because of us, because of me.”
He was such an asshole. Paano niya maatim isipin na pakasalan ang ibang babae habang si Yazlin ay naghihintay sa kanya? Nangako siya sa sarili na hinding-hindi na niya ito sasaktan pa ngunit ngayon ay muntik ng masira ang pangakong iyon.
“Nagkahiwalay kayo noon ng dahil sa akin. Ayokong masira ang relasyon niyo ngayon ng dahil na naman sa akin,” naliwanagan siya sinabi nito. Mahal na mahal niya si Yazlin. Wala siyang ibang mamahalin at papakasalan kundi ang nobya lang.
“Thank you, Nad. After what happened between us, you are still here.” Madamdamin niyang sabi sa dating kasintahan. Ngumiti naman ito sa kanya.
“Wag kang mag-aalala at tutulungan kita kay Tita. I will talk to her. Gusto ko din naman bumawi kay Yazlin.” Mahina siyang tumawa.
Babawi din siya sa nobya dahil isang buwan na niya itong hindi nakikita. Miss na miss na niya ang dalaga.
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romance#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019