Chapter 2

94 6 0
                                    

YAZLIN'S POV

Nasa piano room si Yazlin malapit sa CBA building. Halos isang oras na siyang nakatayo sa harap ng piano. Ni hawakan iyon ay hindi niya magawa. Bata pa lamang si Yazlin ay hilig na niyang tumugtog ng piano. Nakuha niya sa kanyang ina ang talentong iyon. Nang mamatay ito ay nangako siyang titigil na sa pagtugtog o kahit hahawak man lang ng kahit anong instrumento.

Ilang sandali ay naglakad siya patungong pinto. Hindi pa siya nakalapit ay bigla nalang iyong bumukas ay iniluwa ang isang pamilyar na lalake. Nagulat si Yazlin nang makilala kung sino ang lalake at mukhang ganoon din ito pagkakita sa kanya.

"What a surprise," sabi nito.

Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa. Simple lang ang suot nito pero bagay iyon sa binata. Maputi, matangos ang ilong nito at medyo singkit ang mga mata. Ang mga labi naman nito.... napatitig siya sa mapupulang mga labi ng kaharap.

"You like the view, Ms. Del Valle?" nakangisi nitong tanong.

Ramdam ni Yazlin na namumula ang buong mukha dahil sa kahihiyan. Iniwas niya ang tingin mula sa binata. Bakit ba lagi nalang siyang napapahiya kapag kaharap ito? Dali-dali siyang lumabas ng pinto nang hindi lumilingon.

ARVIN'S POV

Nakangiti parin si Arvin kahit kanina pa nakaalis si Yazlin. Hindi niya inaasahan na ganoon ang reaksyon ng dalaga pagkakita sa kanya. Inakala niya ay susungitan na naman siya tulad nangyare kahapon. Mas lalong lumawak ang ngiti niya nang maalala ang namumulang mukha ng dalaga.

Sa CBA building ang huling klase ni Arvin. Pababa na siya nang makita niya si Yazlin na nakatayo sa harap ng silid na iyon. Hindi na niya sana papansinin pero nang makita niya ang mukha nito na nag-aatubiling pumasok ay na-curious siya.

Umupo siya malapit sa kinaroroonan ng dalaga kung saan hindi siya nito mapapansin. Pinanood niya ito hanggang sa makapasok na nang tuluyan.

Matiyagang hinintay ni Arvin sa labas ang dalaga ngunit lumipas ang isang oras nang hindi parin ito lumalabas ay nag-alala na siya at baka kung napano na ang dalaga sa loob. Plano lang sana niya ay sumilip sa loob para malaman kung ayos lang ba ito ngunit pagbukas niya ng pinto ay laking gulat ni Arvin nang makitang nakatayo doon si Yazlin.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid. Makintab ang sahig at walang ibang gamit na naroon maliban sa piano. Lumapit si Arvin sa nag-iisang intrumento doon. Halatang hindi nagalaw iyon. Walang mahilig sa musika sa kanilang pamilya kaya hindi makakakita ng kahit anong instrumento sa bahay nila.

Parang baliw si Arvin habang naglalakad patungo sa basketball court. Hindi parin maalis ang ngiti sa mga labi niya. Kumawala ang isang mahinang tawa. Nababaliw na yata siya kakaisip sa dalaga.

"Oy," ani Rozel nang makalapit si Arvin sa mga kaibigan. Si Ice naman ay tumango lang. Napailing nalang siya. Si Ice at Yazlin ay magkatulad ng ugali dahil parehong seryoso ang mga ito.

"May improvement si Xander," tumingin siya sa korte kung nasaan si Xander nang marinig niya ang sinabi ni Rozel.

"Diyan lang naman siya magaling pero kawawa pagdating sa babae," tumawa sila sa sinabi na iyon ni Ice.

Tama ang kaibigan sa sinabi nito. Isang babae lang naman yata ang kilala niya na may gusto kay Xander. Si Alexa. Hinanap ng mga mata niya ang kapatid niya. Lagi itong nanonood ng mga practice ng kaibigan niya. Bingo! Nakaupo ang kapatid niya sa kabilang upuan.

Napailing siya nang makita ang seryosong mukha nito habang matamang nakatingin kay Xander. Si Alexa mismo ang nagsabi sa kanya tungkol sa nararamdaman nito sa kaibigan niya.

THAT THING CALLED LOVEWhere stories live. Discover now