ARVIN'S POV
Dumating na ang araw na pinakahihintay. Ang kasal nila ni Yazlin. Nasa simbahan sila. Hindi siya mapakali habang hinihintay na magsimula ang seremonya. Ang bride nalang ang hinihintay. Kinakabahan siya habang nakatayo sa may altar. Ganito pala ang pakiramdam kapag ikakasal. Masaya na may kaba.
“Chill, bro.” Natatawang sabi ni Rozel sa tabi niya. Ito kasi ang best man niya.
Simple lang naman ang kasal. Mga kamag-anak at kaibigan lang ang imbitado. Ayaw kasi ni Yazlin ng engrandeng kasal kahit na ang pamilya ng dalaga ang pinakamayaman sa buong mundo. Rozel is his best man. Nadine is the maid of honor. Leslie, Alexa and Jewel are the bridesmaid. Xander and Ice are the groomsmen.
“Sisiputin ka ng kapatid ko,” ani Rozel. Inayos niya ang suot na tuxedo. Mas lalo siyang kinabahan.
Lumapit sa kanila ang nakangiting si Alexa. Nawala naman ang ngisi sa mukha ni Rozel. Mukhang hindi pa ayos ang dalawa.
“Finally, kuya! This is it,” masaya nitong sabi na hindi man lang tinapunan ng tingin ang katabi niya. Rozel tsked.
Ito na ang simula ng panibagong pahina sa buhay nilang dalawa ni Yazlin. Bilang mag-asawa. Hindi pa din siya makapaniwala na papakasalan na niya ang nag-iisang babaeng mamahalin niya.
“Hoping my sister will change her mind,” bulong ni Rozel na tama lang na umabot sa pandinig namin magkakapatid.
“Wag ka ngang nega diyan,” sabi ni Alexa.
“I wasn’t talking to you. Who are you again?” Seryosong sagot ni Rozel sa kapatid. Nakita naman niyang bumalatay ang sakit sa mga mata ng kapatid ngunit agad din naglaho.
“May pa “who are you” ka pa diyan. Noon nga umikot ang mundo mo sa akin,” natatawang sabi ni Alexa ngunit halatang peke iyon.
“That was the biggest mistake of my life,” ani Rozel na hindi nakatingin sa kapatid na para ba nandidiri. Namuo naman ang luha sa mga mata ng kapatid ngunit halatang pinipigilan nitong tumulo ang mga iyon. Tumikhim siya para mabaling ang atensyon ng dalawa.
“This is our day, people. Don’t ruin it for us,” binigyan siya ng pilit na ngiti ng kapatid bago umalis. Napatingin naman siya sa katabi at nagkibit balikat lang ang kaibigan.
Napaayos silang dalawa ni Rozel sa pagkakatayo nang tumunog ang kampana ng simbahan hudyat na dumating na ang bride. Ang kabang nararamdaman niya kanina ay dumoble pa. Sumenyas sa kanila ang wedding coordinator.
Nagsimulang tumugtog ang kantang pinili nilang dalawa ni Yazlin para sa araw na iyon. Unang naglakad si Rozel, kasunod siya kasama ang kanyang mga magulang. Pinayagan ang kanyan ina sa doktor nito na makalabas ng hospital para dumalo sa kasal niya. Nang makarating sa altar ay hindi siya mapakali sa sobrang excited na makita ang bride. Napaayos siya nang maglakad ang maid honor, bridesmaid, bago ang bride.
Umakbay sa kanya ang nakangising si Rozel nang bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Parang tumigil ang mundo niya nang masilayan ang babaeng pinakamamahal niya. Nakatingin ito sa kanya habang dahan-dahang naglalakad sa aisle kasama ang ama ng dalaga. Tumulo ang kanyang mga luha dahil sa saya. Wala siyang ibang nakikita kundi ang nobya lang.
Ngumiti sa kanya si Yazlin nang tuluyan makalapit. Binigay naman ng ama nito ang isang kamay ng dalaga na puno ng pagmamahal niya naman tinanggap iyon.
“Take care of my daughter,” nakangiting sabi ng ama ng dalaga.
“I will, sir.” Arvin.
“Dad,” pagtatama ng daddy ni Yazlin.
“Dad.” Lubos na sayang sabi niya.
Inalalayan niya ang dalaga sa altar. Madaming sinabi ang pari ngunit nasa katabi ang kanyang buong atensyon. Madami ang nangyari sa kanilang dalawa ngunit sino ang mag-aakala na sila pa din dalawa sa huli.
Unang kita niya pa lang kay Yazlin ay agad siyang nabighani. Tahimik, seryoso at wala itong pakialam sa paligid. Kahit na binansagan ito bilang “Campus Snob” noon ay hindi ito naging hadlang sa kanya para mahalin ang dalaga dahil kung makilala lang ito ng mabuti ay makikita kung gaano kabuti ang puso nito.
Lumaki ito nang may problema sa pamilya. Hindi madali ang pinagdaanan ng dalaga at ng pamilya nito. Nang maghiwalay sila noon at pinili niya ang kanyang pamilya dahil ayaw niyang masira ang pamilyang inaalagaan ng kanyang ina ngunit hindi niya naisip na ang pamilyang kinalakihan ng nobya ay matagal ng sira dahil sa kanila.
Nasaktan niya ng lubos ang dalaga ngunit pinatawad at tinaggap siya ulit sa buhay nito. At ngayon ay pinapangako niya sa harap ng Dios na hindi na niya ito hahayaang masaktan ulit.
“Do you, Arvin, take Yazlin as your lawful wife to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?” Tanong sa kanya ng pari. Tumingin siya sa babaeng nasa harap niya ng buong pagmamahal.
“I do,” tumulo ang luha ng kaharap. Nakangiting pinunasa niya ang mga iyon.
“Do you, Yazlin, take Arvin as your lawful husband to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?” Tanong ng pari sa dalaga.
“I do,” Yazlin.
“I now pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride,” ito ang pinakahihintay niyang sabihin ng pari.
He lovingly stared at his wife and gently kissed her lips. Nagpalakpakan naman ang mga tao. She is official Mrs. Villanueva.
YAZLIN'S POV
Nasa reception silang lahat. Masayang nag-uusap ang mga kamag-anak nila. Nasa iisang lamesa ang pamilya niya at ang pamilya ni Arvin. Nagkakasundo naman ang mga ito. Masaya siya kahit pagod sa araw na ito. Hindi pa din siya makapaniwala na simula ngayon ay siya na si Yazlin Del Valle-Villanueva.
Humikab siya nang makaramdam ng antok. Lumapit naman sa kanya si Arvin at inalagay ang isang kamay nito sa bewang niya.
“Sleepy already?” He sweetly asked. She leaned her head on his shoulder. Hinalikan naman nito ang kanyang ulo. Tumango siya bilang sagot sa tanong ng binata.
Ilang sandali ay naglakad siya para lumapit sa lamesa kung saan nakaupo si Phillip. Si Arvin naman ay nasa lamesa ng mga kaibigan nito. Binigyan naman siya agad ng ngiti ng dating boss nang makalapit.
“Congratulations,” sabi nito.
“Thank you. Mabuti at nakadalo ka,” aniya.
“Malakas ka sa akin,” natawa siya sa sinabi nito. “Maghihirap na ang FC kasi wala kana.”
“Sa yaman mong iyan maghihirap? I doubt that. I heard nag signed ng contract si Leslie sa FC?”
Nagulat siya nang sabihan siya ng kaibigan na hindi na din ito babalik sa Europe. Ngunit ang mas nakakagulat ay nang malaman niya na magkasintahan ito at si Ice. Si Ice pala ang tinutukoy nitong dating kasintahan.
“Yes, she is good. Nakailang photoshoots na kami,” syempre magaling talaga si Leslie. Mas matagal na din ito sa pagmomodelo kesa sa kanya.
Magsasalita pa sana siya nang dumaan si Nadine sa harap nila at nalipat ang atensyon ng kausap dito. Nakasunod ang tingin ng kausap sa babae hanggang sa lumiko ito patungong restroom.
“Excuse me,” tumayo si Phillip at naglakad din papuntang restroom.
“Hey,” napalingon siya kay Arvin nang magsalita ang huli. Inalalayan siya nitong tumayo at inakay patungong veranda.
“Anong gagawin natin dito?” Tanong niya.
“Gusto lang kita masolo,” paglalambing ng asawa. Yup, he is my husband now.
“Naglalambing ang asawa ko,” natatawa niyang sabi.
“Sarap naman pakinggan iyong asawa ko,” yumakap ito mula sa likod. “You are now officially mine. Wala ng makakaagaw,” mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap.
“Bakit meron ba?”
“Madami diyan sa tabi-tabi,” Arvin. Napailing nalang siya sa sagot nito. “Love…”
“Hmm?”
“I’m excited for the honeymoon later,” pilyo nitong sabi. Namula ang kanyang mukha. Tinampal niya ang braso nito na nakayakap sa bewang niya.
“Ang bastos mo,” ito naman ang natawa sa reaksyon niya. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.
“I love you so much. Tonight is the beginning of a new chapter in our lives,” humarap siya sa binata at hinawakan ang mukha nito.
“As husband and wife,” she lovingly said. Ngumiti ang kaharap.
“As husband and wife,” pag-ulit nito sa sinabi niya.
Kusang pumikit ang kanyang mga mata nang inalapit ng binata ang mukha hanggang sa naramdaman niya ang mga labi nito sa kanya.
Yes, as husband and wife. No one can change that now.
----END----
![](https://img.wattpad.com/cover/85406041-288-k855630.jpg)
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romance#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019