YAZLIN'S POV
“Kung nakita mo lang ang mukha ni Yazlin kahapon, kuya. Kung gaano kahaba ang nguso niya,” sumbong ni Alexa sa kapatid nito.
Nasa lobby silang lahat tumatambay. Sakto naman bakante nila ang oras na iyon. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa monthsary nila ng binata kahapon.
“Ilang beses niya akong nilait. Sabihan ba naman akong masamang tao,” hirit naman ni Xander. “Ang taray ng girlfriend mo, pare.”
“Yeah she is.” Sang-ayon naman ng nobyo ni Yazlin. Ngumuso siya at natawa naman ang binata sabay akbay sa kanya.
“Monthsary niyo pero lahat kami damay,” ani Rozel. Tawa nang tawa silang dalawa ni Arvin habang nakikinig sa mga reklamo ng mga kaibigan.
Lalo na si Rozel na mag-isang nagbuhat sa lamesa kagabi. Si Ice ay pagkain lang daw ang dala. Nag-uusap sila nang mapatingin si Xander sa entrada ng unibersidad nila.
“Nadine?” ani nito habang nakatingin sa isang babaeng naglalakad sa direksyon nila. Napatingin ito sa kumpol nila.
“Xander?” Nagulat ito lalo nang makita pa ang tatlong lalake. “Oh my god! Rozel? Ice?” Yumakap ito sa tatlo. Napatingin naman ito kay Arvin na nakaakbay sa kanya. “And Arvin,” kumikinang ang mga mata nito habang nakatingin sa nobyo.
“Nadine, how are you? Nakabalik ka na pala galing Canada,” Arvin.
“I’m good. Yeah, last week lang. Kayo ba kumusta?” tanong nito para sa apat na lalake pero naa kay Arvin lang ang paningin.
“Okay naman kami,” Rozel. Lumipat ang atensyon ni Nadine kay Alexa na katabi lang ni Rozel.
“OMG! Alexa! How are you?” magiliw nitong tanong kay Alexa.
“Okay naman,” gumanti ng ngiti si Alexa. Bumalik naman ang tingin ni Nadine kay Arvin. Bakit sa nobyo niya ito laging tumitingin?
“Who is she?” turo nito sa kanya. Malawak parin ang ngiti sa mga labi.
Tinanggal ni Arvin ang braso na nakaakbay sa kanya at inilipat sa bewang niya. Tumaas naman ang isang kilay ng kaharap nang makita ang ginawa ng binata.
“This is Yazlin, my girlfriend.” Pagpakilala sa kanya ni Arvin. Kimi naman kumaway si Yazlin. Nag saya ang kalooban niya nang makitang nawala ang ngiti ni Nadine. Halata masyado.
“You have a girlfriend now?” pilit itong ngumiti sa kanya at naglahad ng isang kamay. “Nice to meet you,” tinanggap naman niya ang pakikipag-kamay ng babae.
“What are you doing here?” tanong ni Ice.
“Mag inquire sana ako. Balak ko kasing mag-aral ulit,” Nadine.
“That’s good then,” Arvin. Tahimik lang si Yazlin habang nakikinig sa usapan ng mga kasama.
“I heard ga-graduate na kayong apat,” Nadine.
“Kung makapasa haha,” Xander.
Matanong nga kay Alexa kung sino itong si Nadine. Mukha kasing malapit ito sa apat na lalake. Iba ang pakiramdam niya sa babaeng ito. Malagkit kasi ang mga tingin nito sa kanyang nobyo.
-
-
-Nasa isang restaurant sila habang nag-la-lunch kasama si Nadine. Plano sanang yayain ni Yazlin si Arvin na mag lunch na silang dalawa lang ngunit naunang magyaya ang bagong dating kaya heto siya ngayon, left out sa usapan habang ang mga kasama ay sayang-saya.
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romansa#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019