ARVIN'S POV
“Nagkausap kayo ni Nadine?” Pagkaklaro niya sa sinabi ng dalaga.
Nasa condo siya ni Yazlin nakahiga sa kama. Nawala bigla ang kalasingan niya. Madaling araw na ngunit hindi pa din sila dinadalaw ng antok. Nakaunan ang dalaga sa isang braso niya habang ang isa naman ay nakayakap sa bewang nito.
Hindi pa din siya makapaniwala na pagmamay-ari niya ulit ang dalaga. Sisiguraduhin niya na hinding-hindi niya hahayaan na magkakahiwalay pa sila ulit. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap na para bang mawawala ito ano man oras.
“Yeah, she was heartbroken.”
Na-guilty naman siya. Kahit hiwalay na sila ng babae ay kaibigan pa din niya ito. Madami na itong nagawa para sa kanya. Ngunit kahit pilitin man niya ang sarili na mahalin si Nadine, si Yazlin pa din ang laman ng puso niya at hindi na magbabago iyon.
“You should talk to her,” pagpatuloy ni Yazlin. Ang bait talaga nito. Kahit na dating kasintahan niya si Nadine at isa ito sa gumawa ng paraan para magkasira sila noon ay inaalala pa din ito ng dalaga.
“I should give her some space for a while,” tumingala ito sa kanya para magpantay ang paningin nila. Nakahilig kasi ito a dibdib niya. “Alam kong nasasaktan siya sa nangyari sa amin pero hindi ko naman mapipilit ang sarili ko na mahalin siya.”
“Na-gi-guilty ako. Masaya tayo habang may nasasaktan,” malungkot na saad ni Yazlin.
“It’s not our fault. We love each other,” pang-aalo niya dito. Ngumiti naman ito. “Let’s just savor this moment. Okay?”
“Okay,” humilig ito ulit sa dibdib niya. Wala na siyang ibang mahihiling pa. Kasama na niya ngayon ang babaeng pinakamamahal niya.
“Love,” mahina niyang tawag dito.
“Hmm?”
“I love you. What happened before will never happen again. I promise to you, hinding-hindi na kita sasaktan,” madamdamin niyang sabi sa dalaga.
“I love you too, Love.” Buong puso niyang hinalikan ito. Nakatulog sila na yakap ang isa’t-isa habang may ngiti sa mga labi.
Maaga siyang nagising kinabukasan. Napatingin siya sa babaeng nakayakap sa bewang niya. Himbing na himbing ito sa pagtulog. Napangiti at hinalikan ito sa noo bago tumayo. Tumingin siya sa orasan na nasa lamesa malapit sa kama. 8:00 AM.
Lumabas siya ng silid ni Yazlin at dumiretso sa kusina para maghanda ng agahan. Ipaghahanda niya ang nobya. Binuksan niya ang ref at kumuha ng mga pagkain at inahanda niya iyon para lutuin. Bumalik siya sa silid para kunin ang cellphone at may tinawagan.
Ilang sandali ay bumalik siya sa kusina at nagsimula nang magluto. Hindi naman nagtagal ay tapos na siya. Sakto naman may kumatok sa pinto. Binuksan niya iyon at nakita ang delivery boy na may dalang isang kumpol ng bulaklak. Naalala niya kasi noon na tuwing binibigyan niya ng bulaklak si Yazlin ay nagniningning ang mga nito. Ibibigay niya lahat na makakapagpasaya sa dalaga.
Inayos niya ang mga pagkain at bulaklak at naglakad siya papasok sa silid kung saan ang dalaga. Sakto naman gumalaw ang nobya nang tuluyan siyang makapasok. Kinapa nito ang side na kung saan siya natulog. Kumunot ang noo nito at napadilat.
“Good morning, Love.” Magiliw niyang bati. Binaba niya ang mga pagkain sa kama at lumapit sa babae para halikan ang noo. Namula naman ang mukha ng nobya.
“Good morning,” napatingin ito sa mga pagkaing dala niya.
“Breakfast in bed,” ilagay niya ang mga pagkain at nilagay sa harap ng dalaga. Inabot niya dito ang kumpol ng bulaklak. “For you.”
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romance#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019
