Chapter 16

24 5 0
                                    

YAZLIN'S POV


Nanonood siya ng telebisyon habang naghihintay kay Arvin makauwi galing trabaho. Naaaliw na siya sa pinanonood nang tumunog ang kanyang telepono. It was a video call from Leslie. Ang babae ang pinakamalapit niyang kaibigan sa Europe. Modelo din ito kagaya niya. Dali dali niyang sinagot ang tawag nito.

“Hi!” Masaya niyang bati sa kaibigan nang makita ang mukha nito. Halatang nasa condo lang ang kaibigan sa kabilang linya dahil na wala ng make up ang mukha nito at nakasuot lang ng pantulog. 

“Oh my god! Now that I see you, I am missing you even more.” Eksaheradang sabi ng kaibigan sa kabilang linya.

“Ang O.A ha!” Natawa naman ito sa sinabi niya. “Napatawag ka?”

“Riri told me na hindi kana mag re-renew ng contract mo. And I was so busy these past few weeks kaya ngayon lang ako nakatawag.”

“Yes, I’m staying here for good, Les.” Ani niya.

“Wala na akong kaibigan dito kung hindi ka babalik,” umakto ito na umiiyak. Kahit kailan talaga ang OA ng kaibigan niya ngunit sanay na siya sa ugali nito.

“Les, you can visit me here anytime.” Nagbago naman ang hitsura nito. Oops! Nakalimutan niyang ayaw ng kaibigan na tumuntong ng Pilipinas. Hindi kasi maganda ang relasyon nito niya sa pamilya.

Leslie is a daughter of Marcial Mondragon, one of the richest people in the world. Ang alam niya ay tumakbo ang ama nito pagka-presidente ng Pilipinas ngunit natalo sa ama ni Ice. Maliban doon ay wala na siyang alam tungkol sa pamilya ng kaibigan. Hindi niya alam kung bakit hindi maganda ang relasyon ni Leslie sa pamilya nito. Matagal na ang babae sa Europe.

“That’s the top reason why I called. I’m coming home,” nagulat siya sa anunsiyo nito. “Not home, home. But you know what I mean,” uuwi ito ng Pilipinas ngunit hindi sa pamilya nito.

“I know what you mean,” ani niya.

“And one thing, could you help me find a condo to buy? I will be staying there for months. Baka may vacant pa diyan sa nabili mo,” Leslie.

“Ang alam ko full na dito pero may kilala akong makakatulong maghanap ng condo. I’m glad na magtatagal ka dito.”

“Yeah. I’m actually working on a new project there right now. I will be starring on a movie!” Napatili silang dalawa ng kaibigan sa saya sa sinabi nito. Natupad na din ang pangarap nito. Matagal na kasing plano ni Leslie na subukan ang pag acting.

“Oh my god! I am so happy for you.”

“Thank you so much. Kaya naman uuwi ako diyan. Sino pala ang kilala mo na makakatulong maghanap ng condo?” Tanong ng kaibigan.

“Kaibigan ng boyfriend ko,” ani niya.

“Boyfriend?!” Nakalimutan niyang hindi pa pala niya nasabi sa kaibigan ang tungkol sa pagbabalikan nila ni Arvin ngunit alam nito ang nakaraan nila ng nobyo. “Who?!”

“It’s Arvin. Nagkabalikan na kami,” tumili ito ng malakas sa kabilang linya.

“Oh my god! You have a lot of chikas when I get there.” Tumawa lang siya.

Ilang minuto lang ay nagpaalam na ang kaibigan pagkatapos nitong sinabi ang araw kung kailan ito darating ng Pilipinas. Naputol na ang tawag nang mapalingon siya sa bumukas na pinto at pumasok si Arvin.

“Sino ang kausap mo? Naririnig ko mula sa labas ang tili mo.” Agad siyang lumapit sa nobyo at humalik sa labi nito. May dala itong mga supot ng pagkain.

“Si Leslie. Kaibigan ko sa Europe. Uuwi kasi siya dito at excited lang ako,” natawa ang binata. Sabay silang naglakad papuntang kusina. Inihanda nito ang mga pagkain. Ang bango! Nagugutom tuloy siya. “Magpapatulong sana ako kay Ice, Love. Baka may vacant pa doon sa building niya para kay Leslie.”

May building kasi na pagmamay-ari si Ice na mga condo na binebenta.

“I will ask him tomorrow.”

-
-
-

Kinaumagahan ay sumama siya kay Arvin sa kompanya ni Ice. Sinabihan siya ng nobyo na pwede naman tawagan nalang ang kaibigan ngunit nagpumilit  siya na puntahan nalang ang lalaki. Gusto din niyang makita si Ice. Naging magkaibigan din sila ng lalaki kahit sa konting panahon.

Nasa loob ng opisina ni Ice sila naghihintay. Nasa meeting pa daw ang lalaki sabi ng sekretarya nito. Ilang minuto lang naman sila naghintay nang sabay silang napatingin ni Arvin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang seryosong mukha ng binata.

“Himata yata at napadpad kayo dito,” ani Ice. Nakatingin ito sa kanya.

“Bawal ba?” Tanong niya.

“Sayo ay hindi pero itong kasama mo, oo. Pina-banned ko siya sa lahat ng properties ko,” hindi niya alam kung nagpapatawa ba ang kausap.

“Baka ikaw at Xander ang banned sa properties ko,” sabi naman ng nobyo.

“Well anyway, anong sadya niyo dito?” Tanong ni yelo. Ngayon lang niya napansin na mas lalong gumwapo ang kaharap.

“Itatanong ko sana kung may bakanteng condo sa building mo,” tumaas ang isang kilay nito sa sinabi niya.

“Ikaw ang bibili?” At kung siya nga ang bibili, kailangan talaga siyang pagtaasan ng kilay?

“It’s not me. Kaibigan ko ang bibili.” Tumango lang ang kausap.

“Right timing. I only have one. Just tell me the name of your friend and ipapa-reserve ko na agad sa kanya iyon,” binuksan ni Ice ang laptop na nasa harap nilang dalawa.

“Her name is Leslie Mondragon,” bigla itong natigilan. Napansin niyang medyo nanginginig ang kamay ng lalaki. “Are you okay?” Napakunot din ang noo ni Arvin habang nakatingin sa reaksyon ng kaibigan nito.

“Y-Yes, I’m okay.” Tumikhim ito at pinagpatuloy ang ginagawa sa laptop. “Okay, I will give it to her.”

“Thank you so much, Ice.” Pasasalamat niya sa lalaki.

“You’re welcome.”

-
-
-

Ilang araw na ang lumipas simula nang puntahan nila si Ice para sa condo ng kanyang kaibigan at ngayon ang araw na darating si Leslie.

Bad trip na siya dahil ang tagal matapos ng photoshoot niya. Madami kasing pinaulit na kuha si Phillip dahil ang pangit daw ng mga larawan. Gusto niya sanang sabihin sa boss niya na kung pwede ay bilisan dahil siya pa naman ang susundo kay Leslie kaso natatakot siyang magbitaw na kahit isang salita dahil kanina pa ito mainit ang ulo at hindi maipinta ang mukha.

“Let’s take a break,” sabi ni Phillip at lumabas ng silid kung saan nagaganap ang photoshoot. Halos dalawang oras na din siyang nasa harap ng camera.

Dali-dali siyang lumapit sa lamesa kung nasaan ang kanyang telepono para tawagan si Leslie. Plano niyang ipapasundo nalang niya ito sa iba. Anong oras na at hindi pa din sila tapos sa photoshoot. Pwede naman siyang humiram sa mga tauhan ng kapatid niya.

Ilang ring lang ay sumagot ang kaibigan.

“Hello?” sabi ni Leslie sa kabilang linya.

“Hi, Les. Sorry at hindi kita masundo. Hindi pa kasi tapos ang photoshoot ko. Ipapasundo nalang kita sa iba,” hindi niya alam kung ano ang maramdaman. Nangako pa naman siya dito na siya ang susundo. Hindi naman kasi niya inakala na tatagal ang photoshoot.

“It’s okay, Yaz.” Wala naman siyang nahimigan na pagtatampo sa boses ng kaibigan.

“Are you okay? Did you land already? Ipapasundo nalang kita sa iba if that is okay with you.” Narinig niyang tumawa ang babae sa kabilang linya.

“Sino? Mga bodyguards mo? Or kay Rozel?” Napanguso siya kahit alam niyang hindi siya makikita ng kausap. “No need, okay? I’m good. I have someone with me.”

“Who?” Sino naman kaya ang kasama nito? Hindi naman ito bati sa pamilya.

“He is not important. I have to go, Yaz. I will call you later.” Hindi na nito hinintay ang sagot niya at pinutol na nito ang tawag. He? Lalaki ang kasama nito?

“Busy ka yata,” sabi ng boses sa likod niya. Nilingon niya si Phillip. Seryoso ang mukha nito habang mataman na nakatingin sa kanya.

“Tinawagan ko lang ang kaibigan ko,” aniya.

“Kaibigan or ka-ibigan?” Napakunot ang noo niya sa turing nito. Ano naman ang ibig nitong sabihin? “Anyway, break time is over. Get back to work.”

Ilang oras pa ang lumipas bago natapos sila ng tuluyan. Naghahanda na siya dahil nasa byahe na si Arvin para sunduin siya. Ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang pagod.

“Ms. Del Valle, can I have a word with you before you go?” Napakunot ang kanyang noo sa pormal na tawag sa kanya ni Phillip.

“Okay?” Nakaramdam siya ng konting kaba sa kung ano man ang sasabihin ng lalaki.

“We signed a contract with you because we thought you are the best, but your performance today was far from the best. If you are busy with something or someone, wag mong dalhin sa trabaho.” Tumalikod agad ito nang matapos sa sasabihin.

Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. Okay naman iyong performance niya kanina sa shoot. Hindi nga niya alam kung ano ang problema ni Phillip doon dahil kahit ang mga tauhan nito nagsabi na maganda ang mga kuha niya.

Hinabol niya ang kanyang boss nang pumasok ito sa opisina. Mukhang hindi sa trabaho niya may problema ang binata kundi sa kanya mismo. Kumatok siya sa pinto ng opisina nito at pumasok.

“Yes?” Seryoso pa din ang mukha nito.

“Do you have a problem with me? Hindi naman siguro tungkol kanina ang problema mo,” matapang niyang sabi dito.

“Ano pa ba ang dapat kong maging problema sayo?” Titig na titig ito sa kanyan.

“I don’t know to you, but I know I did a great job a while ago.” Nagpakawala ito ng mahinang tawa na nagpainit ng kanyang ulo.

“Great? Iyon na ba ang “great” mo? What a disappointment. I expected much more from you.” Alam niyang boss niya ang kausap niya at may kontrata siyang pinirmahan ngunit wala itong karapatan na insultuhin siya.

“I don’t know what your problem is. Yes, I signed a contract with you, but it was also included in our agreement that I can leave any time if I have a problem with your staffs or the company itself. Obviously, the problem here is you. You have no right to insult me.” Nanggagalaiti siyang lumabas sa opisina nito. Hindi niya maintindihan kung ano talaga ang problema nito sa kanya. Maayos naman sila noong huli silang magkausap.

Hindi na niya sinabi kay Arvin ang problema niya sa trabaho dahil baka ano pa ang gawin nito. Sa umpisa pa lang ay ayaw na ni Arvin kay Phillip. Ayaw niyang magkagulo pa ang dalawang lalaki.

Kinabukasan ay wala siyang magawa sa condo ng nobyo. Pumasok na sa trabaho si Arvin kaya siya nalang mag-isa. Hindi naman nagtaka ang binata kung bakit wala siyang photoshoot sa araw na iyon.

Napahinto siya nang marinig niya ang tunog ng doorbell. Nakabalik na ang nobyo? Tiningnan niya ang oras. Alas dyes pa lang ng umaga. Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa pinto.

“Ang aga mo yata, Love…” Natigil siya sa pagsasalita nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto at bumungad ang mama ni Arvin.

“So, it’s true.” Gumuhit agad ang digusto sa mukha ng ginang nang makita siya. Hindi niya makakalimutan kung gaano siya nito kinamumuhian noon.

“Tita…” Ito lang ang nasabi niya. Marahas siya nitong tinabig at pumasok sa loob ng condo.

“Totoo nga at nagkabalikan na kayo ng anak ko,” nakataas ang isang kilay nito.

“Yes po,” magalang niyang sabi. Bumalik lahat ng alaala niya sa ginang. Kung paano siya nito pinagtabuyan noong pumunta siya sa bahay ng mga Villanueva para kausapin si Arvin.

“Kailan ka ba talaga maglalaho ng tuluyan sa buhay ni Arvin? Sa buhay namin.” Galit nitong sabi. “Masaya na ang anak ko noong wala ka. At ngayon babalik ka para ano? Para tuluyan kaming sirain? Hindi ka pa ba nakontento sa ginawa ng ina mo sa amin? Kung sabagay, saan ka pa ba magmamana? Kundi sa ina mong malandi. Kahit patay na ay nagkakalat pa din ang lahi nito ng kalandian.” Pinasadahan siya ng ginang ng tingin mula ulo hanggang paa. Sumusobra na yata ito.

“Don’t you ever insult my mom in front of me,” nanginginig ang mga kamay niya sa galit. Kung hindi lang ito ina ng nobyo at baka kanina pa niya ito nasampal.

“At bakit? Hindi ba totoo?” Pagak itong tumawa. “Malandi ang ina kaya malandi din ang anak. Nilalandi mo ang anak ko!”

“Hindi ko nilalandi ang anak niyo. Mahal namin ang isa’t-isa.” Matapang niyang sabi dito ngunit mas lalo itong tumawa.

“Mahal? Magaling ka din magpatawa. Hindi ka mahal ng anak ko. Hihiwalayan ka din niya kapag sinabi kong hiwalayan ka.” Ang galit na nararamdaman niya dito ay napalitan ng awa dahil makasarili itong ina.

“I pity you, tita. Now I get it,” kumunot ang noo ng ginang sa sinabi niya. “You are trying to convince yourself na nilalandi ng mommy ko noon si Tito Wilson. Bakit? Dahil hindi mo matanggap na minahal at nauna sa buhay ng asawa mo ang mommy ko?”

“Hindi minahal ni Wilson si Elizabeth! Nilandi ng ina mo ang asawa ko para masira ang pamilya namin!” Tumaas na ang boses nito.

“Don’t act like you are the victim here, Tita. Yes, my mom made a mistake. Pero ikaw ang pinili ng asawa mo. Hindi ka ba kontento doon? At isa pa, hindi naman ang pamilya niyo ang nasira. Kundi amin! Our family was beyond broken for so long. My mom never love my dad pero hindi naman nagpakababa ng ganito ang ama ko kagaya mo.” Namula ang mukha ng kaharap ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“When I introduced Arvin to my father as my boyfriend, after everything happened, he welcomed him. He’s happy about us. Why can’t you do the same? I know why. Because you are selfish. Ang iniisip mo lang ay kung ano ang gusto mo at kung ano ang magpapaligaya sayo. Hindi mo iniisip ang nararamdaman ng ibang tao lalong lalo na si Arvin.” Natahimik ang ginang.

Hindi na niya hinintay na magsalita ito at naglakad na siya palabas ng condo ng nobyo.

THAT THING CALLED LOVEWhere stories live. Discover now