ARVIN'S POV
Tatlong araw nang hindi nakikita ni Arvin ang nobya. Hindi naman sinasagot ng babae ang kanyang mga tawag. Pinuntahan na din niya ito sa bahay ngunit wala doon si Nadine sabi ng mga katulong. Iniiwasan siya ng dalaga at naiintindihan niya kung bakit.
Alam niyang nakikinig si Nadine nang gabing nag-usap sila ng dating nobya. Nasaktan niya ito ngunit wala siyang magawa dahil hanggang ngayon ay gulong-gulo pa din ang kanyang isip. Mahal pa din niya si Yazlin.
Lumabas siya ng kanyang apartment para sana puntahan ulit si Nadine sa bahay nito. Gabi na at sa ganung oras ay nakauwi na ito galing sa trabaho ngunit napahinto siya nang makita si Yazlin na palabas din ng sariling apartment nito. Lumingon sa kanya ang dalaga.
"Saan ang punta?" Tanong niya.
"Diyan lang sa restaurant sa baba. Kakain," napapadalas yata ang pag kain ng dalaga sa baba. Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya. "Di pa kasi ako nakapag-grocery at isa pa, I don't cook."
"Hindi ka ba nagsasawa sa pagkain sa baba?" Tumawa ito sa tanong niya.
"Nakakasawa na din kaso ayoko nang pumunta sa malayo." Hindi siya kumakain sa baba kasi nakakasawa ang mga pagkain. Marunong naman siyang magluto kaya walang problema.
"Gusto mo dito nalang sa apartment ko ikaw kumain? Hindi ko kasi naubos ang niluto kong adobo kanina," kumislap ang mga mata nito pagkarinig ng ulam. Oo nga pala, paborito ng dalaga ang adobo.
"I couldn't say no to that." Tumawa silang dalawa.
Nang makapasok na sila sa apartment ay pinaghila niya agad ng upuan at pinaupo sa dining table ang dalaga. Kinuha niya ang adobo na nasa ref at nilagay sa microwave para initin. Nakatingin lang si Yazlin sa kanya. Inilapag niya sa lamesa ang ulam nang matapos initin. Kumuha si Yazlin at inilagay sa plato nito.
"Ang sarap!" Masiglang sambit nito nang matikman ang adobo. Para itong bata na nakatikim ng candy. Maganang kumain ang babae.
Nang matapos ay huhugasan sana nito ang pinagkainan ngunit inagaw niya iyon para siya na maghugas. Magrereklamo na sana ito ngunit wala din nagawa. Nanonood nalang ito habang naghuhugas siya.
"How's Alexa?" Tiningnan niya si Yazlin nang magtanong ito.
"Okay naman. Siya na ang namamalakad ng kompanya," ibinalik niya ang atensyon sa hinuhugasang plato.
"Bakit hindi ikaw?"
"I'm managing my firm," iniligay niya ang plato sa lagayan nang matapos maghugas.
"You have your own firm now?" tanong ni Yazlin. Umupo siya sa isang upuan katapat nang dalaga.
"Yes," napangiti ang dalaga.
"That's great, then. Natupad na din ang pangarap mo."
"What about you? Model ka na ngayon," mahina itong tumawa.
"Yeah. I love what I'm doing. Total, nandiyan naman si Rozel namamalakad ng kompanya. Business is really not my thing." Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi pa din ito komportable sa kanya.
"About what happened before, I wanted to say sorry."
"As what I said at the party, I'm not mad." Tumayo ang dalaga. "I have to go. Thank you for the foods."
"You're welcome," hinatid niya ito
YAZLIN'S POV
Nagising si Yazlin sa tunog ng doorbell ng apartment niya. Sino naman kaya ang nag-do-doorbell? Tiningnan niya ang orasan na nasa bedside table. 7:00 AM. Hindi na siya nag-ayos at naglakad patungong front door. Baka ang kapatid lang niya. Kahit kailang talaga ay istorbo ito sa pagtulog.
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romansa#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019
