Chapter 9

43 5 0
                                    

YAZLIN'S POV

Nasa klase si Yazlin habang ang kanyang nobyo ay nasa library ngunit magkikita sila mamaya dahil sabay silang mananghalian. Lunch date daw kumbaga.

Hinawak hawakan niya ang kwintas na bigay ni Arvin habang nakikinig sa guro na nasa harapan. Kinikilig si Yazlin habang naisip ang nangyare kaninang umaga. Bumabawi ang binata. Dapat lang dahi dalawang gabi din siyang natulog na may sama ng loob. Ang hirap kaya nun!

Nang matapos ang klase niya ay pinuntahan niya agad ang nobyo sa library. Magkahawak kamay silang dalawa habang naglalakad palabas. Abot hanggang tenga ang ngiti ni Yazlin. Nilalanggam na nga silang dalawa.

Nasa parking lot na sila nang maputol ang saya na nararamdaman. Nakita nila si Nadine na pababa ng sasakyan nito. Agad naman itong lumapit pagkakita sa kanila. Panira talaga ang babaeng ito. Okay na sana. Perpekto na sana ang araw niya kung hindi lang ito nagpakita.

“Hi, Arvin.” masigla nitong bati sa binata. Ang ganda naman ng ngiti nito sa nobyo niya. Lumipat naman sa kanya ang tingin nito. “Hi,” ngumiti ito na halata naman peke. Bumaba ang tingin nito sa magkahawak-kamay nila.

Kung gaano ka-peke ang ngiti na binigay ng babae sa kanya ay ganoon naman ka-peke ang ginanti niya. Hindi na niya ito binati pabalik. Bastos na kung bastos. Ramdam naman nilang dalawa na hindi nila gusto ang isa’t-isa.

Tiningnan siya ni Arvin dahil sa inasta. She just rolled her eyes on him. Ngayon malalaman ng binata na hindi niya gusto ang “kaibigan” nito.

“Hey,” Arvin.

“Saan ang punta niyo?” may plano pa yatang sumama.

“Mauna na ako sa sasakyan,” hindi na niya hinintay ang sagot ng nobyo at nauna nang naglakad kung saan ang kotse ng binata.

Nakasamasid siya mula sa sasakyan sa dalawang nag-uusap. Ang tagal naman. Ilang sandali lang ay nakita niyang nagpaalam na si Arvin sa kausap.

“What was that?” agad nitong tanong nang makasakay sa sasakyan. Hindi siya tumingin sa lalake. “Love?”

“What?” naiirita na siya.

“Ano iyong kanina?” tanong nito patungkol sa inakto sa harap ni Nadine. Maybe it is time for him to know that I don’t like Nadine.

“Is it not obvious? I don’t like her,” nagulat si Arvin.

“What? Why? She is my friend,” ani nito.

“Pero hindi kaibigan lang ang tingin niya sayo, Arvin.” seryoso niyang sabi.

Hindi agad nakapagsalita ang kausap. Ilang sandali lang ay tumingin ito sa kanya nang may na-realized.

“I got it now. You were mad last night because of Nadine,” mabuti naman at nakuha na nito ngayon. Ang bagal ng utak. “Look Love, Nadine is just my friend. There is nothing going on between us more than that.”

“Can I also do that? Like invite my male friends to have dinner with me? Grocery shopping? You know just the two of us.”

Dahil sa galit hindi na niya alam kung ano ang pinagsasabi. Wala naman siyang ibang kaibigang lalake maliban sa mga kaibigan ng nobyo.

“Don’t you dare!” tumaas ang boses nito.

“Galit ka na? Hindi ko pa nga ginagawa ay galit ka na. Kapag ikaw ang gumawa, hindi ako pwedeng magalit? Because what huh? Because she is your friend? That’s bullshit!” tumaas na din ang boses niya.

THAT THING CALLED LOVEWhere stories live. Discover now